💷5

231 124 160
                                    

The Sorry
Lolita's Pov


NAG-ISIP-ISIP ako habang nasa labas ng pinto ng room ni Nolan. Ipagpapatuloy ko pa ba 'tong trabaho ko sa kaniya? Nahihiya ako sa ginawa ko at natatakot ako sa kaniya. Pero kailangan ko itong gawin, kailangan ko ng pera.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may nagbukas.

Bumungad sa akin ang naka-shades na si Nolan. Natigilan kami bigla, feeling ko nakatingin din siya sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Anong ginagawa mo rito?" seryoso niyang sabi.

"B-bakit Nolan? tanggal na ba ako? Please naman, 'wag mo akong tanggalin. Ito lang 'yong hanap-buhay ko, ako na lang mag-isa sa buhay wala na akong ibang maaasahan. Nolan, maawa ka sakin. Sorry na! Hindi ko na uulitin 'yong ginawa ko," naluluha kong sabi sabay lumuhod ako sa kaniya at hinawakan ang mga paa niya.

"Tumayo ka nga diyan babae ka! Hindi ako Diyos para luhudan mo, tumayo ka na diyan kung ayaw mong tanggalin talaga kita!" Inis na may pagsigaw na sabi ni Nolan. Agad-agad akong tumayo habang umiiyak.

"Hindi ka talaga nagre-review babae ka, day off mo ngayon!" Sabay dinuro ang noo ko ng daliri niya.

Pinusan ko ang mga luha ko gamit ng aking mga palad.

"Sige na magpahinga kana sa inyo. Bukas mukha mo na naman makikita ko," sabay tsinupi-tsupi niya 'ko.

"Salamat Nolan," wika ko. sabay dahan-dahang naglakad palayo sa kaniya.

"Lota!"

Bigla ko narinig ang pagtawag ni Nolan kaya lumingon ako kaagad.

"Gusto kong kumain, samahan mo 'ko," saad niya.

Tignan mo 'tong drakulang 'to ang moody talaga papaalisin ako tapos papasama.

Pumunta kami sa isang restaurant na nasa labas ang kainan at puro building ang nakapalibot dito, may paikot pa na hanging light bulbs ang restaurant. Sorry na, hindi talaga ako magaling maglarawan kayo na umintindi. Ang masasabi ko lang napaka-romantic dito.

May dinala na kaya siya rito noon? Ang ganda talaga ng lugar na 'to.

Umupo kami at binigyan kami ng menu. Habang na-order siya, may order na ako sa isipan ko. Pasta, pizza, at kung ano-ano pang italian food na nakasulat dito sa menu. Inosente ako sa mga ganito pero titikman ko lahat libre e.

Habang kumakain kami may lumapit sa amin isang lalaki at nagbiyolin siya sa gilid.

"Hala, Nolan kala niya yata magkeme tayo," pag-agaw ko ng atensyon ni Nolan habang nakain siya.

"Anong keme?" Inosenteng tanong niya.

Dahan-dahan kong pinagtabi ang dalawang daliri ko.

Medyo nag-buffering pa 'yong mukha ni Nolan sa ginawa ko.

"Ah, lalaki ako at babae ka kaya normal lang mapagkamalan. Pero teka, babae ka nga ba?" pilosopong biro ni Nolan. Makakarate ko na talaga si Nolan.

"Malamang sa alamang!" tugon ko, sabay subo ko ng pizza at saka pasta.

"Yuck! Ayoko sa alamang, maslalo kung sa kamay mo galing!" Kinilabutan ang itsura niya. Ang arte talaga ng lalaking 'to, palibhasa mayaman.

After ng main course, char! Main course, yayamanin! Nag-dessert naman kami. Creme Brulee raw ang tawag dito sabi ni Nolan. Mahilig din pala siya sa matatamis para siyang batang kumain may kalat pa siya sa labi.

Sumenyas ako sa kaniya na may dumi siya sa bibig. "Ay parang bulag," bulong ko sa sarili.

Kumuha ako ng tissue at pinunas ko sa kaniyang bibig, bigla naman siyang napahinto sa pagnguya.

"Ayan wala na," nakangiting sabi ko sa kaniya. Sabay lapag ko ng tissue sa mesa.

Napansin kong nakaharap siya sa akin.

Tinitignan niya ba ako? Para kasi siyang bulag sa shades niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at napainom ako bigla ng tubig sabay tumingin sa paligid. Nagsimula ng ilawan ang buong lugar. Umilaw na rin ang mga hanging light bulbs.

"Wow! ang ganda pala talaga kapag gabi dito," namamangha kong sabi.

"Sorry nga pala kahapon nadala lang ako ng matinding emosyon," saad ni Nolan.

Bigla akong napatingin sa kaniyang mukha. Naramdaman ko naman ang kaniyang katapatan.

"Sorry din Nolan, hindi ko na talaga uulitin 'yon," sabay peace sign. Napangisi naman siya.

"Dapat lang baka ilaglag na talaga kita sa rooftop." Sabay irap sa akin. Natatawa na lang ako para siyang bata.

Tumikim muna si Nolan ng wine bago siya ulit magsalita.

"By the way, Nasaan na 'yong parents mo?" biglang nagseryoso ang tono ng pananalita niya.

"Solo parent ang nanay ko. Hindi kasi pinanagutan ang nanay ko ng pinagbubuntis niya ko kaya lumaki akong walang kinilalang ama," biglang nalungkot ang tinig ng boses ko.

"May ugaling hayop talaga ang tao ano, kapag tapos ka ng gamitin iiwanan ka na lang kaagad. I hate those people." Halata sa kaniyang boses ang pagkainis.

"Pero namatay din ang nanay ko sa sakit na lung cancer. Malakas kasi siya manigarilyo," biglang nanumbalik ang kirot sa aking puso.

"I see," tipid niyang sagot.

"Nolan, kung hindi mo mamasamain gusto ko rin sana malaman kung nasaan ang parents mo?" pag-usisa kong sabi.

"It's too hard for me to explain, alam mo namang tamad ako sa mga explanation thing. But I'm pretty sure they are still alive," kalmado niyang sagot sabay inom ng wine.

Na-curious ako bigla sa buhay ni Nolan. Pero ang sabi sa akin ni Ms. Snow white huwag ko na raw alamin ang buhay ni Nolan.

Papauwi na ako ng may madaanan akong computer cafe. Hindi naman malalaman ni Ms. Snow white kung magre-research ako ng konti sa buhay ni mafia boss. Pagpasok ko pumuwesto ako agad.

Ni-research ko ang name ni Nolan Nam, lumabas ang mga litrato ng kaniyang mga disco bar. Paulit-ulit lang ang litrato at isang picture lang niya ang naka-post. Sinave ko ang kaisa-isa niyang litrato na wala siyang suot na shades. Maganda naman ang mata niya. Binluetooth ko kaagad sa phone ko at panakot ko pa ito sa daga sa bahay.

Masyado pala siyang pribadong tao, akala ko makakatsismis na ako.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now