NINE YEARS LATER
NAGLALAKAD ang isang lalaki papunta sa isang malaking puno ng mangga. Paglapit niya ay agad siyang napahinto at napatingin sa batang babae na naglalaro doon.
Napalingon sa kaniya ang batang babae at lumapit sa kaniyang harapan.
"Ikaw po ba ang Daddy ni Reverence?" tanong ng batang babae sa estrangherong lalaki.
Napatitig saglit ang lalaki sa batang babae. Pamilyar ang mga mata ng batang babae, alam niya kung kanino ito.
"Ako nga. Paano mo nalaman?" Yumuko ang lalaki at ngumiti sa batang babae.
"Kay Mama! Nakita ko po ang litrato mo." Sinuklian siya nang napakatamis na ngiti ng batang babae.
"Sef!" Pagtawag ng babae sa batang babae na ngayon ay kausap ang isang lalaki.
Pag-angat nang mukha ng lalaki ay bumungad sa kaniya ang babaeng hindi niya lubusang makikita muli.
Halos matulala silang dalawa nang makita ang isa't-isa. Kasabay noon ang isang malakas at malamig na hangin na dumadampi sa kanilang mga balat na sinabayan pa nang paglaglag ng mga halaman sa punong si Reverence.
Tumakbo ang batang babae papunta sa babae na hanggang ngayon ay tulala pa ring nakatitig sa lalaki.
Yumakap ang bata sa babae. "Mama Lolita! Siya po ang Daddy ni Reverence 'yong sinabi mo po sa akin." saad ng bata kay Lolita.
"Siya nga, Sef." Hindi pa rin naalis ang mga tingin ni Lolita sa lalaki.
Bumabalik ang lahat ng alaala niya sa lalaking nasa kaniyang harapan ngayon.
"Lolita." Isang mahinahong tinig sa pagsambit ng pangalan na 'yon ang lalong nagpabilis nang tibok sa puso ng babae.
"Nolan." Malungkot na may ligayang tinig ni Lolita.
Hindi man makapaniwala si Lolita sa kaniyang natatanaw ay lubos pa rin ang kasiyahan na kaniyang nadarama.
"Oh my goodness, Nolan? Kailan ka pa bumalik?" Gulat na sambit ni Shin ng makita si Nolan na kasama nina Sef at Lolita. Yumakap ito agad kay Nolan halos maiyak pa ito sa tuwa.
Agad namang lumabas sa sala sina Kara at Seven. Halos magulat sila na makita muli si Nolan.
Masaya silang nagdiwang lahat sa pagbabalik ni Nolan. Noong kinagabihan naghanda sila sa labas nang malaking lamesa upang doon kumain at mag-inuman.
"Ito kasing si Lolita gusto rito manirahan, kaya pumupunta kami rito every weekend." Masayang wika ni Shin sabay dampot ng bote at nilagyan ang baso ni Nolan ng alak.
"Kumusta ang buhay sa Australia?" tanong ni Seven habang nagpapaypay sa kaniyang iniihaw.
Tumingin naman agad si Nolan kay Seven. "Actually, I'm planning to live there," animo'y naalarma ang lahat sa sinabi ni Nolan, "Mas lalo ngayon dahil music instructor na 'ko, hindi ko p'wedeng bitawan ang propesyon ko ro'n, at saka napamahal na rin ako sa mga estudyante ko."
Hindi maiwasang pagmasdan ni Lolita si Nolan. Lalo lang itong naging makisig at matipuno. Napapamangha si Lolita dahil malayo na ang narating nito at talagang nagbago na ang tingin niya kay Nolan.
Ang Nolan na nakilala niya noon ay malayo sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Nakangiti at tumatawa. Lubos ang kasiyahang nadarama ni Lolita para kay Nolan at sa tagumpay nito sa mga pangarap niya.
"Wow! Congrats Sir.Nolan! I'm happy for you." Masayang saad ni Kara kay Nolan.
"Thank you Kara." Tinugunan naman ito ni Nolan na may ngiti sa kaniyang mga labi.
"O guys! Mag-toast tayo para sa pagbabalik ni Nolan!" Tumayo si Shin sa kaniyang kinauupuan at tinaas ang kaniyang hawak na baso. Nakigaya na rin ang lahat at nilapit ang mga baso sa isa't-isa.
"Cheers!"
Habang nagliligpit si Lolita biglang sumenyas si Shin sa kaniya. Tinignan ni Lolita kung saan tumingin si Shin. Nakatayo ngayon si Nolan sa tabi ng punong si Reverence.
Hindi na nag-atubili pa si Lolita na lapitan si Nolan sa kinaroroonan nito.
"Malamig talaga ang simoy ng hangin dito, kaya naisipan kong dito na lang manirahan," bungad ni Lolita kay Nolan.
"Masayang-masaya ako at natupad mo na ang mga pangarap mo, para ka na talagang isang malaking bituin." Masayang saad pa nito.
"Kahit Mama ang tawag sa 'yo ni Sef alam kong hindi mo siya anak. Sa mga mata pa lang niya nakita ko na si Kara." Biglang sabi ni Nolan.
"Kay Seven ba 'yon?" tanong pa nito.
Nagulat naman si Lolita at bahagya siyang napangiti sa sinabi nito. "Oo, at gano'n lang talaga ang tawag sa akin ni Sef dahil madalas ko siyang sinasama sa charity workshops ko, alam mo naman si Kara busy sa disco bar niyo."
Tahimik lang si Nolan na tumingin sa kaniya, napaiwas naman agad ng tingin si Lolita bigla siyang nakaramdam nang matinding pagkailang.
"Sige, papasok na ako sa loob. Good night Nolan."
"Lolita." Pahakbang na sana siya ng biglang banggitin ni Nolan ang kaniyang pangalan.
Bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niya sa sarili niya na pahanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para sa lalaking ito.
"I'm sorry," ani nito, "and I still love you."
Parang huminto ang buong paligid ni Lolita nang marinig ang mga salitang 'yon mula kay Nolan.
Iyon lang sapat na upang ipagpatuloy pa ni Lolita ang naudlot niyang pagmamahal kay Nolan. Pero kahit naman nawala ito nang mahabang panahon ni minsa'y hindi huminto ang pagmamahal niya para rito.
"Let me love you once again." Hinawakan ni Nolan ang magkabilang kamay ni Lolita at tinitigan nila ang isa't isa.
"Handa na akong harapin lahat nang pagsubok kasama mo. Mahal kita Lolita." Hindi na ni Nolan pa hinintay ang mga sasabihin ni Lolita, marahan niya na itong niyapos sa kaniyang mga bisig.
"Mahal na mahal pa rin kita Nolan." At tinugunan na rin ni Lolita ang mga yakap ni Nolan sa kaniya.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...