String 29: Deception

957 82 18
                                    

*** 

Pagliko pa lang ng taxi sa kanto ng subdivision na patungo sa bahay ni Tita Miranda ay tanaw na ni Charley ang eksenang nagpagitgit ng ngipin niya. Sa harap ng bahay ay pinagtutulungan ng dalawang Men in Black ang babae at si Candy para ipasok sa loob ng isang kulay itim na van. Umiiyak si Candy at nakataas ang mga kamay—umaabot sa Daddy nila na nakatayo sa tagiliran ng sasakyan. Nanlalaban naman si Tita Miranda sa malaking lalaking nakahawak sa braso nito habang bakas ang galit sa mukha. Pilit itong bumabaling sa daddy niya. Nagsisigawan ang dalawa. Hindi naman niya makita kung nasaan ang Kuya Rupert niya.

Mabilis siyang bumaba sa sinakyang taxi matapos mag-abot ng pambayad. Suot pa rin ang tutu skirt at ballet flats ay tumakbo siya patungo sa komosyon.

"Stop that! What are you doing to my sister?!"

Nang makalapit ay agad niyang tinabig ang lalaking nakahawak kay Candy at hinawakan ang kamay ng kapatid. Umiiyak itong dumikit sa kanya at nagsumiksik sa tagiliran niya.

Natigil sandali ang kaguluhan. Nakatingin ang MIB sa Daddy niya na tila naghihintay ng ipag-uutos tungkol sa pakikialam niya. Samantala, nararamdaman nila na may ilang kapitbahay na ang napapasilip sa nangyayari.

"Dad! Ano'ng ginagawa mo?!" baling ni Charley sa ama.

Wala pa mang sagot ang tinanong ay nag-aapoy na ang mga mata niya. Anuman ang sabihin nito ay hindi niya matatanggap. Lalo na, halatang walang permiso ni Tita Miranda ang ginagawa nito. At si Candy. . . Nagawa nitong ipagwalang-bahala ang pag-iyak sa takot ng kapatid niya!

"Stay out of this, Katarina!" Matigas ang tinig ng ama sa labis na pagpipigil. Gusot ang mukha nito at nagliliyab din ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Stay out? Are you out of your mind, Dad? Ni hindi mo inisip si Candy?! You bring all these men to drag them and force them to do what you want! Natatakot siya!"

Nakakuyom ang kamao ng daddy niya. "Don't lecture me about what to do with them or how to control this family! I want them out of the country and that's what's going to happen tonight! That is final!"

"Control a family? We're not a business you can control and run when you think your decision is final, Dad! Pamilya mo kami! Anak mo kami!"

Napapatingin ang daddy niya sa ilang mga taong nakasilip na at nanonood sa kanila. "This is your fault! If you didn't rebel against me, none of this needs to happen! Dahil ito sa pagmamatigas mo! You could have been contented with everything I gave you! Your life is perfect! But you just have to trample over everything and complain just like the brat that you are!"

"My fault? Fine! Maybe I've been a brat and I rebel against you. But that's because you lied to me! That's because you want to keep on controlling everybody's life like we are puppets on a string! I will never let you do that again, Dad! Not to me and definitely not to them!"

"We're making a scandal here because of all your nonsense!" Bumaling ito sa mga tauhan at nag-utos. "Drag them all inside the van!"

Mabilis na kumilos ang mga maton at itinulak sila ni Candy papasok sa loob ng sasakyan. Pumiksi man siya sa kamay ng mga ito o manipa, madaling nasasalag ng mga ito ang mga atake niya. Isa pa ay inihaharang niya ang katawan kay Candy para hindi ito mahawakan ng mga lalaki. Didikit pa lang kasi ang kamay ng mga ito ay sumisigaw na at naghihisterya ang dalagita. Maging si Tita Miranda ay walang nagawa kundi ang magngingitngit nang tuluyan silang maisakay sa van at pagitnaan ng dalawang maskuladong tauhan.

"I can't believe that you will really put me and Candy through this hell, Rupert!" Matigas ang bawat kataga sa pananalita ni Tita Miranda. Nakayakap dito ang katabi niyang si Candy at sumisigok.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon