***
ANG nagdaang gabi. . .
Naririnig ni Charley ang malalim na paghinga ni Harvey sa pagtulog. Dahan-dahan na dumukwang siya mula sa kama at sinilip ito sa ibaba.
He was curled up on his side, balot ng gray na comforter ang buong katawan habang katabi si Pong.
He looked so. . . comfortable. Umilaw ang lightbulb sa utak niya. Napangisi.
'Hehehe.'
Marami pa siyang nakatagong paraan kung paano mang-istorbo ng taong tulog pero pipigilan niya ang sariling bulabugin ito ngayon. Tutal naman, sinunod-sunod niya ang pambubulabog dito nang nagdaang mga gabi at malusog na ang eyebags na inaalagaan nito sa ilalim ng mga mata. He deserved a break.
Lagi siyang nag-aabang na awayin siya nito pero hindi naman nangyayari. The most he would do ay ang pagkamutan siya ng ulo o ang magdabog ito habang nakaupo sa computer chair habang nagsasabi ng, 'Masyado kang—masyado kang—'
Para itong rapper. O sirang plaka. O bulol na bata.
'Hehehe.'
She was getting crazier with the antics. Aware naman siya. Sino ba namang matinong tao ang natutuwa na may pinagtitripang bata—err, tao? 'Yong trip na unlimited at walang pinipiling oras. Binubuhay ni Harvey ang dugo niya at pinagagana ang lahat ng kakulitan niya.
And she knows he's being a little too nice to her.
Gagamutin siya kahit galit. Pagbibigyan sa gitna ng blackmail. Palalampasin lahat ng kalokohan. Pakikibagayan ang sira ng tuktok niya.
Hindi siya tinatanong nito kung saan siya nagpupunta araw-araw. Hindi na uli inusyoso ang tungkol sa pamilya niya. Hindi iniimbestigahan kung saan siya kumukuha ng pera. Heck, ni hindi itinatanong kung may balak pa siyang umalis sa kuwarto nito.
He's a little too. . . nice.
Nagkaroon ng bikig sa lalamunan ni Charley. Mainit ang likido na gustong pumatak mula sa mga mata niya.
How long has it been since someone treated her nicely? 'Yong totoong nice. 'Yong nice na wala namang mapapala sa kanya pero nice pa rin. 'Yong nice na wala naman siyang pakinabang pero nice pa rin.
Naalala niya ang trip kung saan lumabas sa ilong ni Harvey ang gatas na ambush niyang pinainom. Tumawa siya nang mahina. 'Yon ang pinaka-favorite niyang eksena. 'Yon din ang eksenang nagpapatunay na walang hustisya ang mundo.
'Hehehe.'
Now she was wondering about his house. Maliban kay Lala Landi na habit ang mangatok sa pinto ni Harvey at mag-offer ng kung ano-anong serbisyo (kasama ang masahe at strip dancing) at sa Mommy nito na lagatok lang ng takong ng sapatos sa corridor ang naririnig niya, wala nang iba pang tao sa bahay ang nakikita niya.
Ayon kay Harvey ay may chef na araw-araw nagluluto ng agahan, pananghalian, at hapunan pero hindi roon nakatira. May cleaning lady rin daw na araw-araw dumarating sa umaga para maglinis ng bahay pero hindi rin doon nakatira. May laundry girl na naglalaba every three days. May nurse na weekly dumadalaw sa Mommy nito. At may on-call driver para sa bibihirang lakad ng Madam.
Pero ni anino o pagpaparamdam ng chef, ng cleaning lady, ng laundry girl, ng nurse, at ng driver, ay hindi niya pa nakatagpo. Kung hindi dahil sa rasyon ng pagkain sa gabi na ibinibigay ni Harvey sa kanya pag-uwi niya ay hindi siya maniniwalang may chef nga.
At ang Mommy nito. . . kahit boses ay hindi niya pa narinig.
'Weird house.'
Gusto niyang mag-imbestiga minsan. Pero baka mahuli siya ni Harvey ay bawiin nito ang bed and lodging niya.
BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
Storie d'amoreAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...