The fact
Lolita's PovPAGBALIK sa condo nakita namin si Nolan na lumabas galing sa loob at lumapit sa amin, agad kaming lumabas ng kotse.
"You two can go home. I have meeting with the Chairman today," saad ni Nolan. Sabay inabot ni Seven ang susi kay Nolan at dali-dali namang pumasok si Nolan sa loob ng kotse.
Napansin kong hindi na naman maganda ang mood ni Nolan. May kutob ako na isa sa dahilan nang pagbabago ng mood niya ay dahil sa Chairman na 'yon. Nu'ng huli kong kita sa kanila ay hindi naging maayos ang kanilang pag-uusap. Sino ba talaga ang Chairman na iyon?
"Lota? Tulala ka na d'yan?" Biglang bumalik ako sa katinuan ng makita ko ang mukha ni Seven na nakangiti sa akin.
"H-huh?"
"Sabi ko, gumala na lang tayo." Pagyaya niya. Agad naman akong sumang-ayon at naglakad na kami palayo sa condo.
Pumunta kaming park. Napakaraming tao ngayon at naglipana rin ang mga nagbebenta ng pagkain at kung anu-ano pa. May mga street performers din na talagang nagbibigay buhay sa park.
May isang tugtog doon na umagaw ng atensyon ko. Lumapit ako at nakita ko siyang tumutugtog ng violin. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga iyon. Ang lalaking tumugtog ng violin sa paboritong restaurant ni Nolan. Napangiti na lamang ako bigla at naalala ang mga nangyari noon dahil sa musikang iyon.
Natatawa ako sa aking isip nang maalala kong pinunasan ko si Nolan sa kaniyang labi. 'Yung itsura niyang biglang natulala sa ginawa ko. Nakatutuwa at nakahihiyang isipin. Hindi ko dapat ito maramdaman pero namiss ko siya agad. Kahit kagabi lang ay magkasama kaming dalawa.
Nakainom ako pero alam ko pa din ang ginagawa ko.
Niyakap ko siya at hinawakan niya ako sa aking pisngi.
Gusto kong kiligin pero alam ko namang hanggang dito lang ako. May malaking barriers sa pagitan namin na hindi ko pwedeng tanggalin. Lolita, 'wag kang magpasakop sa nararamdaman mo.
Kailangan ko mag-focus sa aking hangarin. Ang mapasakamay ang million dollar cash. Iyon lang at wala ng iba pa.
"Lota?" Hinawakan ang aking balikat. Bigla naman akong napatingin, si Seven. May dala-dalang takoyaki at drinks. Inabot niya sa akin at kinuha ko naman agad.
"Seven, kilala mo ba kung sino si Chairman?" tanong ko habang kumakain kami.
"Si Chairman Juo Nam. The holder of the largest company in our country and also the father of the man you served." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Hindi pala talaga basta-basta si Nolan. Pero masasabi kong hindi siya katulad sa ibang mayayaman at edukadong lalaki na mataas ang tingin sa kanilang mga sarili. Ibang-iba si Nolan sa kanila. Napakadown to earth niyang tao. Mabilis ko siyang nakasundo at hindi ka makakaramdam ng matinding pagkailang sa kaniya. Para lang siyang ordinaryong lalaki umasta.
Sigurado na ako ngayon. Gusto ko na makilala kung sino talaga si Nolan Nam.
"Kilala mo ba si Eilidh?"
Hindi maipinta ang mukha ni Seven nang banggitin ko ang pangalan na iyon. Kilala niya si Eilidh.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomantizmGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...