String 23: Mission Charley

1K 93 47
                                    

***

May 15 of last year. One week after ng graduation. Nasa mall si Katarina kasama ang personal maid na si Jes para bumili ng regalo sa nalalapit na kaarawan ng ina.

"I want to buy something heartwarming for Mommy, Jes," sabi ni Katarina sa kasama habang naglalakad. "Or should I make them? Like bake a cake, maybe? What do you think? But I have done that already last, last year. . ."

Nakangiti lang sa kanya si Jes. Nasa early thirties na ito. Payat, palangiti, at laging nakapusod ang buhok. Si Katarina a.k.a. Charley nang mga panahong ito ay may brownish, mahaba, at shampoo-commercial type na buhok. Naka-pout siya habang nag-iisip. Wala sa loob na nilalaro ang lace na nasa light pink dress na suot at kinukutkot ang maliliit na bato na embellishments. Walang mababakas na angas o kasigaan sa kilos niya.

"Kahit ano naman ang iregalo mo, magugustuhan ng Madam."

"I know but. . ." Kuminang ang mga mata niya nang mapatapat sa isang jewelry shop. "What if I buy her a diamond earring? What do you think? Oh. . . but her favorite stone is emerald!"

Hindi nagkomento si Jes.

"Wait. I should call Dad and ask him what he will give Mom so we won't buy the same gifts!" Masigla niyang kinuha ang cell phone sa pouch bag na bitbit ni Jes at nag-dial ng numero. Habang hinihintay na sagutin ang ring mula sa kabilang linya ay napagala ang mata niya sa mga kalapit na shops.

Sa isang jewelry shop isang puwesto ang layo sa kinatatayuan nila, nakakita siya ng isang lalaking kamukha at kasingkatawan ng Daddy niya. Nakatalikod ito habang may katabing babae na sa kilos ay mukhang asawa nito. May kahawak-kamay itong isang batang babae na masarap ang simsim sa dalang lollipop. Napailing siya. It was funny to see someone who looked like his dad with a beautiful woman.

Napatanga siya sa tunog ng phone rings. Dumukot sa bulsa ng slacks na suot ang lalaking tinitingnan niya at naglabas ng cell phone. Lumingon ito nang bahagya sa gawi niya at nakita niya ang buong mukha nito.

Ang Daddy nga niya.

Napaupong bigla si Katarina sa kalapit na column para itago ang sarili. Si Jes na naiwang nakatayo ay nagtatakang napatingin sa kanya.

"Miss, what's—"

Hinawakan niya ang kamay nito at hinatak itong paupo sa tabi niya.

"Katarina! What's wrong?" usisa nito.

Patuloy ang ring sa kabilang linya ng telepono habang papalakas ang kaba sa dibdib niya. Noon lang iyon nangyari. 'Yong pakiramdam na parang may nakita siya na hindi niya dapat makita. 'Yong pakiramdam na gumagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal.

Umiling siya kay Jes. She would look weird, pero naglakad siya nang paupo. "Shhh. . . Quickly, Jes. Let's hide in that corner." Itinuro niya ang isang kanto patungo sa ladies room.

Nang makarating sa sulok ay agad siyang tumayo at sumandal sa dingding.

"What's the problem?"

Hindi niya sinagot si Jes na nakatayo rin sa tagiliran niya. Sa halip ay sumilip siya sa pasilyo. Nakita niya ang Daddy niya na lumabas ng jewelry store at hawak sa kanang tainga ang cell phone. Nakahawak sa pantalon nito ang batang babaeng kumakain ng lollipop.

"Hello, Princess?" anito.

Lumunok siya at hinamig ang sarili. She faked cheerfulness. "Hi, Dad!"

"Why did you call?" tanong ng Daddy niya sa kabilang linya.

Sumilip uli siya. Siniguro na ang lalaking nakikita niya ngayon ay ang Daddy niya na kausap sa cell phone. Nang makasiguro ay napakagat-labi siya.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon