💶1

413 137 204
                                    

The Deal
Lolita's Pov

PALUBOG na ang araw pero magsisimula pa lang pumuwesto ng pag-upo sa harang ng rooftop ang isang babae. Nilaylay niya pa-cross ang mga binti at saka sinalpak ang earphones sa kaniyang magkabilang tainga at sabay pagpindot sa napiling kanta. Ako nga pala ang babaeng iyon, ako si Lolita.

When I was young I'd listen to the radio
Waitin' for my favorite songs
When they played I'd sing along, it made me smile

Makaluma ngunit makapagdamdaming tugtugin. Ito ang madalas kong naririnig patugtugin ng aking nanay noong siya pa'y nabubuhay.

Those were such happy times and not so long ago
How I wondered where they'd gone
But they're back again just like a long lost friend
All the songs I loved so well

Naaalala ko ang aking nanay kapag naririnig ko ang awiting ito.

Every sha-la-la-la
Every wo-o-wo-o, still shines
Every shing-a-ling-a-ling, that they're startin' to sing's, so fine

"Mahal na mahal kita nanay, alam kong kasama mo na ang mga anghel sa langit at nagbabantay sa akin. Huwag po kayong mag-alala kayang-kaya ko po buhayin ang aking sarili. Magpahinga na po kayo diyan kasama ang Amang Panginoon."

When they get to the part
Where he's breakin' her heart
It can really make me cry, just like before
It's yesterday once more

Pauwi na ako nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.

"Lolita Lee!"

Paglingon ko tatakbo na sana ako nang hatakin niya agad ang mahaba kong buhok, ramdam ko ang sakit hanggang sa aking anit.

"Hanggang kailan mo ako balak takbuhan? Bayaran mo na ang utang mo kung ayaw mong kalbuhin kita!" Pinandilatan ako ng mga mata ni Don.

Ang lalaking nagpapautang kaya lahat ng hindi nagbabayad ay hina-hunting niya at isa na ako roon.

Hinawakan ko ang buhok kong hawak-hawak niya. "Babayaran din kita Don pero hindi ngayon, walang-wala talaga ako kahit kapkapan mo pa 'ko," takot na paliwanag ko.

Lalo niyang hinatak ang buhok ko.

"Magkano ang utang ni Lolita sa iyo?" Isang boses babae na sumulpot sa isang madilim na kanto ng gusali. Teka, akala ko ba romance 'to bakit naging horror story.

Sisigaw na sana kami parehas ni Don sa pagsulpot ng isang babae pero nang makita namin ang mukha ay lubos kaming napamangha. Ang kaniyang mukha ay maihahalintulad sa isang mannequin.

Anak ng Diyosa ba ang babaeng ito, at saka bakit alam niya ang pangalan ko.

"T-ten thousand," utal na sabi ni Don.

May lumapit na isang nakaitim na lalaki kay Don at inabot ang isang papel agad binitawan ni Don ang pagkakahawak sa aking buhok at walang pag-aatubiling kinuha ang papel.

Nanlaki ang mga mata niya at napangiti pagkabasa sa papel.

"S-salamat miss! Wala ka ng utang Lolita," saad ni Don sabay kumaripas agad ng takbo.

"Bakit mo 'ko kilala? At saka, bakit mo 'ko tinulungan?" Tinignan ko siya ng masama.

"Hindi siguro maganda kung dito tayo mag-uusap. Sumama ka sa akin," mahinahong tugon niya.

Ano bang pakay ng babaeng ito sa akin at may bodyguard pa talaga siyang kasama? Hindi kaya gagawin ako nitong prostitute kaya niya ako tinulungan? Nakatitig sa akin ang bodyguard nito na para bang inaantay lang akong maglakad, napasunod na lamang ako.

Pumasok ang babae sa sikat na restaurant dito sa lugar namin.

"Sit down, Lolita," utos nito sabay umupo sa kabilang upuan.

Naupo na din ako at tumambad sa aking harapan ang iba't-ibang masasarap na pagkain bahagya akong napalunok ng laway sa aking lalamunan.

"It's all yours." sabay ngumiti siya sa akin.

Baka may lason 'to kaya binibigay niya sa akin, tapos mahihimatay ako, tapos paggising ko nasa kama na ako ng arabo. Tamang hinala na naman ang aking isip.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor at mabilis pa sa alas-kwatro nang itusok ko ito sa malaking karne. Sinubo ko ito at mabilis na nginuya sabay lunok. Kumuha ulit ng balat ng lechon, sugpo, pasta, roast chicken, sushi, cake, brownies at madami pa. Halos mapuno ang plato ko sa dami ng aking kinuha.

Kukuha pa sana ako para idagdag dito nang bigla akong napa-isip.

"Bakit mo ginagawa 'to? Ibebenta mo ba ako?" Nanlisik ang tingin ko sa babae.

Bigla siyang napangisi. "I know gutom ka pagdating sa pera kaya ikaw ang napili ko para sa trabahong ito. This is the first and last chance na mag-ooffer ako sa iyo ng trabaho and it is not what you think," tugon niya.

"It is not illegal job. So, don't worry Lolita," dagdag pa niya.

Kinabahan naman ako bigla pero na-curious din ako kung anong klasing trabaho 'yon.

"If you are interested just deal with me," seryoso niya pang sabi.

Tinitigan ko muna siya sa kaniyang mga mata. Kailangan ko talaga ng pera at saka hindi naman daw ilegal.

"S-sige, deal!" matapang ngunit nangangamba ko pa ring tugon.

Inabot niya sa akin ang kamay niya para makipag-kamay kaya sumunod na lang din ako.

"Napakaputi naman ng babaeng 'to parang si Snow white," bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa kaniyang makinis at maputing balat.

"Pangungunahan na kita, hindi magiging madali ang trabaho mo dahil hindi siya basta-bastang lalaki. Your job is to help this guy." Inabot niya sa akin ang isang litrato.

"Parang normal na lalaki lang naman 'to. Guwapo at mukhang mayaman lang naman," saad ko pagkita ko sa litrato.

"You don't need to know everything about him except sa love life. Doon ka lang mag-focus, kailangan mong hanapan siya ng babaeng magugustuhan niya, maarte siya pagdating sa mga babae kaya huwag mo siyang subukang i-blind date sa mga pipitsugin," saad niya.

"You know what is cheap 'di ba? Anyway, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para maging deserving sa million dollar cash," dagdag pa niya.

Nabibingi ba ako? Dollar hindi peso? Omg! Magiging milyonarya na ba ako? Dollar iyon kaya amerikanang milyonarya na ako kung nagkataon.

"Iyon lang ba ang dapat kong gawin? Kapag nagawa ko na ba ang misyon makukuha ko na ang milyon ko?" tugon ko.

Nagmumukhang pera na ang mga mata ko ng mga oras na 'to.

"Of course. This is my calling card, If you need anything just call me. And one more thing, don't tell him about the deal." Tumayo siya at tumingin sa akin. "Sa 'yo na ang lahat ng 'yan."

Bigla akong napangiti nang napakalapad, "Talaga po? Thank you po Ms. Snow white! Mag-iingat po kayo!" masaya kong sagot sabay lumabas na siya ng restaurant kasama ang bodyguard niya.

"Take out!" masayang pagtawag ko sa atensyon ng mga empleyado ng resto.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now