***
Tsss. . . Tsss. . .
"Umiiyak ka ba, alien?"
Umiling si Charley kahit hindi siya nakikita ni Harvey. "Hindi, 'no. Ano'ng akala mo sa 'kin?"
Narinig niya ang mahinang tawa nito. "That's good. Don't cry without me."
Nag-uunahan sa pagtaas-baba ang dibdib niya. Panay naman ang abot ni Jes ng tissue sa kanya na siya niyang ginagamit na pantuyo ng luha.
"Nasa'n ka ngayon?"
"Nasa likod ng bahay n'yo. And I mean, sa likod, sa kalye. May kasabwat ako. Wala naman siguro kayong aso, 'di ba?"
Napangiti siya. Apat ang guards sa mansyon nila. Dalawa ang nakatigil sa gate. Dalawa ang rumoronda. Hindi niya maisip kung sino ang maaaring kasabwatin nito para makatambay sa likod ng mansyon, maliban kay Jes.
"May K-9 kami at dalawang dobberman."
"Talaga? Busog naman siguro sila, 'di ba?"
"Ewan. Ang alam ko, ginugutom 'yon para sa mga tulad mo."
Tumawa si Harvey sa kabilang linya. Napakagat-labi naman siya. Hindi aso nilang ginugutom ang gusto niyang pag-usapan. Malayo sa lumalabas sa bibig niya ang mga gusto niyang itanong. Pero nagagawa niyang ngumiti sa kabila ng bigat ng puso. Harvey makes her feel. Nagagawa nitong palabasin ang bawat maliliit na bagay na akala niya ay natutunan na niyang itago. It's also hard not to joke with him.
"How are you, Charley?"
Ilang ulit nang naitanong iyon sa kanya ng mga kakilala nila. Ilang ulit na rin niyang sinagot ng "I'm okay." Pero ngayon, tumatangging lumabas ang mga salita.
"I'm. . ." Lumunok siya. "What happened to you? Kailan ka nakalabas ng ospital?"
"I only slept for three days. After that, I woke up with a headache." Huminga ito nang malalim. "And I woke up with you gone."
"I'm sorry. I said my goodbye while you're sleeping."
"I know."
Natigilan siya. "You know? Are you awake that time?"
"Hindi. But. . ."—nakarinig siya ng tumuktok na bagay sa semento—"you promised to say your goodbyes. And promises are not meant to be broken."
Nangiti siya. "Ano 'yong tumunog?"
"'Yong gitara mo."
"Bakit? Ano'ng gagawin mo diyan sa gitara?"
"Ahem, ahem," exaggerated na sabi nito. "I've been practicing because the house felt lonely without you. At dahil nami-miss ni Mama ang paggigitara mo."
"Talaga? So, what now, you will sing for me?"
"Ahem, siyempre. May tawag dito eh."
Tumaas ang kilay niya. "Ano?"
"Harana."
Lumundag ang puso niya pero hindi niya ipinahalata. "That better be good."
"Are you ready?" anito.
"Yes."
Naririnig niya ang chords na ginagamit ng sanggol: D, G, Bm ang intro. At hindi napaghandaan ng puso niya ang harana nito.
"Huwag kang matakot, 'di mo ba alam nandito lang ako. . ."
Napakagat siya sa labi sa tinutugtog nito—Huwag Kang Matakot ng Eraserheads. Eksakto ang kalabit nito sa gitara at ang siguradong pagkanta. Mukhang nagpraktis ngang mangharana.
BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
RomanceAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...