***
Nakahanda ang iba't ibang putahe sa pahabang dining table sa mansyon ng mga Roxas. Si Shiela ay abalang kausap ang grupo ng mga chef tungkol sa iba pang iniluluto. Sina Andy at Donald naman ay nasa dirty kitchen at nakatao sa barbeque. Sa living room ay nakaipon sina Dr. HH, Armand, Alwin at Stan. Pinanonood nila ang paikot-ikot na takbuhan at kulitan ng magkapatid na sina Agatha at Mico habang humahabol dito ang inang si Berna. Si Eva na nakaupo sa sulok ng silid ay namumula habang may kausap sa telepono. At si Charley ay nagtuloy sa study room kung nasaan ang amang si Rupert.
Nadatnan ni Charley na nakaupo ang ama sa swivel chair at nakatukod ang mga kamay sa ulo. Nakapikit ito. Sa table nito ay may clear glass at bote ng bourbon.
She sneaked and hugged her dad from behind him. "Found you, Daddy!" pakantang lambing niya rito.
Nagmulat ng mga mata ang daddy niya, bahagyang ikiniling ang mukha sa gawi niya, at ngumiti. "Why are you here? Where's everyone?"
"Ano pong why am I here?" Umikot siya sa harapan ng mesa ng ama at pinaningkitan ang alak na naroon. "Are you drinking again?"
"It's just a glass, I promise. I won't get drunk again," malumanay na sabi nito sa kanya.
Ngumiti siya sa ama.
Seven years ago, nang iwan nila ito ng mommy niya ay nalulong ito sa alak. Tito Armand and Tito Donald ran the business while her mother's family financed it. Ilang ulit nagtangkang makipag-usap ang ama sa mommy niya pero hindi ito hinaharap ng babae. She knew why—her mother loved her dad so much, she was afraid she might go back with him. Takot itong mabalewala ang lakas ng loob at tapang na inipon nito upang itama ang mali at ihiwalay ang sarili dito.
Sina Tita Miranda man ay sinubukan ding kausapin ng daddy niya pero tinanggihan din ito. Maging ang naayos na legalidad ng kasal ng dalawa ay tinanggihan ng babae.
Her mother and Tita Miranda saw each other in Paris. Awkward noong una ngunit unti-unting natutunan ng dalawa ang maging civil sa isa't isa. Charley got to see Rupert Jr. and Candy. Nakapag-bonding silang magkakapatid.
She thought everything's going well hanggang sa mabalitaan nilang nasa Paris din ang ama at hindi na lang sa alak ito nalulong kundi maging sa ipinagbabawal na gamot. Ayaw man ng mommy niya, Charley stayed with her father and took care of him. She helped him get back on his feet. It took them years for him to recover his sense of self, but it was worth it.
Officially ay walang asawa ang daddy niya dahil hindi ito tinatanggap ng mommy niya at ni Tita Miranda. Just last year, nakapag-usap-usap na ang mga ito. They all agreed to become friends for the children.
Tita Berna and Dr. HH married and have Agatha and Mico now. Tito Donald and Tito Andy are stuck like glue. Nakaabang ang mga ito sa pagsasa-legal ng same sex marriage sa ibang bansa para makapagpakasal. Her Tita Eva found a man who plans to marry her soon. Tito Armand remained a loving father to Alwin and Stan without any plans of finding another love. Her mother is still fond of her dad but she's enjoying her independence. At ang malaking kasiyahang inihahanda nila sa gabing ito ay para sa pagdating nina Tita Miranda, Kuya Rupert, at Candy.
They got back in the country just a few weeks ago. Paminsan-minsan ay pinag-uusapan pa rin sila ng mga kakilala but it hurt less and they were not offended anymore. After all, mas matibay na ang pamilya nila ngayon. Mas tunay ang pagmamahal na ipinapakita nila sa isa't isa.
"You should stand by your words. Because promises are not meant to be broken," aniya rito.
"I know, Princess."
Hinila niya sa kamay ang ama. "Then, don't mope here nor think about anything dark. Tita Miranda, Kuya Rupert, and Candy are coming! You should welcome them in my place!"

BINABASA MO ANG
(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]
RomanceAng buhay ni Harvey, tahimik at bahagyang hindi makatotohanan. Seven years old lang kasi siya sa paningin ng Mama niya kaya araw-araw ay may bimpo siya sa likod, may baon siyang juice jug at animal-shaped cookies, at bago matulog ay umiinom ng malak...