String 25: Drunk Request

1K 97 94
                                    

***

"Inom."

Napalunok sina JM at Harvey sa iniaabot na mug ni Rupert. Wala sa kanilang gustong kunin iyon.

Nasa isang apartment sila na ayon sa lalaki ay pagmamay-ari ng kaibigan nito. Magkadikit silang nakaupo ni JM sa mahabang sofa sa living room habang kaharap sa center table ang dalawang matangkad na bote ng vodka, isang pitsel ng juice, at isang pitsel ng tubig. Walang pulutan. Astang-siga si Rupert na nasa solo-seater.

"Ikaw muna kaya, JM," baling ni Harvey sa kaibigan.

"Sa 'yo 'ata inaabot 'yan, bro," balik ni JM sa kanya.

"Para sa 'yo 'to." Malamig ang boses ni Rupert at walang emosyon ang mga mata na nakatingin kay Harvey.

"Sa akin talaga? Hindi puwedeng sa kanya. . ." aniya sabay turo kay JM, "muna?"

Kumunot ang noo ni Rupert Roxas, Jr. Pamilyar sa paningin ni Harvey ang pagliit ng mga mata nito na parang anytime ay magku-kung fu.

"Okay." Inabot niya ang mug ng vodka at huminga nang malalim. "Kanpai!"

Pinanonood siya ni Rupert Jr. Kakaunti pa lang ang sumayad sa dila at lalamunan niya ay natigilan na siya at napangiwi.

"Why? Afraid of a little liquor?" Seryoso ang mukha ni Rupert.

'Terorista rin,' naisip niya bago tuloy-tuloy na lagukin ang nasa mug. Nakasunod ang init sa buhos ng alak sa lalamunan at tiyan niya. Gumuguhit ang pakla at pait. At pakiramdam niya, kung didighay siya ay may lalabas na apoy mula sa bibig niya.

Agad niyang inabot ang pitsel sa mesa na may lamang juice at nagsalin sa mug. Saka niya nilunod ang sarili sa tamis niyon. Nakaubos siya ng isang mug bago rumehistro sa kanya na may halo ring alkohol ang inumin. Lalong nasunog ang lalamunan niya. Inabot naman niya ang pitsel ng tubig at uhaw na uminom doon. He couldn't help it. Hindi alak ang nakasanayan niya kundi gatas.

Nang ibaba niya ang mug sa salaming-mesa ay hinamon siya ng titigan ni Rupert Jr. Nakipagtitigan naman siya kahit na dumodoble sa paningin niya ang mukha nito. At nang mukhang magseselos na si JM, nagbuntonghininga ang lalaki.

"Sorry. That was unnecessary." Napahawak ito sa batok at prenteng sumandal sa sofa. "I know you won't harm my sister. I heard a lot about you, Harvey."

Nagkatinginan sila ni JM. Parehas may question mark sa mukha nila.

"Naikuwento ka sa akin ni Katarina—I mean, ni Charley. Lagi siya sa bahay nitong mga nakaraan. Nililigawan si Mama."

Nagliwanag ang mukha ni Harvey. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Naikukuwento na pala siya ng terorista sa kapatid nitong kapwa terorista! Nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang hindi ipauubos sa kanya ang vodka na nakatambay sa mesa.

"Is she succeeding? Sa panliligaw kay Tita Miranda?" usisa niya.

Nagsalin ng alak sa isang maliit na shot glass si Rupert at nilagok iyon. "My mother's a really gentle woman although she tried to look tough on the surface, while Charley is. . . makulit." Natawa nang mahina ang lalaki. "She cooks for us. She plays with Candy. She always slips past the gates kapag nakauwi na ang mga guards at kahit ipagtabuyan ni Mama, hindi umaalis. So, yeah, she's succeeding."

He was glad to hear it from Rupert. Masaya siya para kay Charley.

"Mabuti at nakita kita. Hindi na kita kailangan pang hanapin para kaliskisan," dagdag nito. "I want to know if you are really trustworthy."

Napalunok siya. Malakas. Bumalik kasi sa terorista mode ang lalaki. Lahat 'ata ng sasabihin nito ay susuot sa buto niya para mag-iwan ng pananakot. Mayroon ding walang pangalang kaba ang pumipitik sa dibdib niya. It felt like something wrong, something bad is about to happen.

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon