The Dream
Lolita's Pov"NOLAN, anong pakiramdam maging mayaman?" tanong ko. Habang nakatayo at nakatingin sa mga bituin.
Nandito kasi kami ngayon sa rooftop Restaurant. Ewan ko kung anong tawag sa ganito basta Romantic Haha!
"Why are you asking? You want to be rich?" sagot niya habang naka-upo at nagkakape.
"Oo, bibili ako ng malaking bahay at magandang kotse. Pangarap ko talaga 'yon tapos may malaking kwarto," tugon ko. At ngumiti ng napakalapad.
Pakiramdam ko kumikinang ang mga mata ko habang nakatingin sa mga nagkikislapang bituin.
"Bumili ka na lang ng dollhouse tapos laruin mo o 'di ba, pakiramdam mo parang ikaw na 'yung nakatira do'n," sarkastikong wika nito.
Tsk! Kainis talaga kausap 'to.
"Ikaw Nolan anong pangarap mo? Siguro naman meron kahit na sayo na ang lahat," tanong ko.
"Pangarap ko maging, Isang malaking bituin," napatingin siya bigla sa langit.
"Huh? Hindi naman makatotohanan 'yang pangarap mo," napakunot ang noo ko sa labis na pagtataka sa kanyang sinabi.
"Yup, kaya nga pangarap. Magkatotoo man o hindi, but still pangarap pa din ang tawag do'n,"
"Ang kahulugan kasi ganito makinig ka, kapag isa kang bituin, lahat ng tao titingalain ka, pero kahit kailangan hindi-hindi ka nila maaabot. Gets mo?" sabay higop ng kape niya.
"So, ayaw mong hawakan ka nila?" kunot noo kong sabi. Buffering 'yung utak ko. Napatingin siya sa akin ng masama at napangisi na lamang ako. Ang loading ko ngayon.
Biglang dumating na ang napili ni Nolan sa page niya na I-didate niya ngayon. Tumayo si Nolan paglapit sa amin ng babae at seryosong nakipagkamay. Whew! Sexy, laki ng balakang ni ate girl.
"Ms.Guinevere, right?" Maginoong wika niya. Ang lamig bigla ng tono ng boses niya bakit gano'n? Papacute din 'to e.
"Just call me Guine, Mr.Nolan." Magandang ngiti ang binungad niya kay Nolan tsaka sila naupo.
Dumating din ka agad ang pagkain at naupo na lamang ako sa sulok habang nagtsetsek sa page ni Nolan.
Ang daming nagco-comment sa wall niya at nagre-react sa pictures niya, kailangan ko ding isa-isahin ang mga messages niya.
Juskopo! Patok na patok si Nolan sa mga parokyano.
Napatingin ako sa kanila Nolan. Nagpapalitan na sila sa pagngiti habang kumakain.
So, this is it pancit na ba?
Napahinga na lamang ako ng malalim tsaka tinutok ulit ang mga mata sa laptop.
Natapos din sila sa ilang oras na tsikahan tsaka naisipang umuwi na. 'kala ko dito lang sila hanggang mag-umaga halos makatulog na 'ko.
Pagdating ng condo naghubad agad ng sapatos si Nolan tsaka nahiga sa sofa at nakapikit na tinanggal ang kanyang shades.
Inilapag ko ang kanyang laptop sa table at kinuha ang kanyang sapatos para ilagay sa shoe rack niya.
Inilawan ko ang lampshade saka ko pinatay ang main light ng buong room at lumabas na para makauwi at makatulog.
Habang pauwi bigla kong narinig ang nagmamaktol kong tiyan."Naku, nakalimutan ko pa lang kumain. Isang-libo na lang 'tong pera ko pamasahe ko pa 'to para sa susunod na dalawang linggo." Mamomroblema kong sabi habang hawak-hawak ang aking tiyan.
Nakita ko ang bukas na kainan sa kanto pero mas pinili ko na lang umuwi para na din makatipid, hindi naman ako siguro mamamatay kung hindi ako kumain ng isang araw.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...