String 27: All for you

953 95 29
                                    

***

NAKASANDAL si Harvey sa pinto ng condo unit ni Elrich at mahinang naghihilik.

Dalawang oras mula nang maupo siya sa sahig at wala pa ring Elrich na sumasagot sa pinto ay tinawagan niya si JM para pauwiin. Kinumbinsi niyang okay lang siyang maghintay na mag-isa. Nang pumatak sa apat na oras ang paghihintay, nagpa-deliver na siya ng pagkain mula sa isang fast food restaurant. Katabi niya ang basurang ebidensiya na nakabalot sa plastik. Pagpatak ng limang oras, inakyat siya ng security at napagbintangang may masamang binabalak. Pero nang makita ng mga ito si Spongebob sa suot niyang polo ay naniwala agad ang mga ito na harmless siya. Ipinakita niya rin ang school ID niya bilang katunayan na isa siyang Alcantara at kapatid niya ang hinihintay na may-ari.

Makalipas ang anim na oras, napasandal na siya sa pinto at nakatulog.

At ngayon, sa ikasampung oras ay bumukas ang pinto. Napahiga si Harvey sa sahig at namulatan ang nakahalukipkip na si Elrich.

"Nandito ka pa rin?" iritadong tanong nito.

He just smiled at his brother. It took ten long hours for the doors to open. Pero bukas na ito ngayon at sapat na iyon. Hindi na siya naghintay na imbitahin pa ni Elrich. Pumasok siya sa loob ng condo nito bago mapagsarhan uli.

Naupo siya sa couch sa living room. Barumbado namang nagsara ng pinto si Elrich bago tumayo nang may distansiya sa kinauupuan niya.

Elrich looked a lot like their mother. Nakuha nito ang bilugang mga mata at manipis na labi ng ina. Ang bored at seryosong mga ekspresyon naman ay kopya sa Papa nila. Pero ang dilim ng mukha nito at ang may pagbabantang pagkakatingin sa kanya ngayon ay orihinal nito.

"You're a pest. Nagawa mo talagang maghintay sa pinto para lang kunin ang atensyon ko."

Ang dialogue ng kapatid ay mas malamang na kopya sa mga hot-headed at rebeldeng bida-kontrabida sa mga pelikula. Sa cartoons at anime, si Elrich 'yong anti-hero type. Sanay na rin si Harvey sa mga dialogue nito. At hindi man niya magustuhan ang maaaring marinig, kailangan niya ang tulong nito kaya magtitiis siya.

"I need your help," walang pasakalyeng sabi niya.

"P*tang ina." He smirked with sarcasm. "What makes you think I will help you, of all people?"

Ganito ang laging simula ng usapan nila.

"You're my brother." Ganito rin ang laging sagot niya.

"We both know that doesn't amount to anything."

Nagsukatan sila ng tingin.

Dalawang taon na mula nang huli silang magkausap. He asked him to attend their mother's birthday celebration. Malamig din itong tumanggi noon pero dumating naman sa kaarawan ng ina. That day was a special day and Harvey thought that everything's going back to the way it should be. But it turned into a disaster and Elrich hated him more. Ilang ulit na siyang humingi ng tawad dito pero lalo lang lumayo ang kapatid niya sa kanya.

"I'm sorry about last time. I thought that finally Mama rem—"

"Kinalimutan ko na 'yon. Why bring it up? Are you rubbing it to my face?"

Nablangko siya. Ganito palagi ang nangyayari sa kanila ng kapatid, sa telepono man o sa personal. Sa bibihirang pagkakataon na mag-uusap sila ay nauubusan siya ng sasabihin, ng apologies, ng dahilan, at ng pakikiusap. Lumalaki ang distansiya sa pagitan nila na nahihirapan na siyang tawirin. Kaya kapag kailangan niya ng tulong, kahit na itataboy at tatanggihan siya, kay Elrich pa rin siya unang lumalapit. Nagbabakasakali siya na may isang pagkakataon na maglalapit sa kanilang dalawa.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon