***
"HAVE I told you how happy you made me for spending this day with me?" tanong ni Harvey kay Nadine.
Nagyuko ng ulo ang babae. Pagkatapos ay tumanaw ito sa Manila Bay, nangingiti habang hinahawi ang hinahanging buhok at inilalagay sa likod ng tainga nito. Nasa view deck sila. May mga tao roon pero dahil may iba ring nagde-date, naisip ni Harvey na mas mabuting doon na mag-confess.
"No. I am happy to spend this day with you, Harvey."
Natigilan siya. Bibihira siyang tawagin ni Nadine sa pangalan niya. Whenever she does, his heart skips a beat. Automatic siyang ngumingiti.
"About RL. . ."
"Let's not talk about him now," putol nito sa kanya. "I don't want to feel guilty being with you."
"Nadine. . ."
"Sabi ni JM, may sasabihin ka sa 'kin na matagal mo nang gustong sabihin, so I agreed to have a friendly date with you. Ayokong pagsisihan 'yong chance na marinig kung ano'ng sasabihin mo."
Iniiwas ni Nadine ang mga mata nito. Oo nga pala, muntik na niyang makalimutan: this date is only happening once. Hindi na puwedeng maulit. Pinagbigyan lang siya ni Nadine dahil mabuti silang magkaibigan. Anuman ang mangyari, hindi na mababago ang katotohanan na dini-date nito si RL, ang captain ng basketball team. Hindi na rin mababago na late na siyang nagkaroon ng lakas ng loob para umamin. He's here para sa tsansang masabi ang nararamdaman niya, para hindi niya pagsisihan sa huli. Whatever this date leads to, Nadine is already with someone. Wala na siyang habol at wala na siyang laban.
Hinawakan niya ang kamay ng babae. Iniharap niya ito sa kanya. Kailangang masabi na niya ang nararamdaman niya rito nang matagal na panahon.
Namumula ang mga pisngi nito nang hulihin niya ang mga mata. He cleared his throat. Inalala ang speech na ilang gabi nang kinabisa.
"You enchant me mula nang unang araw na nakita kita at nakatabi sa klase. I tried to keep my distance kasi crush ka ng buong university. But you treated me kindly, you always smile at me, at kahit hindi mo alam, when things go wrong, kapag mabigat dito. . ."—hawak pa rin ang kamay ni Nadine ay inilagay niya ang kanang kamay sa dibdib—"you always say the kindest things na nagpapakalma sa akin. You always made my day."
Hindi makapagsalita ang babae habang nakikinig.
"I guess what I'm getting at is that. . . I. . ." Naipit sa lalamunan niya ang sasabihin. Love? Like? Hindi pa pala siya decided.
"You. . . what?" tanong ni Nadine.
"I. . . I love you. I think I love you from the very first day we met. But I was too chicken to tell you." Lumamlam ang mga mata niya. "Now, I'm late."
Malamlam din ang mga mata nito sa kanya. May lungkot siyang nababasa roon.
"I. . . I. . ." Hindi nito maituloy ang sasabihin.
Hanggang sa makita ni Harvey ang cue. Tumigil ang oras. Nag-slow motion si Nadine. Nagtama ang mga mata nila at tahimik na nangusap. He thought he would take his chance. Kasi hindi na ito mauulit pa. Kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha sa babae habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito. Hindi ito umiwas. Pumikit naman siya. And before he knew it, he was feeling her soft lips against his.
Hindi niya alam ang nararamdaman. Parang nanghihina ang puso niya, gayon din ang tuhod. Malambot ang labi ni Nadine at—
May malalaking kamay na bumaklas sa pagkakalapit nila ng babae. At bago pa niya makita kung kanino, may kamaong lumipad sa matulis pa niyang nguso. Humampas siya sa barandilya sa view deck at napaupo.

BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
Lãng mạnAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...