***
"You can trust me with anything from now on."
Funny. Sinisingil talaga ang tao sa mga pangako (at pagyayabang) na binibitiwan. At maagang siningil ni Charley si Harvey.
He acted so cool before. Alam ni Harvey 'yon. Gusto nga niyang magtatalon nang matulala si Charley sa kanya. Maraming ulit niyang na-imagine kung paano aakto sa harap ng isang babaeng gusto niyang protektahan. Kahit mas preferred niya na si Nadine ang unang makakita ng actual coolness at control niya, mas nauna siyang kailanganin ni Charley.
Ayaw niya sa injury. At si Charley ay parang hindi nauubusan n'on.
She's injured the first time she blackmailed her way to his bedroom. Ngayon naman ay itinago nito sa kanya ang mas malalang injury.
He didn't like it.
At ang Donald na iyon. . . First time niyang nakita si Charley sa ganoong ekspresyon—teary-eyed, worried, and even a little scared. Wala itong pakialam sa sugat nitong nagdurugo, masundan lang ang lalaki.
He must be someone really important to her. And whatever it is that she wanted to know must be so important in fixing her broken heart.
Yes, a broken heart. Harvey is certain that Charley's heart is broken.
Sigurado na rin siyang baliw rin talaga ang babae. Lalo na ngayong nasa harap sila ng condo unit ni Donald Roxas at sinusubukan ni Charley na buksan ang pinto gamit ang ilang kopya ng swipe keys.
Ito ang ideya nito ng pagmamanman—ang lusubin ang condo ng target at palihim na imbestigahan.
Mentally ay naghahanda na si Harvey sa mug shots at sa statement niya kapag dinampot sila at idineposito sa presinto.
"Whoah." Nakangiting bumaling sa kanya si Charley. "Bukas na!"
"Shhh. . ." saway niya. "Ang lakas ng boses mo."
Umirap ito. "Mas suspicious kung bubulong-bulong ka diyan."
Magkasunod silang pumasok sa loob ng unit.
Candy at sakit ng ngipin ang unang naisip ni Harvey. Kulay kendi kasi ang loob ng condo. Lahat ng furnitures, dekorasyon, kurtina, at mantel, kasama ang dingding ay naglalaro lang sa candy pink, baby blue, tangerine, at mint green.
"Love nest!" nanggigigil na sabi ni Charley.
"Ano? Love nest?"
"Oo. Hindi rito nakatira si Donald Roxas."
Umikot si Charley sa living room. Binubuksan ang mga counter at drawer at inuusisa anumang mahawakan.
Siya naman ay lumibot ang paningin. Ang bungad ng unit ay living room at kitchen area na dinidibisyunan ng isang rolling island at payat na wine rack. Tanaw nila ang isa pang pinto na malamang ay bedroom. Doon kasunod na pumasok si Charley.
They were exploring someone else's place without permission but it somehow felt exciting. Para silang mga sutil na batang naglalaro ng detective games o treasure hunting.
'Na puwede mong ikakulong, bata! Happy trip sa Bilibid!' sabi ng isip niya.
Napailing siya. Hindi naman siguro. Kung kamag-anak kasi ni Charley ang Donald Roxas na ito, malaki ang tsansa na hindi sila ipakulong, mahuli man sila sa ginagawa.
'Oo. Malamang na ikaw lang ang ipapakulong kasi ikaw lang ang hindi kamag-anak.'
Nanlaki ang mga mata niya sa reyalisasyon. Puwede ngang mangyari iyon! Yari siya 'pag nagkataon!
![](https://img.wattpad.com/cover/14246335-288-k26184.jpg)
BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
RomanceAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...