The Old Fashion
Lolita's PovNAGISING ako sa paulit-ulit na pagring ng phone ko. Kinapa-kapa ko sa ilalim ng kumot ko, at ng madampot ko ay agad ko itong sinagot.
"Hello?" Humihikab ko pang sagot.
"Good Morning Lolita, How are you? Did you receive the box?" tanong niya na agad ko naman nabosesan.
"Ms.Snow White? Okay naman po ako. Kayo po pala nagpadala ng box? Marami pong salamat," masaya kong sabi. Pero di ko inakala na sa kanya pala nanggaling 'yon lahat.
"By the way, you don't need to worry if in case tatawag ulit si Mr.Nam kay Ms.Kara. I already talked to Ms.Kara about this, and kung meron pang sasagabal just call me." Pag-iinform sa akin ni Ms.Snow White.
"Yes Ms.Snow White, thank you po." sabay nag-end call na.
Nag-open ako ng laptop at walang message si Mafia boss kagabi pa. Ano na kayang nangyari sa kanya, sa date nila ni Ms.Guine.
Dahil bored na bored na ako kakahintay kay Mafia boss ay lumabas na lang ako ng bahay.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gagala lang muna ako para makapagrelax at hindi mag-isip ng kung anu-ano.
"Hoy!"
Biglang may sumigaw sa paligid. Hindi ko ito pinansin, kakain na lamang ako sa kung saan.
"Miss Snatcher!" Biglang kinalabit ako sa aking likuran.
Paghanap ko, yung lalaking Intsik pala. "Anong problema mo intsik?" Pagsusungit ko.
Napangisi siya bigla, "Hoy, akala mo ba mapapatawad kita sa ginawa mong panggugulo sa akin? bayaran mo 'yung ginawa mo," panunumbat nito.
Napairap ako sa ere at tinalikuran na lamang siya, sinundan naman ako agad.
"Ano ba tantanan mo nga ako!" Inis kong sabi habang patuloy lang sa paglalakad.
"Ikaw pa makapal mukha sa atin a, ikaw na nga nakasira ng araw ikaw pa nagtataray na akala mo kagandahan," Pag-iinsulto niya na nagpainit ng ulo ko lalo.
Napaharap ako sa kanya at tinitigan ko siya mata sa mata.
Nagpamewang ako. "Ano bang gusto mo para matahimik na 'yang bunganga mo?" Inis kong sabi.
Napabuntong hininga pa siya tsaka tinitigan ako mata sa mata. Sabay sumenyas na lumapit daw ako. Inutusan pa talaga ako.
Paglapit ko, bumulong siya sa aking tainga.
"Kiss."
Nagpantig ang tainga ko at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng intsik na 'to.
Bigla siyang tumawa ng malakas, "Biro lang, baka magalit ka na naman e. Samahan mo na lang ako bayad sa pangdidistorbo mo sa akin. Ano payag ka gigimik lang tayo?" Pag-aalok niya sa akin at timing naman na gagala lang din ako.
Tinignan ko siya ng masama.
"Oh? Hindi ako mangrerape ng ten years old, 'wag kang mag-alala,"
"Anong ten years old? Dalaga na ako no!" Mataray kong sagot. Ginagalit talaga ako ng lalaking ito e.
"Oo na dalaga kana, dala na. Tara na!" Sabay hatak sa aking kamay.
Aba loko ito a! Nanantsing.
Pumunta kami sa isang malaking Club at bago pumasok may ginawa siya sa akin.
Inabot ng lalaki ang dalawang buhok at isinuot naman sa akin ni Intsik at 'yung isa ay isinuot naman niya.
"Bakit tayo nakawig?" Pagtatakang tanong ko. Pareho pangputi at kulot ang mga wig namin.
Ngumisi naman siya agad. "Basta, malalaman mo din. Tara na sa loob!" Hinatak niya ulit ang kamay ko papasok sa loob at iniabot sa mga bouncer ang dalawang ticket.
Nagulat ako pagkita ko sa loob. Malakas ang tugtog at madami ang nagsasayawan, partner-partner pa ang mga ito.
"Bakit puro Senior dito?" Pagtatakang tanong ko. Sobra talaga akong namangha dahil puro mga lola lolo ang nasa loob ng Club na ito.
Napangiti siya sabay kindat at hinatak na ako sa gitna ng dance floor.
Parang baliw ang loko. Kumending-kending at hinawakan ang dalawa kong mga kamay. Nakikipag sabayan sa mga matatandang hataw na hataw din sa kanilang paggalaw.
Parang walang mga rayuma at sakit sa mga kalamnan ang mga Senior dito. Hataw kung hataw pero meron din namang paslow-mo ang paggiling at kembot.
Nakakatawa silang pagmasdan kaya naaliw ako at napasabay sa kanila. Hindi ko na namalayan na humahataw na din pala ako sa pagkending-kending.
Natutuwa na sa akin ang mga matatanda at wala namang humpay ang pagtawa ni intsik sa akin. Natatawa na din ako sa aking sarili. Napaka saya ng pakiramdam ko, parang nawala lahat ng problema ko ng mga sandaling iyon.
Back to 70's ang pakiramdam.
Salamat sa lalaking 'to at dinala niya ako sa paraiso kung saan pansamantala kong nakalimutan ang pighati sa aking puso.
Sa sobra kong pagkakiti-kiti nahulog ang wig ko at nakita ng mga nagbabantay sa loob.
"Shit! Takbo!" Bigla ako muling hinatak ni Intsik sa kamay at dali-dali kaming tumakbo palabas ng Club.
Kabado man ako pero mas nanaig ang kasiyahang nadarama. Takbo kami ng takbo at nagtawanan ng makalayo layo na kami. Para akong binalik sa mundo ng pagkabata, ang mundo na kahit kailan hindi ko naranasang sumaya kagaya ngayon.
Masaya akong tumatawa ng mapansin kong nakatingin sa akin si Intsik.
"Masaya ako at nag-enjoy ka."
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...