String 24: Pandora's Box

939 84 28
                                    

***

Walang-imik si Charley sa buong biyahe nila hanggang sa makauwi sa bahay. Harvey was afraid to ask if she's okay. Para kasing tumigil ang oras sa mundo ng babae. He literally dragged her—while holding her hand—para makatayo at makalakad paalis sa bahay nina Tita Miranda. He dragged her inside the taxi and dragged her inside the house. Sa buong panahon ay mahigpit ang kapit nito sa kahon. And without as much as saying good night, pumasok ito sa sariling silid. Walang nagawa si Harvey kundi ang pabayaan muna ang babae.

Maging siya ay nayanig sa sinabi ni Tita Miranda. If she is not the mistress, that means that. . .

Habang nakahiga sa sariling kama at pinipisil si Pong, may kumatok. Napatingin si Harvey sa pinto ng kuwarto niya. Umulit ang katok. Tumayo siya, binuksan ang ilaw, at pinagbuksan si—

"Can I sleep here tonight?" tanong ni Charley. May yakap itong Penguin, unan, at kumot. Nakatungo ito.

Sinubukan niyang silipin ang mukha nito pero mababa ang pagkakatungo nito at nakaharang ang colorful na buhok. Gusto niyang makita kung namumula ang mga mata nito. Did she cry? Is she bothered? Binuksan na kaya nito ang box na ibinigay ni Miranda?

Hindi niya alam ang sagot.

"Sure," tanging nasabi niya at niluwangan ang bukas ng pinto.

Walang anumang salita na lumampas sa kanya si Charley. Sumampa ito sa kama niya, maayos na itinabi sa tagiliran ng kama ang mga unan at kumot niya, at pagkatapos ay nahiga. Nakasunod ang mga mata niya rito.

"Good night," sabi nitong tumagilid, yumakap kay Penguin, at pumikit.

"Uhm. . . Good night."

Dahan-dahan siyang nag-ayos ng hihigaan sa ibaba sa tagiliran ng kama. Pinatay niya ang ilaw, binuksan ang asul na night lamp, at nahiga. Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya mapakali. Something felt wrong. Napaupo siya at sinilip si Charley. Hindi ito tumitinag sa pagkakatagilid.

"Charley?"

"Uhm. . ."

"Are you sleeping?"

"Yes."

Matamlay ang boses nito. O mas tama sigurong sabihin na walang emosyon.

"Ah. . . Sorry. Good night."

"Okay."

Nahiga uli siya nang ilang minuto para lang maupo uli at sumilip dito. Nakatalikod pa rin ito. Mukhang walang gagawing masama—na napakawirdo sa pakiramdam. Kung kailangan lang nitong matulog, she could sleepwalk her way to his room gaya ng ginagawa nito sa bawat gabi. Pero ngayong gabi ay nangatok ito at nagpaalam pa. Na sa ibang ordinaryong gabi, nangangahulugan na may binabalak itong masama.

"Charley?"

"Huh?"

"Are you. . . really sleeping?"

"Yes. Good night."

Hindi makapaniwala na nahiga uli si Harvey. Naghahanap siya ng sagot sa kisame at kay Pong. Napailing-iling siya. Nakiramdam. Hindi niya alam pakisamahan ang walang-binabalak-na-masama na Charley. Lalo na kung ang walang-binabalak-na-masama na Charley ay alanganing malungkot na hindi makapagkuwento sa nararamdaman o iniisip nito. Mas inaasahan niyang manonood sila ng sine, kakain ito ng popcorn, tatawa, at gagawing punasan ng uhog ang damit niya. O 'di kaya ay bubugbugin siya nito. O 'di kaya ay manginginain sila sa buffet hanggang gumapang sa kabusugan. Hindi 'yong ganitong tahimik ito at nagkikimkim. He has to get through her. He has to loosen her up.

Bumangon siya, one more time.

"'Oy, Charley?"

Isang lumilipad na unan ang sumagot sa kanya bago pa niya masulyapan ang babae. Sapul siya sa mukha. Nang bumagsak ang unan sa kandungan niya at bumalik sa normal ang nagdilim na mata ay nakita niya ang namumulang mukha ni Charley. Namumula sa asar.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon