💷2

269 130 162
                                    

The Job
Lolita's Pov


FIRST DAY ko sa job so, fight! fight! fight Lolita! Ang easy-easy lang ng work ko hahanapan lang ng babae 'yong lalaking 'yon? Alam naman nating mabilis bumigay ang mga lalaki sa babae. So, anong mahirap do'n? Tapos million dollar ang bayad. Saan ka makakahanap ng trabaho na ganoon ang suweldo? 'di ba wala? Kaya masuwerte ako.

Bumungad sa akin ang malaking condo unit. Ang pagkakaalam ko mga celebrities at mga kilalang politiko ang nakatira rito. Wow! Pagkasuwerte-suwerte mo naman Lolita! Baka makita ko sila Lee Min Ho, Leonardo Dicaprio, Emma Watson, BTS at kung sino-sino pang sikat.

Pagpasok ko pinakita ko agad ang ID ko. Oh, 'di ba! May ID pass ako agad, mabilis yata ang back-up ko na si Ms. Snow white pinadala agad ang ID ko.

Nakasulat, "Personal assistant" tunog professional 'di ba? Makapunta na nga sa room ng lalaking 'yon.

Paglabas ko ng elevator tahimik ang hallway ng condo. Sana may makita akong artista dala ko pa naman autograph book ko. Palingon-lingon ako sa paligid hinahanap ang room 143, I love you?

"Uy! Ito na," gulat kong sabi.

Tsinek ko muna ang sarili. Mukhang okay naman suot ko. Black slacks, white polo shirt at black shoes. Perfect! Sabay nag-pose ng naka-peace sign.

Pagkatok ko ng dalawang beses may nagbukas agad ng pinto.

Bumungad sa akin ang shirtless abs na talagang mapapakagat-labi ka sa mga pan de coco niya. Ilang segundo din akong nakatitig doon bago ko siya tignan sa kaniyang mukha.

Naka-shades ito.

Ang taas ng araw sa condo ha, pero kamukha niya naman 'yong nasa litrato mas guwapo nga lang 'yong sa litrato ng konti, konti lang naman.

"Wala pang basura," saad niya. At padabog sinarado ang pinto.

Ano raw? Wala pang basura? Hinayupak 'yon a! Bastos walang modo.

Kumatok ako ulit pero mas malakas sa pagkatok ko kanina.

Pagbukas.

"Hindi ba sabi kong kukunin niyo lang ang basura kapag wala ako rito sa room ko!" Nagtaas ang kaniyang boses.

Nagulat ako kaya hindi ako nakapagsalita agad.

"Oh, anong tinatayo-tayo mo pa riyan? 'Di ka ba nakakaintindi ng tagalog? Gusto mo bang I-translate ko pa sa mandarin?" Sarkastikong sabi nito.

"Wait sir!" pagsingit ko.

"No, get out! Huwag—"

"Sir---"

"Niyo ko distorbohin dahil busy akong ta—"

"Sir! Makinig ka muna sa akin!" Sigaw kong sabi sabay takip sa kaniyang bunganga.

Huminga muna ako ng malalim bago ipagpatuloy ang pagsasalita. Putak kasi ng putak ang lalaking ito.

"Sir, hindi po ako basurera! ako po iyong pinadala ni Ms. Kara para maging bagong P.A niyo sir," paliwanag ko.

Si Ms. Kara pala iyong secretary ng lalaking ito sabi ni Ms. Snow white. Textmate kasi kami ni Ms. Snow white, hihi.

Tumungo naman siya agad pero hindi nagsalita.

"Naintindihan niyo na ba sir?" dagdag ko pa habang nakatingin sa mukha niya.

"Ay, oo nga pala!" Napagtanto ko na nakahawak pa pala ako sa bibig niya.

Pagtanggal ko ng kamay ko huminga siya ng napakalalim akala mo naubusan ng hininga at mabilis niyang pinunasan ang kaniyang bibig.

"Bakit ganiyan ang amoy ng kamay mo!" Kumunot ang noo niya halos magsalubong ang dalawa niyang kilay.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now