"Don't run after me anymore..."
💸💸💸The End?
Lolita's PovPAG-AKYAT KO sa rooftop ng condo nakita ko si Nolan na naka-upo at nagkakape. Lumapit ako at tumayo sa kaniyang harapan.
"I'm glad you came," saad niya habang nakatanaw sa paligid. Kinuha ang tasa at humigop ng kape.
"I thought hindi ka na magpapakita dahil sa nangyari. I'm really sorry, and I'm regretting everything I say as I speak." Seryoso ang mukha ni Nolan pero bakit hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
Tignan mo ako Nolan.
"As I said before that I'm not using you but the truth is, I used you. Totoo lahat ng sinabi ni Seven."
"Remember my dream? Gusto ko maging makapangyarihan sa lahat para ako naman 'yong susundin nila, pero hindi pa rin pala masaya. Ang dami ko lang nasaktan, niloko at pinaglaruan. I'm so fucking selfish,"
"Now, I realized na, ang pangarap ko lang talaga is to be happy." Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Nolan.
"So, I've decided to engage with Guine," Sobra kong kinagulat ang kaniyang sinabi. Maslalo akong hindi nakapagsalita.
"Things happen for a reason..." saad niya pa.
Pumatak bigla ang mga luha sa aking mga mata, "Nolan..." Mahina kong saad.
Tumingin sa akin si Nolan at ngumiti siya ng napakatamis. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang maaliwalas na ngiting iyon kay Nolan.
"Maybe it's not the perfect time... Kasi para hindi ka na rin nahihirapan, it's not gonna help me and you."
"Don't run after me anymore. So that you would know the real truth inside of you. Just let it."
Tumayo si Nolan at aalis na sana sa aking harapan nang bigla kong hawakan ang kaniyang kamay. Tumingin si Nolan sa pagkakahawak ko sa kamay niya sabay tingin sa aking mukha.
"It's okay now Lota, everything will be alright."
Hinawakan ni Nolan ang aking ulo at hinaplos-haplos ito sabay ngumiti ulit ng napakatamis. Pinunasan niya ng kaniyang kamay ang mga luha sa aking pisngi.
"Be a good girl, ok? Goodbye."
Tinanggal niya ng marahan ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay at saka nagsimula nang maglakad palayo sa akin.
Napahawak ako sa aking bibig at hindi ko na napigilan pang humikbi. Hindi ko na kaya pang pigilan ang epekto ng pakiramdam na parang dinudurog ang aking puso.
Lumabas ako ng condo na patuloy pa rin sa pag-iyak. Nang makalayo-layo, napa-upo ako sa kalsada at napahagulgol ng sobra. Hindi ko na pinansin ang mga tao sa aking paligid dahil sa sobrang sakit na nadarama.
Gusto kong labanan ngunit hindi ko na talaga kaya. Umiyak ako ng umiyak. Mukha na akong tanga sa ginagawa ko pero kailangan ko itong ilabas para matapos na at wala na akong maramdaman sa mga araw pang lilipas.
Huli kong naramdaman ang ganito noong namatay ang aking Nanay.
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng taong nagmamahal?
Ganito ba talaga kasakit kapag hindi ka mahal?
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...