String 28: Only Looking at You

959 86 68
                                    

***

GAANO katagal na ba silang magkayakap? Gaano katagal na ba silang umiiyak? Hindi na masukat ni Charley. Ang alam niya lang, nang magbitaw sila ni Harvey ay tunaw na ang ice cream, tunaw na ang puso niya, at gumaan nang kaunti ang mabigat sa pakiramdam niya. Sinubukan niyang silipin ang mukha ni Harvey pero tungong-tungo ito at tahimik na sumisinghot.

"Let me look at your face," sabi niya rito. Sayang naman kasi. First time umiyak ng sanggol at curious siya kung ano ang itsura nito.

Pumalatak ito, tumagilid para itago ang mukha, at umisod nang paatras.

"'Oy, patingin," napapangiting sabi niya. With Harvey, everything's a little lighter. Kahit na kapag ganitong may patuloy na nadudurog sa loob niya.

"'Wag kang makulit, Charley."

"Hala, nahihiya ka pa, sanggol?"

Masama itong tumingin sa kanya. "Uhugin."

Nagtaas siya ng kilay sa sinabi nito pero hindi sumagot. She could see his face now—mapula ang matangos na ilong, nakapinid ang mga labi, at ang nangungusap na mga mata ay maamo at nangingintab sa luha. Hindi niya napigilan ang sarili na sapuin ito sa mukha at banatin ang magkabilang pisngi nito.

This is Harvey's crying face. She loves this kind of face of him too. The other night, she saw his drunk face.

Natigilan siya sa gitna ng ngiti. Nakaalala.

'His drunk face. . .' naisip niya bago nag-echo sa tainga ang mga salitang sinabi (o inamin) nito. Tila napapaso siyang napabitiw sa pisngi nitong pisil niya at nag-iwas ng tingin.

"'Oy. . . alien, okay ka lang?" kunot-noong tanong ni Harvey.

Kailangang magtanong ni Charley tungkol sa sinabi nito. . . o hindi na ba?

"Hey. . . Do you remember, uh, what happened the other night when you got home drunk?" aniya.

Nakabantay siya sa kunot-noo nitong pag-iisip. Mukhang inaalala ang itinatanong niya.

"Ah. . . yes."

Nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sinasaway naman niya. Baka kasi false alarm ang sagot nito at wala naman talaga itong naaalala.

"That's what I've been trying to remember completely." Seryoso pa rin ang mukha ni Harvey. "Did anything special happen?"

Tumahimik ang nagpapapansin niyang kaba. He looked so innocent. Umiinit tuloy ang ulo niya. So, false alarm nga lang ang 'yes.' Hindi buo ang naaalala nito. Hindi nito alam na nagsabi ito ng. . .

Umigkas ang kamay niya at flat na dumapo sa pisngi ni Harvey. Gulat itong tumanga at napahawak sa pisnging may handprint. Siya naman ay pinamulahan ng mukha sa inis.

"Masakit, ah! Bakit? Ano'ng ginawa ko?" anito.

"Wala!" Umangil siya at pinagdiskitahang sunod-sunurin ng sandok ang tunaw na ice cream.

Nakabantay sa kilos niya ang nasampal. Sino-solve ang misteryo ng handprint at ng paghuhukay niya sa ice cream. At dahil buong atensyon niya ay nasa pagkain, hindi niya nakita nang mangunot ang noo ni Harvey, mapaawang ang labi sa pagbalik ng alaala, mamutla, at nang magbalik ng tingin sa kanya ay malamlam ang mga matang napangiti. Nakiagaw ito ng ice cream at nagkompetensiya sila sa kung sino ang may pinakamaraming masasandok. Nanalo siya dahil lagi niya itong pinipitik sa ilong. At nang maramdaman nilang may iba pang nagising sa bahay ay iniwan nila ang kinakain sa lababo at mabilis na sumibad patungo sa kani-kanilang kuwarto.

***

SABADO ng hapon. Ilang oras bago ang Senior's Ball sa unibersidad na pinapasukan ng sanggol at na-invade ng alien, kabado si Harvey habang nasa sariling kuwarto at nananalamin. Ang unang dahilan ng kaba niya ay ang buhok niya. Matigas at nakapomada at sunod sa uso. . . no'ng 1920s. Ang ikalawang nagpapakabog sa dibdib niya ay ang damit niya—all black at nakasunod naman sa damit ng mga elite. . . no'ng 1920s. At ang ikatlo, hindi niya pa kasi uli nakikita si Charley mula nang magising siya.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon