The Two Different Guys
Lolita's PovSA WAKAS natapos na ang bakasyon ko. Sobra akong bored sa bahay kahit home from work ako, tsaka dalawang beses lang akong kinontact ni Nolan pagkatapos no'n wala na akong balita sa kanya.
Pagbaba ko ng bus nakita ko ang isang magandang sasakyan na nakaparada sa harapan ng condo ni Nolan.
Papasok na sana ako ng mapansin ko ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa gilid ng building.
"Teka— si Intsik 'yun ha? Anong ginagawa niya dito?" Pagtataka kong tanong sa aking sarili.
Hindi pa ako lumalapit ng mapatingin siya sa akin. Nanlaki ang kanyang mga mata. Nagulat din yata siyang makita ako dito.
"Hey! Ms.Snatcher, Anong ginagawa mo dito?" Masaya siyang lumapit sa akin.
Napasimangot naman ako sa itinawag niya sa akin. "Dito ako nagwowork," saad ko.
"I see. Ano ka d'yan sa loob Janitress?" Pilosopong saad niya.
"Anong Janitress! para—" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses ng nagsalita sa likuran namin.
"Seven!"
Paglingon ko si Nolan. Seven? napatingin ako sa tinatawag niyang Seven, si Intsik. Wait naguguluhan ako. Magkakilala sila?
"Coming boss!" umalis naman agad sa harapan ko si Intsik at lumapit sa kotse sabay pinagbuksan ng pinto si Nolan.
Boss?
A-anong nangyayari? B-bakit boss niya din si Nolan?
"Lota!" Pagtawag ni Nolan sa akin.
Agad-agad akong lumapit at nakita ko ang bandage sa kanyang mga kamay. Anong nangyare kay Nolan? Bakit wala akong alam?
"Get in the car, front seat." utos niya. Sabay pumasok na siya sa loob ng kotse. Pumasok na din kami ni Intsik sa loob.
"'Di ba Nolan ayaw mo ng personal driver? Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?" Sabay nagtaas ang isang kilay ko kay Intsik.
"Don't you see? Hindi kaya ni Boss magdrive." biglang sagot ni Seven.
"Ayoko ng maingay sa loob ng kotse ko." Seryosong wika ni Nolan.
Bakit parang ang lungkot ng tinig ni Nolan. Ano bang nangyare sa kanya?
Nang makarating kami sa pupuntahan, mabilis na lumabas si Intsik para pagbuksan si Nolan. Hindi siya gentleman, hindi niya ako pinagbuksan. Kusa na lang ako lumabas ng biglang magsalita si Nolan.
"Stay here."
Sumulyap pa siya sa akin bago siya tuluyang pumasok sa loob. Bakit ang cold ng pagkasabi niya?
"Small world no? Akalain mo iisa lang pala boss natin. Ano nga pala name mo?" saad ni Seven pagkalapit niya.
"Seven nga pala, pero Even na lang." Inabot niya sa akin ang kanyang kamay.
Tinignan ko lang siya. "Lota." Matipid kong sagot habang nakatingin sa pinasukan ni Nolan.
Habang naghihintay kami matapos ang meeting ni Nolan, wala namang humpay ang pagdaldal ni Even.
"Matagal ka ng nagwowork kay Boss?" tanong niya. Habang nasa loob kami ng kotse.
"Bago lang, tsaka ayaw niya ng tinatawag siyang Boss. Hindi ka nagseself study ha," sagot ko.
"Ano ako estudyante? Driver lang naman ako, no need na mga ganyan," tugon niya.
"Hindi ka ba natatakot sa kanya? Mga mayayaman talaga walang magawa sa buhay," wika niya. Habang patingin-tingin sa labas ng kotse.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nu'ng isang araw nagmaneho siya ng lasing kaya nabunggo siya, buti lang kamo walang nadamay sa kalokohan niya, kaya siguro nagpasya na siyang maghire ng driver niya." pagbabalita niya na ikinagulat ko ng husto.
Bakit niya ginawa iyon?

YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...