String 12 : Return of the king

1.4K 97 91
                                    

***

"PAPA? You're back?"

Nagisingan ni Charley na nakaupo si Harvey sa carpet habang mahigpit ang yakap kay Pong. Malalaki ang mga mata nitong nakatingin sa lalaking nakatayo sa pinto ng kuwarto.

Napaupo rin siya sa kama. Sa gitna ng pagpupungas ay umuulit sa pandinig ang itinawag ni Harvey sa lalaki.

Papa.

Natuon ang mata niya sa bagong dating. May-edad na ito, matikas, at masidhi ang mga mata katulad ng kay Harvey. May nakakalat na maliliit na tubo ng bigote at balbas sa mukha. Nakatiim ito.

"Harvey," simula nito na nagpapalit-palit ng tingin sa kanya at sa anak, "let's talk downstairs."

Tumalikod ito at nagpatiunang lumakad. Iniwang bukas ang pinto.

Tumayo si Harvey na hawak pa rin si Pong. Sumulyap sandali sa kanya na may hindi mabasang ekspresyon sa mukha. Tahimik na sumara ang pinto ng silid nang lumabas ito at maiwan siyang mag-isa.

Kinagat-kagat niya ang labi.

Nag-uunahan ang tibok ng puso niya at kahit may air-conditioner ay nagsimula siyang pagpawisan. Kinuha niya sa tabi si Penguin at niyakap.

"Do I have to run away from here, too?" bulong niya sa sarili.

May kaunting kirot at kaunting luwag siyang naramdaman sa dibdib. Kirot, dahil sa palagay na siya sa pag-uwi sa kuwarto ni Harvey—her best rest for almost a year. Hindi niya kailangang maging alerto beinte-kuwatro sa mga taong posibleng magsamantala sa kanya. She could eat dinner without stealing food from the kitchen and raid food in the morning without the fear of being unjustly punished. She could bathe without anyone peeping. And she could be Charley without anyone reminding her of her old self.

May kaunting luwag naman siyang nararamdaman dahil kung aalis siya roon ay hindi na madadamay pa si Harvey sa mga kalokohan niya. He's starting to ask her questions na hindi niya alam kung paano iiwasan o kung paano sasagutin. She's not ready to tell him everything.

Actually, she's not ready to tell anyone anything.

Bumangon siya sa kama at nagsimulang ayusin ang hinigaan. Ihahanda na rin niya ang mga gamit niya pagkatapos.

She wished she could say goodbye to Harvey. Maybe include a proper thank you.

Pero baka hindi na niya magawa.

***

NANANATILING nakatayo si Harvey sa loob ng study room. Nakatayo rin ang Papa niya patalikod sa kanya. Nakatingin ito sa patungan ng mga libro habang ang mga kamay ay magkasalikop sa likod nito. Mukhang malalim ang iniisip.

Sa lakas ng tambol sa dibdib niya ay napipirat na sa pagkakahawak niya si Pong. Bibihira niyang makita na seryoso ang ama. Whenever he's like this, he means business. There should be no lying. There might be punishments.

Lumunok siya.

"Who's the girl in your room?" tanong nitong hindi pa rin lumilingon.

"She's. . . Charley, Papa."

Kunot na kunot ang noo nito nang pumihit paharap. "Charley? The hair color is different but. . . surely she's. . ."

"She introduced herself to me as Charley, Papa."

Nagbuntonghininga ito at naupo sa mesa nito. "Hmm. . . Charley, huh?" Sa kawalan ito nagtuon ng tingin. "The last time I saw her, she has a different name."

Siya naman ang nangunot ang noo. Nakilala na ng Papa niya si Charley?

"Why is she in your room?" mabigat na tanong nito. Itinukod nito ang siko sa mesa at ikinubli ang mukha sa pinagsalikop na mga palad.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon