String 14: Miss Perfect

1K 98 61
                                    

***

MALAYO pa ay tanaw na ni Harvey si Charley. Nakaupo ang babae sa sidewalk at kahit babad na ang mga mata niya rito habang palapit ay hindi ito nag-aangat ng mukha. Yakap nito ang tuhod at nakikipagtitigan sa sintas ng combat boots nito. Bagsak ang mga balikat.

Nagdadalawang-isip tuloy siyang tawagin ito. Something must have happened for her to look like she carried the world on her shoulder.

"Ano'ng meron sa sapatos mo?" tanong niya nang tuluyang makalapit.

Nag-angat ito ng mukha. Blangko noong una bago mangunot ang noo. "Ano?"

"Kanina ka pa nakatitig diyan sa sintas ng sapatos mo," sabi niya. "Ano'ng meron?

Tumayo si Charley at namaywang. "Kanina mo pa 'ko tinitingnan?"

"Oo. Ang layo ng pinagbabaan sa 'kin ng taxi, eh. Bakit? Masama bang tumingin?"

Umirap ito. "Hindi. Mas masama mang-agaw ng damit ng bata. Ano ba naman 'yang suot mo?"

Dumilim ang mukha ni Harvey kahit hindi naman siya guilty. Pambata ang damit niya pero sa kanya iyon. Sa kanya ang button-up na tadtad ng residente ng Bikini Bottom. Sa kanya ang lagpas tuhod na shorts.

Prepared by Mama, with love.

"Ano? Hindi ka makasagot diyan?" anito.

Ngumiti lang siya. Tama lang pala na hindi niya pinalitan ang suot. Kung hindi ay hindi niya alam kung paano gigisingin ang kaangasan ni Charley.

"Linggo ngayon. Nagsimba kami. Kasama ko si Mama kaya natural ay siya ang pipili ng damit ko."

Pumalatak si Charley. Umirap pero hindi na nagkomento.

"Tara na. Uwi na tayo," yaya niya.

"May dala kang pera?"

"Bakit?"

"Manood tayo ng sine."

"Ano?" Hindi niya alam na may iba pang trip ang alien. "Anong oras na, Charley. Kailangan na nating umuwi. Hinihintay tayo sa bahay."

"Ayoko pang umuwi."

"Kaya gusto mo 'kong i-date?"

Muntik siyang masugatan sa talas ng mata nito. "Gusto mong suntukin kita sa mata?"

Napailing siya. "Seriously, kailangan na nating umuwi. You have to meet Mama."

Bumagsak ang balikat ng alien. Nagbuntonghininga. "Can we not go home yet? Please?"

She had pleading eyes on him. Hindi naman gano'n kaamo ang mga mata nito pero hirap siyang tumanggi. Pagdating kay Charley, kahit 'ata bawasan lang ng dalawang porsiyento ang haba ng pangil nito sa kanya, magdadalawang-isip na siyang humindi.

"Okay. But why a movie? Anong oras na o."

"Wala pang eight. Aabot pa tayo sa last full show. Gusto kong manood ng comedy."

"Comedy ang taste mo? Hindi patayan? Mafia? 'Yong mga madugo at brutal? 'Yon ang bagay sa 'yo."

Namaywang uli ito. "Gusto ko kasing tumawa. Kaya mamili ka: pagtitripan kita o manonood tayo ng comedy?"

Pumalatak siya. 'Terorista,' naisip niya bago, "Okay. Nood tayong comedy."

***

Name: Katarina Roxas
Nickname: Kat (to friends kuno), Princess (to family)
Pseudo: Charley
Age: 20 years old
Course: Interior Designing
Talents: Unlimited
Goals: Complicated

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon