String 34: Our Last Night Together

1.2K 102 76
                                    

*** 

Linggo. Lagpas tanghalian na nang makarating si Harvey sa bahay mula sa pagsisimba. Parang hinugot pa rin sa ilalim ng balon ang buntonghininga niya. Mayaman na rin ang eyebags niya sa kaiisip kay Charley at sa pamilya nito.

He saw everything that happened the night of AC Real Estate's anniversary party. It was messy. Inaasahan niya na kinabukasan din ay mababalita ang mga naganap pero wala siyang nakita. His father heard gossips. Alam nang lahat ng nakapalibot sa mga Roxas ang mga sekretong itinatago ng mga ito.

Everyone who minds knows that Armand and Berna Roxas were divorced. That Berna is with Dr. Howard, a doctor who happens to be one of Rupert Roxas' close friends. That Donald Roxas is gay and he has a lover named Andy. That Katarina Roxas ran away and ended up living with the Alcantara. That Rupert Roxas first married a woman named Miranda and they have children named Rupert Junior and Candy.

Harvey wondered about Charley. She must be so broken by now. Baka hindi na naman ito nakakakain o nakatutulog. He misses her pero wala siyang magawa. Hindi niya makontak ang mommy nito na siyang gumawa ng paraan nang gabi na mangharana siya. Kahit ang personal maid nito na si Jes na nagbalik ng magazines niya at pictures ni Nadine ay hindi niya makuhaan ng balita.

Lulugo-lugo siyang umakyat ng hagdan. Napasulyap sandali sa dating pinagkuwartuhan ng babae bago tumigil sa pinto niya. Napabuntonghininga siya. Kung puwede lang sana na pagbukas ng sariling kuwarto ay naroon uli ito at naglalaro ng—

The zombies ate your brains!

Isinara ni Harvey ang pinto kasabay ng pagkurap. Namamalikmata ba siya? May lumuwag bang turnilyo sa utak niya at nakita niya si Charley na nakaupo sa harap ng computer niya at naglalaro ng Plants versus Zombies? Pero itim na ang kulay ng buhok nito bilang Katarina, hindi ba? Tri-color ang buhok ng babaeng napagbuksan niya, na maaaring ang ibig sabihin ay namamalikmata siya o nababaliw. O pwede ring may Charley nga talaga sa loob ng kuwarto niya!

Binuksan niya uli ang pinto.

"'Oy, sanggol! Welcome back!"

Napatunganga siya sa babae. Nakaupo ito sa swivel chair na nakapihit paharap sa kanya habang malaki ang ngiti. Bago pa siya makapag-isip ay nayakap na niya ito nang mahigpit.

Hindi ito nagsalita pero yumakap pabalik. Napalunok siya. She's real. She's there with him.

Tinapik siya nito sa likod. "Na-miss mo ba ako o balak mo 'kong patayin? Ang higpit ng yakap mo."

Nakangiti na siya at malamlam ang mga mata nang bitiwan ito. "Akala ko, imagination lang kita, eh. Mabuti na 'yong sigurado."

Umangat ang isang sulok ng labi nito na parang siga. Umirap. Pagkatapos ay parang may dumaang lungkot sa mga mata nito bago nag-iwas ng tingin.

"Halika na. Alis na tayo. Kanina pa kita hinihintay," anito.

"Saan tayo pupunta?"

"May susunduin tayo!"

Hinila siya ni Charley papunta sa bintana ng kuwarto at dalawa silang sumuot palabas doon. Nang nasa balkonahe na ay tinanguan siya nito bago kumiling sa malaking puno sa tagiliran. Mukhang gusto nitong subukan ang lumambitin sa puno na parang unggoy. Doon nito gustong mag-exit.

"Bakit dito tayo dadaan? May pinto naman," reklamo niya. "Nag-aakyat-bahay ka na naman."

"Bakit? Hindi ka marunong bumaba sa puno? Takot ka, sanggol?"

"I'm just saying na may pinto naman at—"

"Ang daming sinasabi?" Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "Susunod o hindi? Tatakas kasama ko o hindi? Ang simple-simple ng gagawin, ang daming reklamo."

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon