***
MALILIKOT ang eyeballs ni Harvey habang nakapikit. Maliwanag na. Maya-maya lang ay magmumulat siya sa pang-umagang araw. He has school. It's a brand new day to—
Napaupo siya. Pabigla ang bukas ng mga mata. Nagulat ang kayakap niyang si Pong at tumilapon sa tagiliran. Agad siyang lumingon sa kama niya para mag-check.
Walang babae.
Kumurap-kurap siya, taking in the scene. Nakaayos ang kama niya. Magkakapatong ang mga unan at magkakahanay ang mga alaga niyang stuffed toys. Nasa gitna at naka-prop bilang leader si Penguin.
Napasulyap siya sa bukas na bintana. Hindi kaya at panaginip lang niya ang tungkol sa babae kagabi?
Dahil hindi pa rin kumbinsido ay tumayo siya at kinuha ang digital camera niya. Binuksan. Nag-browse sa photo gallery. Nando'n ang babae. May self-photo ito na naka-peace sign habang nasa likod siya at natutulog.
Ibinalik niya sa drawer ang camera. Totoo ngang may teroristang umangkin sa kuwarto niya kagabi! Wala nang duda. Nag-iwan pa mismo ng ebidensiya.
Nagkibit-balikat siya. Isang gabi lang naman. Hindi naman na siguro ito babalik. Pero natigilan siya sa pagmumulto ng flashback.
"Sa tingin mo kung may bahay ako..."
Ipinilig niya ang ulo. 'Okay. Wala siyang bahay. Pero sino namang matinong babae ang basta na lang makikitira sa taong hindi niya kakilala?'
'Magkakilala na tayo. Sinabi ko na 'yong pangalan ko. Sinabi mo na rin 'yong sa 'yo.'
'No way. Hindi naman siguro niya iniisip na basta-basta niya 'ko mapipilit na ipagamit uli itong kuwarto ko sa kanya. Common sense 'yon. Puwede ko siyang ireklamo sa pulis o itawag sa mga magulang niya. Once is enough.'
Pero nag-flashback ang imahen ni Charley na matalas ang mga mata. Si Charley na labas ang pangil. Si Charley na nang-aasar at nagsasabi ng, "11 p.m. na. Ininom mo na ba'ng gatas mo?"
Bumagsak ang balikat ni Harvey habang papunta sa banyo para maligo. Alas-sais pa lang ay stressed na siya.
***
HARVEY, in his usual look for school: button-up na polo, maangas na pleated pants, kumikinang sa araw na leather shoes, at bimpo sa likod. Nakatayo siya sa hall ng College of Architecture at napalilibutan ng apat na nanggagandahang babae.
"Harry!"
Pang-isandaang bati na 'yon sa kanya ng mga lalaking napadadaan. May kindat at thumbs up ang mga ito. 'Pag may time pa bago niya bawiin ang tingin, may soundless greeting ng 'Happy debut!' with evil grin.
Ganito siya kasikat at si Jollibee. Lalo na ang epic na birthday bash niya.
"Super happy talaga ng sister ko after your birthday celebration. She likes you a lot," sabi ni Emerald sa kanya. Perfectly curled ang buhok nito. May eyelash extension na bagong gawa (ikinuwento sa kanya) at makintab sa lipgloss na lips.
"Yeah. My little brother was like, so crazy about you, Harry. He wants to invite you to his birthday party, too." Si Lea naman iyon. May silky, straight hair. May natural na mapungay na mata, at ang curves, super panalo!
"My sister, too," sabi ni Georgina. Petite at model-type na chinita.
"My sister, too," ayon ni Yani. Sexy, pinakamatangkad sa apat, at pinaka-flawless mag-make-up.
Nag-ring ang bell. Tapos na ang nauunang klase at simula naman ng first subject niya.
"Aww, we have to go to our classes na. Thank you for this, ha?" sabi ni Georgina na itinaas ang ecobag ng giveaways at toys na hindi nakuha ng kapatid nito kahapon.
BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
RomanceAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...