***
"She'll be here any minute now," sabi ni Dr. HH.
Tikom ang bibig ni Charley. Kung puwede siyang magsuot ng kabuki mask para masigurong walang mababasa ang lalaki sa mukha niya ay ginawa na niya. Since she couldn't, she pressed her lips tight and stared at him blankly.
Sa isang coffee shop sila nagtuloy ni Dr. HH matapos ang matinding titigan sa simbahan. Ayaw niya sanang makipag-usap pero mapilit ito. Napilit siya dahil nag-back up sa pangugumbinsi si Harvey. Mas mabuti na raw iyon para maging malinaw ang mga gusto niyang malaman kaysa sa pasunod-sunod sila sa doktor. Pero sigurado siyang mas inaalala ng sanggol ang posibilidad na maisumbong ito sa pagpasok sa kumpisalan at paghatol sa isang nangungumpisal sa ilalim ng pseudo na Father Harry.
"If she's not here after five minutes, I will—"
Naputol ang sasabihin ni Charley nang may yumakap mula sa likuran niya. Agad niyang naamoy ang pamilyar na mamahaling floral perfume ng bagong dating. The warmth of the hug definitely felt like Tita Bernadette.
"I missed you, Princess," bulong nito habang nakayakap.
Nag-init ang pisngi ni Charley at kumalat iyon sa mukha niya. Wala sa loob na napalunok siya. Napakatagal na mula nang huli silang magkita ng tiyahin. Nagsusuot pa siya ng matinong bestida noon at iisa lang ang kulay ng buhok niya.
Umupo si Tita Berna sa tabi ni Dr. HH nang bumitiw sa kanya. Nakangiti ito. Nawalan naman siya ng salita. Pagbaling niya kay Harvey ay nakita niya na bahagyang nakaawang ang bibig ng lalaki at titig na titig sa tiyahin niya.
Siniko niya ang katabi. "Laway mo, baka tumulo."
Kumunot ang noo nito at isinara ang bibig. Pagkatapos ay nahihiyang ngumiti at humingi ng dispensa. Pinigilan niyang mapangiti rin.
Deserving sa nganga ang Tita Berna niya. She was wearing her usual style of floral and flowing dress. Sleeveless ang damit pero hindi malalim ang cut sa dibdib. Pero mas striking ang presensiya nito ngayon. She looked younger. Gorgeous. At ni wala itong suot na makeup.
Iyon ba ang nagagawa ng pag-ibig?
Charley shook her head to chase her thoughts away. In love or not, mali ang ginagawa nito.
Malamlam na ang mga mata ng Tita Berna niya nang magkatinginan uli sila. "We have a lot of things to talk about. I know. . . you want to ask me about things."
Nanlambot ang puso niya. Her Tita Berna looked happy and yet, she also looked at her like she was pleading.
"Harvey. . ." baling ni Dr. HH sa lalaki, "let's transfer to another table and let the girls talk."
Napatingin sa kanya si Harvey. May concern sa mga mata. "Are you going to be okay?"
Umirap siya rito. "Of course. Ano'ng akala mo sa 'kin?"
Ngumiti lang ito at pagkatapos ay bumaling naman sa Tita Berna niya. "Tita, are you going to be okay? Baka po manibago kayo kay Charley. Nangangagat na po kasi siya ngayon."
Inangilan niya si Harvey pero hindi naman siya makaganti sa pang-aasar nito kahit na gusto niya. Mahirap na'ng mawala sa serious mood.
Nangingislap ang mata ng Tita niya nang ngumiti kay Harvey. "Really? I better be careful, then."
Tumango ito sa Tita niya at pagkatapos ay bumaling uli sa kanya. "If after this we need to watch a movie, you just have to tell me."
Napalunok siya. Ang amo kasi ng mata nito at. . . nagiging jelly ang puso niya. Gusto niyang umangil uli pero pinigilan niya ang sarili.
BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
RomansaAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...