***
MABIBIGAT ang hakbang ni Charley papunta sa silya-elektrika kung saan siya hahatulan. Ang silya-elektrika niya ay isang reserved seat sa fine dining restaurant kung saan siya ipinatawag ng hari na si Rupert Roxas.
Para hindi masayang ang inasahan niyang sosyal na ambiance ay nagsuot siya ng nababagay na kasuotan—gray na pang-itaas na labas ang isang balikat at may fringe, shorts na red camouflage, at combat boots. Nakahain na ang masasarap na pagkain para sa bibitayin, kaya naman umupo siya at nakipagtitigan sa mga hurado—sina Mommy Shiela, Tito Donald, at Daddy Rupert. Magkakaiba ang mababakas sa mukha ng mga ito habang nakatingin sa kanya.
"How could you show up looking like that, Katarina?" matigas na sita ng daddy niya. "Pinagtitinginan ka ng mga tao!"
Katarina. It felt wrong to hear her own name.
"Let's finish this quickly, Dad," walang emosyong sabi niya rito. "What do you need me for?"
"Princess, don't talk like that to your daddy," may pakikiusap na sabi naman ng mommy niya. Inabot nito ang kaliwang kamay niya na nakapatong sa mesa. Pinisil. "How are you? Where are you staying now? Are you eating well?"
Pinigilan niya ang pagkaipon ng luha sa mga mata nang mapatingin sa ina. Her mother is a beauty. Nakuha niya rito ang singkit na mata at maninipis na labi. Pero ngayon, ang mga mata nito ay pinapangit ng pangingitim at ng dalawang maninipis na guhit sa ilalim. Hindi iyon maitago nang maganda nitong make-up. Alam niyang dahil iyon sa kanya.
Ang Daddy naman niya ay may mga gatla rin sa noo at guhit sa ilalim ng mata. But she could never tell what's on his mind. He's good in hiding his emotions with a straight face.
"I'm okay, Mommy. I actually found a place where I could sleep peacefully. You don't have to worry about me." Hindi niya napigilan ang paglambot ng tono. "Do you even sleep? You look so. . . tired."
"Just come back if you're worried about your mother," singit ni Daddy Rupert.
Sumulyap siya sandali sa daddy niya bago ibinalik ang paningin sa ina. May pakikiusap sa mga mata ng mommy niya.
"Just come back, Princess," anito. "I'm so worried about you."
Lumunok siya. "I can't, Mommy."
Natahimik sila sandali.
"Give me a sensible reason why you're still not coming back." Malamig ang tono ng ama niya.
Sila naman ng ama ang nagsukatan ng tingin.
"I already told you what I wanted, Dad," sabi niya.
"What is it?"
"You still don't have an idea what?"
"Tell me."
"The truth, Dad! Tell me the truth about this damn family!"
Naging prominente ang ugat sa noo ng daddy niya nang magtagis ito ng panga. Tumalas din ang mga mata nito sa pinipigilang init ng ulo. "What else do you want me to say? I already told you everything."
Napatiim siya. "Everything? You lied to me. You know that you lied! Why don't you just tell me about Miranda and. . ."—nag-crack ang boses niya—"Candy and all the secrets that you are keeping from me?"
Natahimik ang mesa nila. Napatungo si Mommy Shiela bagamat hindi magawang bitawan ang kamay niya. Nag-aalala naman na nakatingin sa kanya si Tito Donald. Samantalang ang daddy niya ay blangko pa rin ang mukha.
"We've been through this a hundred times! There's nothing more to tell!" giit ng ama. "Why do you care about that Miranda? She's nothing to you. We are your family and you're becoming a failure dahil sa mga pinaggagagawa mo!"
BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
RomanceAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...