💶15

146 89 38
                                    

The Agony
Lolita's Pov

ILANG-ARAW nang hindi maipinta ang mukha ni Nolan, wala naman akong lakas ng loob para tanungin siya pero ramdam kong may malaki siyang suliranin para gawin iyon sa sarili niya. Matapang ang pagkakakilala ko kay Nolan, never ko pa nakita ang ganitong kahinaan sa kanyang pagkatao.

Lumabas si Nolan sa kwarto niya ng nakabathrobe lang. Hay naku ito na naman tayo Lolita. Jusko!

"Pwede ka ng umuwi kapag tapos ka na sa ginagawa mo, doon muna ako sa pool." wika niya. Agad niyang kinuha ang bote ng wine tsaka lumabas ng room.

Gabi na maliligo pa sa pool? Tsaka, lalaklakin niya ba 'yung wine na 'yon? Ano na naman ba ang trip niya?

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na ako sa lahat ng gawain ko pati paglinis ng room niya.

Biglang nagring ang phone niya, "Naku, naiwan niya pala ito." Dali-dali kong kinuha at lumabas ng room. Ihahatid ko lang ito at uuwi na din ako.

Hinanap ko kung saan ang swimming pool ng condo. Maya-maya ay nakita ko na din. Pumasok ako sa loob at nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nakita ko si Nolan na nakatayo sa pool at nilalaklak ang wine sa bote, pagkaubos ay bigla niya itong nilaglag sa pool at hinubad niya ang kaniyang bathrobe. Jusko po.

Bigla siyang tumalon sa pool. Napatakbo naman ako bigla para hanapin siya, "Nolan?" Pagtawag ko. Madilim sa pool hindi ko siya maaninag.

Kinabahan na ako bigla at hindi ko alam ang aking gagawin, sakto na nagring ulit ang phone ni Nolan.

Si Even pala ang tumatawag.

Agad ko itong sinagot, "Pumunta ka ngayon sa pool! Si Nolan, baka malunod siya!" Nangangatog ang aking boses.

Inilapag ko agad ang phone ni Nolan sa silya. Hindi na ako nagdalawang isip tumalon din ako sa pool. Pagkalubog ko ay minulat ko ang aking mga mata at nakita ko agad siya, sinubukan kong abutin siya ng aking mga kamay. Palubog na siya pero pinilit ko pa ding abutin siya. Hinatak ko agad ang kamay niyang malayang palutang-lutang sa tubig.

Biglang dumilat ang kanyang mga mata. Sa unang pagkakataon ngayon ko lang nasilayan ang kanyang mga mata. Marahan niya akong hinawakan sa aking balikat at napakapit ako bigla sa kanyang mga braso. Bigla kong naibuga ang hangin sa aking bibig, hindi ko na kaya mauubusan na ako ng hangin.

Mabilis niya akong hinatak pataas. Nang maka angat sa tubig ay agad niya akong tinulak papunta sa gilid ng pool. Kamuntikan na akong maubusan ng hininga.

Hinawakan niya ng may bigat ang aking balikat at tumitig sa akin. Hindi ko din magawang alisin ang mga mata ko sa pagkatitig sa kanyang maamong mukha, namumula ang kanyang pisngi at labi. Ang mga mata naman niya ay namumugto.

"Bakit ba napaka pakialamera mo lota!" nanggagalaiting wika niya, pero taliwas ang naramdaman ko ng mga oras na 'yon.

Hindi takot, kundi awa.

Tumulo na lamang bigla ang mga luha sa aking mga mata, "S-sorry Nolan, gusto ko lang iligtas ka. Kung anuman ang problema mo ngayon hindi ito ang solusyon. Wag mong gawin 'to sa sarili mo."

"Gusto mo 'kong iligtas? Pero ikaw itong kamuntikan ng malunod. Nag-iisip ka ba talaga? Minsan naman gamitin mo 'yang utak mo." galit na saad niya.

"S-sorry hindi na 'ko nag-isip, natakot kasi akong baka mamatay ka kung wala akong ginawa. Ayoko mangyari ulit 'yung nangyari sa nanay ko. Ayoko makasaksi ulit ng ganu'n Nolan. Handa akong tulungan ka, iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa. Katulad mo lang din ako, naghahanap ng kalinga. Kaya please lang wag mo namang gawin 'to." Hindi ko na alam kung anong itsura ko at kung mukha na akong tanga sa mga pinagsasabi ko pero alam ko kailangan niya ako ngayon.

Tulalang nakatingin sa akin si Nolan. Alam kong basa ang kanyang mukha ng tubig, pero hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagpatak ng luha niya.

"Kung ganun, Iparamdam mo ngayon sa 'kin." Marahang wika niya habang seryosong nakatitig sa aking mga mata.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at niyakap ko siya sa kanyang baywang. Dahan-dahan niya naman sinuklian ng mahigpit na pagyakap sa aking buong katawan. Malamig man ang tubig pero naramdaman ko ang init ng kanyang mga bisig.

"Dadamayan kita ngayon Nolan, dito lang ako sa tabi mo."

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now