💴17

145 82 65
                                    

The Revelation
Lolita's Pov

HABANG NAGHIHINTAY ako ng bus papunta sa aking trabaho. Biglang may humintong pamilyar na kotse sa aking harapan.

Pagbukas nang pinto ng kotse. Dumungaw si Seven, "Sakay na!" ani niya.

Sumakay naman ako ka agad, iisa lang naman ang aming pupuntahan choosy pa ba ako? Libre pa pamasahe hihi.

"Kumain ka na ba? May ginawa ang Mama at Papa ko kanina bago ako umalis, pinabaon sa akin 'yan tikman mo masarap 'yan," tinuro niya gamit ang nguso niya. Napatingin naman ako sa box na kulay pink.

Napangiti ako bigla at tinitigan lang ang pink box. "Sige na wag ka na mahiya, buksan mo na." Pagpupumilit niya habang nakangiting nagmamaneho.

Kinuha ko naman ang box at tinanggal ang takip, "Wow! sushi na may iba't-ibang dekorasyon at hulma," agad naman akong kumuha ng dalawa at sinubo agad ang isa.

Nanlaki ang mga mata ko sa lasa ng sushi, "Ang sarap!" Sinubo ko ulit ang isa at kumuha ulit ng isa.

Napangisi naman si Seven habang patuloy lang sa pagdadrive, "Kalma lang uy, baka masamid ka, may kape din ako d'yan." Sabay turo ulit gamit ng nguso niya.

Kinuha ko din at tinikman. Ang init pa pala kamuntikan ko ng maibuga, nilunok ko na lang agad.

Natawa naman ulit si Seven, "Dahan-dahan lang Lota." Paalala niya.

Sumubo pa ako ulit, "S-shorry na, Sharap eh. Shabihin mo sha Mama at Papa mo napakasharap ng gawa nila." Patuloy ako sa pagkain.

Kumuha ako ng isa at inilapit sa bibig ni Seven, "Kain mo dali!" ani ko.

Nagulat naman si Seven sa ginawa ko, ngumiti siya tsaka sinubo ang binigay ko. Napangiti naman ako sa kanya habang nginunguya niya ang binigay ko.

Nang makarating na kami sa condo ay agad ko na siyang iniwan sa labas at pumasok na sa loob. Busog na busog ako halos ako umubos ng dala niya, isa lang yata nakain niya.

Pagbukas ko ng pinto ni Nolan, nabigla ako sa aking naabutan. Ang daming nagkalat na basag na bote sa sahig. Nilibot ko ang mga mata ko sa loob at nakita ko siyang naka-upo sa sahig at hawak-hawak ang isang bote.

"Oh! Lota, I'm glad you're here." Pagkita niya sa akin ay sinubukan niyang tumayo pero lasing na lasing na siya halos hindi niya na kaya ang kan'yang sarili.

"Nolan wag ka munang tumayo! baka mabubog ka pa, wawalisin ko muna 'yung mga basag na bote." wika ko. dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob.

Tumayo pa din si Nolan at walang pakialam sa pagtapak sa mga bubog sa sahig. Agad siyang lumapit sa akin at bigla akong isinandal sa pader, aalis na sana ako sa posisyong iyon nang bigla niyang iharang ang dalawa niyang mga kamay sa akin.

"Nolan, nagdurugo na 'yung mga paa mo gagamutin ko lang." pagkita ko sa kan'yang mga paa.

Nakatingin lang siya sa akin at dahan-dahan naman akong napatingin sa kaniyang mga mata.

"Nolan, wag mo akong titigan. Natatakot ako sa mga mata mo," Kinuha ko ang shades na nakasabit sa kan'yang t-shirt at isinuot ito sa kan'yang mga mata.

"Ano ba talagang problema Nolan? Baka matulungan kita 'wag lang pera, madami ka na nu'n." Pagbibiro ko pang sabi. Ayokong matakot sa kan'ya pero sa totoo lang takot na takot na ako sa ginagawa niya.

Ang tapang ng amoy ng alak, nakailang bote na ba siya?

"Magkano ka ba Lota?" Seryoso niyang sabi na lalong nagpakaba sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita.

"You know na kaya kong bilhin ang lahat ng babae sa mundo. So, how much do you want me to pay you? Malaking bahay, Madaming kotse, Malaking kwarto, 'yon ang pangarap mo diba?" Bigla niyang tinanggal ang shades niya at nilaglag sa sahig.

Ang mga pagtitig niya sa akin ang lalong nagpatindig ng balahibo ko at matinding takot ng mga oras na iyon.

"I can give you everything you want."

Hindi ko alam ang aking gagawin o ang aking sasabihin. Tulala lang akong nakatingin sa mga mata niya.

Hinawakan ako ng mahigpit ni Nolan sa aking mga braso at sinunggaban ng halik.

Oh Jusko po! Panginoon iligtas niyo po ako, ayoko pa pong mamatay sa piling ni Mafia boss. Wag po sa ganitong paraan, 'yung medyo romantic po sana.

Ramdam ko ang pagpisil niya sa aking mga braso at ang paglapat ng itaas na bahagi ng labi niya sa ibabang bahagi ng aking labi. Nakatikom lang ang aking bibig at parang naparalisado ang buo kong katawan. Dahan-dahan niyang isinandal ang kan'yang ulo sa akin at patuloy lang sa kan'yang ginawa.

Napapikit na lamang ako sa paggalaw ng mga kamay niya papunta sa aking baywang at paakyat naman ngayon papunta sa aking likuran, hanggang makaabot sa aking leeg at ramdam ko ang pagsuklay ng mga kamay niya pataas sa loob ng aking buhok tsaka niya ito ginusot ng marahan. Bahagya niyang itinulak ang ulo ko para magdikit lalo ang aming mga mukha.

Mas dumiin ang kan'yang paghalik at kumilos ito pababa sa aking leeg. Naiiyak na ako parang hindi ito tama. Mali ito!

"N-Nolan, p-please tama na." Pagmamakaawa ko sa kan'ya at bigla na lang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata.

Hindi pa din siya huminto sa paghalik sa aking leeg ng bigla ko siyang itulak ng pwersahan palayo sa akin. Lalapit pa sana siya ng bigla akong napa-upo at nakapigil ang aking mga kamay sa paglapit niya. Patuloy lang ako sa aking pag-iyak.

Hindi ako makapaniwala na siya ang first kiss ko. Alam niyo namang virgin pa ako e, 'di ba sinabi ko na sa inyo 'yon.

"Pati ba naman ikaw pinagtatabuyan na din ako? Ano bang mali sa 'kin? Bakit lahat na lang kayo ayaw sa 'kin?" Dahan-dahan siyang napa-upo.

"She never loved me back. But me, I'm so fucking in love with her,"

"And now, She's engaged. Nagpakagago lang talaga ako kay Eilidh, 'yun kasi ang gusto ng magagaling kong magulang. 'Yung maging sunod-sunuran ako sa babaeng 'yon dahil malaki ang impluwensiya ng family niya sa Industriya. Hindi ko alam na aabot ako sa ganito. Durog na durog na 'to Lota!" Sabay turo sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya.

Ang Nolan na nakilala ko ay taliwas sa lalaking umiiyak ngayon sa aking harapan. Ngayon alam ko na kung bakit siya nagkakaganito.

"Eilidh?"

Ang babaeng minahal ni Nolan.

Ang babaeng nanakit kay Nolan.

---
Pronunciation: Eilidh (Ay-Lee)

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now