***
"Princess?"
Bumangon si Charley mula sa pagkakahiga sa kama. Ang mommy niya ang nakangiting bumungad sa pinto ng kuwarto.
"It's time for dinner, Princess," anitong naupo sa tagiliran ng kama at hinaplos ang itim na buhok niya. "Hinihintay tayo ng daddy mo."
It's Wednesday. Her dad's not supposed to be at home. Pero mula nang bumalik siya sa mansyon, dalawang Miyerkules na itong naghahapunan na kasama sila. Hindi siya nagtatanong kung bakit. Naiwan niya ang pakialam sa mga Alcantara.
"Susunod po ako, Mommy," walang-ganang sabi niya sa ina. Her stomach's empty but no food could excite her.
Sandali itong natigilan bago malungkot na ngumiti at tumango. Pagkatapos ay sintahimik ng pagpasok nito ang ginawang paglabas sa silid. Tahimik maging ang pagsarang muli ng pinto.
Mabigat ang mga paang nagtungo si Charley sa walk-in closet para ayusin ang sarili.
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang huli niyang makita si Harvey. Matapos ang pagbisita niya sa ospital, ang kamuntikang hindi pag-alis sa tabi nito, ang kamuntikang paghila ni JM, ang pag-iyak pauwi habang nakayakap sa mommy niya na sumundo sa kanya, she's living the life of a perfect daughter once again.
Iniayos niya ang pagkakalapat ng powder blue na dress sa katawan habang nakaharap sa whole-body mirror. Sinuklayan niya ang itim na buhok at nag-apply ng pressed powder. Pinilit niya ang sariling ngumiti.
She failed today too. The smile looked painful, if not empty.
Bumaba ang mga mata niya sa damit at heels na suot. She hates it, tulad ng maraming bagay na binalikan niya. Maga pa ang mga mata niya sa pag-iyak nang i-schedule siya ng ama sa dermatologist at beauty stylist. She had shaving, hair styling, massage, and nail care. Pinatingnan din ng daddy niya ang iniwang pilat ng naging sugat niya sa balikat. Nagpa-appointment ito ng laser scar removal. Nang humupa ang pamamaga ng mga mata niya at magawa niyang tumingin sa salamin, wala na ang Charley na umakyat sa bintana ni Harvey. She was back to the boring, flawless, perfect Katarina Roxas. Tumigil ang luha niya pagkatapos ng araw na iyon.
The past weeks felt surreal. Maybe because whenever she looked at the mirror, her old self looked back like a stranger. Her room felt wrong. Her house felt empty. The silence was suffocating. Everything in her world shines but it was stone-cold. At kapag gabi na, napapasilip siya sa tagiliran ng sariling kama. In the middle of the night, she would wake up hoping she sleepwalked into Harvey's room.
Hope and longing made her feel pathetic. She was trapped in a void that was her life and no matter how much she wanted to escape, she wouldn't, in fear of bringing trouble to Harvey.
Tumalikod siya sa sariling repleksiyon at lumabas ng silid. Tahimik ang pagbaba niya sa kumedor at ang pagdulog sa hapag-kainan. Tatlo silang naroon—ang daddy niya na nasa kabisera ng mahabang mesa, ang mommy niya sa kaliwa nito, at siya sa kanan. Nakaantabay sa malapit sina Chef Ricky at ang apat nilang bagong kasambahay. Nasa tagiliran malapit sa kanya ang personal maid na si Jes. At may mga tauhan ng daddy niya sa iba't ibang sulok ng dining area.
"How's your day?" tanong ng daddy niya.
"Good," aniya habang kumukuha ng kanin sa bandehadong hawak ni Jes para sa kanya.
"How's practice?"
"Good."
Ang tinutukoy nito ay ang practice ng swing kasama ang mga piling empleyado ng AC Real Estate na pinatatakbo ng pamilya. Matapos kasi ang malisyosong balita tungkol sa kanya, kumalat din ang tungkol sa eskandalo sa labas ng bahay ni Tita Miranda. Nagkahinala ang ilang importanteng kaibigan ng pamilya sa tunay na relasyon ng mga ito sa daddy niya. Para pabulaanan ang mga chismis, naka-display sa mga dapat makakita ang katatagan kuno ng pamilya nila. Sunod-sunod ang family dinner sa labas, salon visits nila ng mommy niya, at isang out of town trip. To make the facade more believable, naisip ni Daddy Rupert na gamitin ang presensiya niya sa nalalapit na anniversary party ng kumpanya. Her performance would say, 'Here's my daughter and she's still her same old perfect self.'
![](https://img.wattpad.com/cover/14246335-288-k26184.jpg)
BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
RomanceAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...