***
Tahimik sa living room habang magkakaharap silang nakaupo—si Elrich, Tito Conrad, JM, at Charley. Nakapalibot sa kanila ang apat na MIB—dalawa ang nakatayo sa pinto ng unit, isa ang malapit sa kinauupuan ni Charley, at ang huli ay sa tagiliran ng couch set. Walang eye contact ang mga ito. Wala ring emosyon sa mukha.
"Hinahanap ni Diana si Harvey. I told her that you both attended a party in fairyland and that you won't be home anytime soon."
Napatingin si Charley kay Tito Conrad. Seryoso ito sa pagsasalita. Sa madalas na pagkunot ng noo nito ay kapansin-pansin ang dumaming guhit sa mukha. Tila ba mas tumanda ito kaysa noong una niyang makita. Ayaw niyang isipin na dahil iyon sa kanya at sa pamilya niya.
"Diana cannot know that Harvey is in the hospital. She might get sick from worrying." Malungkot ang babahagyang ngiti nito. "She's very frail, Charley. . . Kapag masyado siyang emosyonal o kapag nai-stress siya, hindi kinakaya ng katawan niya. She would even get a fever out of worrying. At si Harvey ang kahinaan niya. Maybe because he's the youngest. And maybe because he is the only son she remembers."
Hindi niya magawang magsalita.
"Last year, Harvey got involved in a small accident at school," patuloy ni Tito Conrad. "Nasa swimming club siya noon. During one of the practices, he slipped. Nagkaroon siya ng hiwa at the back of his head. It was nothing major. But the shock it brought to Diana. . ." Umiling-iling ang lalaki. "He had to quit swimming because of it. We cannot risk anymore accident. When we risk Harvey, we risk Diana."
Nakukuha niya ang unti-unting pinupuntahan ng sinasabi ni Tito Conrad. Parang tinutusok ng maliliit at makukulit na karayom ang puso niya. 'Yong habang naririnig niya ang mabigat at matamlay na tono ng lalaki, 'yong nakikita niyang nahihirapan ito sa pagsasalita, lalong namamanhid sa bugbog ang puso niya.
"So, please. . . forgive us kung hindi namin papayagan ni Elrich ang gusto ni Harvey."
Napatango siya. Kanina lang ay ikinuwento nina Elrich at JM ang pag-uusap na naganap sa pagitan ng Kuya Rupert niya at ni Harvey. Nagulat siya sa mga nalaman. At nakadagdag sa sorpresa niya ang kaalaman na may basbas ni Tito Conrad ang pakikipagkasundo ni Elrich sa Daddy niya upang maibalik siya sa mansyon ng mga Roxas.
"I know that it will be hard for you, Charley. Naiintindihan ko kung bakit gusto ni Harvey na protektahan ka. But we talked with your Dad before and asked to let you stay in our house. It was not just for decorum. We did that para hindi niya isipin na makikialam kami o mamamagitan sa anumang problema ng mga Roxas. That's something private. And we did that because we don't want your mother to worry about your whereabouts." Nagbuntonghininga ito. "We don't want to risk a feud between our families. Paano kayo magkakatuluyan ng bunso ko niyan?"
Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi nito. Himig-biro iyon. Nakangiti rin nang bahagya ang matandang lalaki sa kanya. Masakit ang dibdib niyang ibinalik ang ngiti nito. Siniko rin siya ng katabing si JM.
"Pa!" saway ni Elrich na parang nagpipigil sa pagngiti.
O nangingiti nga ba ang kuya ni Harvey? Malay niya. Ayaw niyang masyadong pansinin ang reaksyon ng lalaki dahil inis siya rito.
"Pormal kaming humarap sa Daddy mo para ipagpaalam ka. Kaya nang sabihan ako ni Elrich sa pabor na hinihingi ni Harvey, hindi ako sumang-ayon. I can understand my youngest, but I cannot let him do that. Kahit na sabihin pa nating hiningian siya ng pabor ng kuya mo." Tumitig sa mga mata niya si Tito Conrad at nagkaideya siya kung kanino namana ni Harvey ang mga tingin nitong may talent umusig ng kaluluwa, "You see, Charley. . . whatever happens, however hard it may be for your family now, Rupert is still your father. And like him, I am just a father and a husband. I want to keep Diana and Harvey safe too."
BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
RomanceAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...