String 35: String-Knitted Heart

1.4K 115 58
                                    

*** 

Nagtuloy silang pamilya sa kuwarto ng mama at papa niya. Matagal ding nanood si Harvey sa pagsagot ng kuya niya sa napakaraming tanong mula sa ina; gaya ng kung ano ang kinakain ng mga fairy, gaano kaganda sa fairy kingdom, at kung ano na ang plano nito ngayong nasa tunay na mundo na ito. Walang pagsidlan ng tuwa ang papa niya sa nangyari. Mukhang magiging maingay ring muli ang bahay dahil inaasahan ng mama niya na lilipat na roon sa kanila si Elrich upang mamuhay sa mundo ng mga tao.

Tired, Harvey went into his own room. Nabungaran niya ang fairy na nakapagpalit na ng damit ng mga commoner—her usual shorts and large shirt. Naka-indian sit ito sa kama niya at nanginginain. May nakalatag na dalawang family size boxes ng pizza, isang round chocolate cake, isang bucket ng fried chicken, apat na burger, at dalawang litrong ice cream.

Namaywang siya sa laki ng gutom ng fairy.

"I knew you're still here!" nakangiting sabi niya.

"Of course. Alangan namang umalis ako na walang reward!" sabi ni Charley na pinagpag ang tagiliran ng kama upang paupuin siya. "Nagpa-deliver ako gamit ang wallet mo. Ang tagal n'yo, eh."

Napapailing-iling siya nang umupo sa tabi nito. Inagaw niya ang kakagatin nitong pizza at iyon ang kinain. Nang kukuha ito ng manok sa bucket ay pinitik niya ang kamay nito at nauna siyang kumuha.

"Bakit ba? Masakit ah! 'Yang ibang pagkain ang kunin mo!" angal nito.

"Nag-worry ako," seryosong sabi niya. "Kahit naisip kong nandito ka pa sa bahay at malamang na nasa kuwarto ko, I worried na baka wala ka na uli. Don't just disappear."

"I won't," mahinang sabi ni Charley.

Tumitig siya sa mukha nito. Kanina niya pa napansin na pumayat ito pero hindi siya makapagkomento. Ilang araw na rin mula noong magkagulo sa company party.

"How's Tito Rupert?" malumanay na tanong niya.

"He's. . ." Maliit itong kumagat sa fried chicken na hawak, mabagal na ngumuya at lumunok. "He'll be okay."

"Tita Shiela?"

"She will be okay too."

"And you?"

"I will be okay."

"Can I hug you?"

Napatingin sa kanya si Charley at natigilan. Sandaling naningkit ang mga mata nito. "Ano ka, sinusuwerte?"

Ngumiti siya. "Yes."

Namula ang pisngi nito pero tumango. "Eh 'di. . . sige."

"Ang bait-bait na talaga ng alien ko, ah," sabi niya. Bago pa magbago ang isip nito ay niyakap na niya.

Gumanti ito ng yakap. Mahigpit. Masakit din, dahil alam niya ang kahulugan ng yakap nito. He could see in her eyes the things she couldn't admit. He could feel in her voice the things she couldn't tell him directly. Alam niya kung bakit narito uli si Charley sa bahay niya. Alam niya kung bakit gumawa ito ng magic para sa kuya niya.

He knows and it's painful.

Charley's leaving and this is her way of saying goodbye. At hindi niya alam kung paano ito pipigilan.

So he just hugged her like he would never have that chance again.

***

NAKAPATAY na ang ilaw sa kuwarto ni Harvey pero mulat pa rin si Charley. She was silently waiting for her chance to leave. It's one in the morning. Two more hours bago ang alis nila ng mommy niya patungo sa airport. They're leaving for Paris.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon