String 1 : The boy who doesn't age

5.9K 206 32
                                    

***

NAME: Harvey Alcantara
Nickname: Harry slash Prince Harry
Age: 21 years old
Course: Architecture
Talents: Hidden
Goals: Undiscovered

21st birthday ni Harvey. Ang debut party niya, matao, maingay, at bida ang saya. Special guest si Jollibee. Sumayaw ito. Nagpa-picture ang ilang dosenang batang attendees kasama ang tatlong inaanak niya. Tumabo rin siya uli (five-year undefeated) sa larong Bring Me.

Kaya naman pag-uwi nila sa bahay, nang matulog na ang Mama niya, nang nabuksan na nila ang lahat ng regalong toy cars, action figures, at baril-barilan, nagdabog siya nang mahina sa kuwarto. Umiyak siya nang mahina. Nagplano siyang mag-alsa-balutan.

Pero alam niyang walang point. Kaya tumaob siya sa kama niya at nagbuntonghininga. Masarap magwelga at ipaglaban ang karapatang pantao niya. Pero kung hindi nagawan ng milagro ng Poon sa Quiapo ang araw na ito, wala nang maaari pang magbago. Namanata siya roon noong isang linggo pero failed. Inalay na niya ang dalisay na pagkalalaki niya pero hindi sapat. Acceptance is key na lang uli siguro. Alam naman niya at naiintindihan kung bakit nananatili siyang baby boy ng Mama niya. At dahil alam at naiintindihan niya, wala siyang magawa kundi ang magbuntonghininga.

Everything they do in this house is for the good of his mother.

Sapilitan niyang inalis ang simangot. Hinanap sa isipan ang bright side. Ang silver lining. Ang rainbow after the storm. Nakatalisod siya ng isa: lumipas na ang araw. Idagdag pang hindi pinasuot sa kanya ng ina ang umiilaw niyang rubber shoes. Nang kumain siya, hindi na rin siya nilagyan nito ng bib dahil big boy na raw siya.

Napabuga siya ng hangin. Magdadasal at mamamanata na lang uli siya na sana next year, may magbago na sa birthday niya. Sa susunod, siguro naman ay mapagbibigyan na ang kahilingan niya.

Tumayo siya mula sa kama at dumeretso sa computer. Pinindot niya ang power button at wala sa loob na sinabayan ang opening theme song ni Spongebob habang hinihintay na magliwanag ang monitor. Nang mag-welcome ang operating system, dinampot niya ang mechanical pen sa drafting table niya.

When faced with the same problems, divert your attention. Mag-aaral na lang siya kaysa magmarakulyo nang mahina.

Hindi pa siya nakapipindot man lang ng kahit na ano sa computer nang sunod-sunod na lagabog ang narinig niya sa malaking sliding window ng kuwarto. Napalingon siya. Nakahawi ang kurtina niya kaya kitang-kita niya ang isang babae.

Kumunot ang noo niya. Babae?

Nasa ikalawang palapag ang silid niya. Kaparte ng balkonahe na may main door access sa buong second floor. Sigurado siyang naka-lock. Kaya ba ang babaeng ito ay sa bintana niya kumakatok?

Malakas at mabilis ang hampas ng kamao nito sa bintana. Nanlalaki ang mga mata kasabay ng pagsigaw. Naluluha habang may itinuturo sa 'di kalayuan.

She was mouthing, "Emergency!"

Sh*t! Nasa panganib ba ito? Kaya ba ito nangahas na akyatin ang kuwarto niya at sa kanya humingi ng tulong? Hinahabol ba ito ng kidnappers, rapist, o serial killers? Sa dead end ng kalye nakatayo ang bahay nila kaya wala na siguro itong matakbuhan.

Mabilis na napatayo si Harvey. Muntik pang matalisod sa sariling mga paa. Dumeretso siya sa sliding window at binuksan iyon. Agad namang sumuot papasok ang babae at ini-lock ang bintana. Sumandal ito sa tagiliran niyon at habang itinatakip ang makapal na kurtina ay pasilip-silip sa labas.

She was panting. Naka-combat boots, ripped shorts na maong, at maluwag na kamisetang parang hinatak sa manggas. Magulo ang makulay na buhok—cotton candy pink ang kabuuang kulay na winisikan ng pulang highlights, pero neon green ang side bangs. Napatingin ito sa kanya. Nahuli siyang nakanganga.

"Bakit? Ano'ng tinitingin-tingin mo?" kunot-noong tanong nito.

She has a beautiful face. Chinita. Ma-cheeks. At mukhang bad trip sa kanya.

"Ha?" tanging buwelta ni Harvey. Bakit parang siya pa ang may kasalanan dito sa pagtingin-tingin niya? Hindi ba at ito ang nakikitago sa kuwarto niya?

The girl looked at him. Kunot ang noo sa pagkakatingala sa kanya. Pinag-aaralan ang mukha niya. She smirked. Parang may nakita itong nagustuhan nito, gaya ng mukha niya. Napangiti rin tuloy siya.

Yes! May nakapansin na rin sa kaguwapuhan niya!

Naghihintay siya ng compliment mula rito pero gumala ang mga mata nito sa loob ng kuwarto. Lumapad ang ngiti nang madaanan ang display ng stuffed toys at toy figures niya. Napasimangot siya.

Ilang sandali pa, dumako ang tingin nito sa computer table niya. Nalusaw ang ngiti at nagusot ang maamong mukha.

"Really?"

Sinundan niya ang tinutumbok ng tingin nito. Nakapako iyon sa isang malaki, mataba, at mabilog na baso ng—

"Gatas? Gatas talaga?"

Nganga siya. Madali na mahirap i-explain ang gatas sa tabi ng digital clock sa computer table niya.

From Mama, with love.

Umiling-iling ito sa disbelief bago ngumiti uli. But this time, there is something annoying with her kind of smile.

"'Wag mong sabihing maya-maya ay magbe-bedroom check ang Mommy mo kung ininom mo na ang gatas mo?" sabi nitong mas bintang kaysa tanong. Magkakrus ang mga kamay nito sa dibdib.

Sa madaling salita, tinatanong nito kung Mama's boy siya. Muli, madali na mahirap sagutin ang tanong. Sa mahabang sagot, hindi naman pero ilang kabanata ng buhay niya at ng pamilya niya ang kailangang ikuwento. Sa madaling sagot, oo na lang.

Napabuga ng hangin si Harvey. Kung may presyo ang dignidad, discounted na discounted na ang sa kanya.

"Of course... not. I mean—I don't—I'm not..." Kandautal siya sa paghahagilap ng ibang bersyon na maaaring sabihin.

She smiled maliciously and looked at him with lowered eyelashes.

"11 p.m. na. Ininom mo na ba'ng gatas mo?" #

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon