String 15: The Princess and the Fairy

1K 105 55
                                    

***

MABILIS na nagkalkula si Charley sa isipan habang hindi maalis sa kanya ang mga mata ng ginang. Ang kamay na ipinanduro nito sa kanya kani-kanina lang ay nakakuyom na sa sariling dibdib.

Base sa eleganteng postura nito at sa pagkakahawig kay Harvey, ang Madam ang kaharap niya. At kung ito nga ang asawa ni Conrad Alcantara na mas kilala bilang Prince Charles, na anak si Harvey na mas kilala bilang Prince Harry, malinaw na ang babae ay si Princess Diana. Sa British accent na gamit nito, malapad na shoulder pads, at blonde na kulay ng buhok, siguradong si Princess Diana nga! Pero bakit? Paano? Nagko-cosplay ba ang mga ito? Roleplay? Nang ganito kaseryoso?

"You have the right to remain silent. Anything you say or do may be used against you in the court of law!" sabi pa nito.

May countdown sa utak ni Charley. Hindi siya dapat na magpadalos-dalos. Pero ano'ng gagawin niya? Kung kaharap niya ang Royal Princess, surely she will. . .

"I apologize for startling you, Your Majesty," sabi niya at yumukod sa harap ni Princess Diana. 'Bahala na si Batman!'

"It's good that you recognize your Princess! Now do tell me your agenda in the royal house? Why are you here? Why trespass the Prince's room?"

Sinilip niya sandali ang mukha ni Princess Diana. Seryoso talaga ito.

"Naliligaw lang po ako," hindi pinag-isipang alibi niya. Nakagat niya ang labi. Hindi na nga niya magawang gayahin ang accent nito, nanagalog pa siya! Surely she's not speaking. . .

"Naliligaw ka?"

Naiangat niya ang ulo at napatingin dito. Kunot ang noo nito na parang pinag-iisipan ang sinabi niya. Nganga uli siya. Si Princess Diana, nananagalog din naman pala!

"Totoo po. Naliligaw ako. The truth is. . . The truth is. . ." Naghanap siya sa sahig ng maidudugtong sa linya niya pero wala.

Ano ang totoo? Na nag-crash siya sa kuwarto ni Harvey dahil mukha itong harmless sa dami ng cartoon characters sa kuwarto nito? At dahil tunay nga itong harmless kaya naisipan niyang teroristahin? Kung iyon ang sasabihin niya, siguradong ipapupugot nga nito ang ulo niya.

"The truth is. . . what?" Salubong ang kilay ng ginang. "Who are you?"

Who is she? Mahirap sagutin 'yon. Kung sasabihin niyang terorista siya, ipakukulong siya nito. Kung sasabihin niyang alien siya, baka paliparin siya nito pabalik sa planetang pinanggalingan niya. Kung sasabihin niyang Prinsesa siya, naku, wala siyang kilalang ibang prinsesa sa British monarchy. Paano siya lulusot?

"The truth is. . . I'm a fairy." Napalunok siya sa sinabi.

Napaawang ang labi ng ginang sa gulat bago tumigas ang anyo. "You have the audacity to lie to me? You, assassin!"

Napatayo siya at napahakbang paatras. Ano ba namang klaseng alibi ang naisip niya? Dapat ay sumigaw na lang siya at tinawag si Prince Charles!

"I'm sorry po. . ." nahihintakutang paumanhin niya.

"You cannot lie to me! You are not a fairy!"

Siyempre, hindi talaga. Pero ang akala niya kasi ay may mali sa Mama ni Harvey at uubra ang sinabi niya. 'Yong tipong naniniwala ito sa mga fairy tales at kung ano-ano pa at naisipang pag-tripan ang sarili nitong pamilya.

"Wala kang pakpak! Kung fairy ka, nasaan ang pakpak mo?" dugtong nito.

Natulala siya. Pakpak? Pakpak ang hinahanap nito?

"Wala po talaga akong pakpak dahil. . . dahil. . . ano, hindi naman ako ordinaryong fairy."

Nabawasan ang gusot sa mukha nito, bagaman hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo. "What do you mean?"

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon