💶28

104 49 12
                                    

The Same Mistakes
Lolita's Pov

PAGPASOK KO sa vip room nakita ko si Nolan kasama si Ms.Guine at ng iba pang mga kilalang lalaki at babae sa industriya, masaya silang nag-iinuman at kumakain.

Hindi man lang ako tinignan ni Nolan pagpasok ko at nakatuon lang ang kaniyang atensyon kay Ms.Guine, naka-akbay siya sa balikat nito habang nakapatong naman ang kanang kamay ni Ms.Guine sa hita niya.

Laking gulat ko nang makita kong hinawakan ni Ms.Guine ang kanang pisngi ni Nolan at halikan ito sa aming harapan.

Nakita ko paano niya kagatin ang ibabang bahagi ng labi ni Nolan. Hindi ko kayang makita pa sila kaya agad akong lumabas ng vip room.

Napahawak ako sa aking damit malapit sa aking dibdib at ginusot ko ito ng aking kamay, sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga para akong nakulong sa isang maliit na kwadrado. May pumupokpok sa aking puso. Gustong kong umiyak at magalit sa aking sarili pero hindi ko magawa. Ginusto ko 'to kaya kailangan kong panindigan.

Naglakad ako kaagad palayo sa vip room, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Umakyat ako sa rooftop ng disco bar ni Nolan. Napapatong ang dalawa kong mga kamay sa harang ng rooftop.

Maya-maya natapos na rin sila at isa-isa ng nag-uwian. Lasing na lasing si Nolan kaya inalalayan naman siya ni Ms.Guine palabas ng disco bar. Tumulong na rin si Seven para alalayan si Nolan.

Pagpasok ni Nolan sa kotse ay nagpaalam na sa kaniya si Ms.Guine.

Habang nasa kotse kami, "Stop the car!" Nagulat kami sa pagsigaw ni Nolan. Agad naman itong hininto ni Seven sa tabi.

Pinilit ni Nolan na lumabas sa kotse kahit lasing na lasing na siya. At binuksan ang pinto kung nasaan ako nakaupo.

Hinawakan niya bigla ang aking mga kamay. "Lumabas ka Lota!" saad ni Nolan. Pilit niya akong pinapalabas ng kotse.

Humigpit ang pagkakahawak ni Nolan sa aking kamay. "Nolan nasasaktan ako."

Lumabas si Seven ng kotse at lumapit kay Nolan sabay sinuntok niya ito ng malakas na ikinatumba naman ni Nolan.

Lumabas ako kaagad. "Seven, tama na!" Pag-awat ko kay Seven na balak pang dagdagan ang suntok na natamo ni Nolan.

Dumudugo ang bibig ni Nolan.

"Subukan mo pang saktan ulit si Lota at hindi lang 'yan ang aabutin mo sa 'kin! 'Wag na 'wag mo siyang gagamitin sa mga kasinungalingan mo!" Galit na sumbat ni Even.

Tumawa ng nakaloloko si Nolan. "Ang galing mo naman magmalinis, akala mo ba hindi ko alam na secret agent ka ni Eilidh! Matagal mo na akong minamanmanan!" Galit na tugon ni Nolan. Sabay dinura niya ang dugo sa kaniyang bunganga na kumalat na sa kaniyang mga ngipin.

"Oo, Secret agent nga ako ni Ms.Eilidh. Dahil alam niyang ginagamit mo lang siya para sa sarili mong pagsikat. Gusto mong makilala ka ng lahat, 'di ba? Tama na itong kalokohan mo Nolan, hindi ako makakapayag na pati si Lota gagamitin mo para sa sarili mong ambisyon!" Nararamdaman ko ang matinding galit ni Seven kay Nolan, kitang-kita sa kaniyang mga mata ang sobrang pagkamuhi kay Nolan.

"Halika na Lota." Hinatak ako ni Seven palayo sa lugar at iniwan naming naka-upo si Nolan sa kalsada.

Para nga lang ba sa sariling kapakanan ni Nolan ang ginagawa niya?

O, dahil sinusunod niya lang ang kagustuhan ng mga magulang niya?

Talaga bang ginamit niya lang ako?

Hindi ba totoo lahat ng sinabi niya sa akin?

Iyong mga halik niya...

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now