💴11

176 97 54
                                    

The Cap
Lolita's Pov

GAYA ng sabi ni Nolan, sinet ko na ang date nila ni Ms.Guine. Mukhang nagka-interest na si Mafia boss sa babaeng ito a. Ito pa lang kasi ang unang beses na Ididate niya ulit 'yung nakablind date niya na.

Magandang senyales ito. Malapit ko nang mapasakamay ang Milyones, sabay humalakhak ng pagkalakas-lakas.

Lota:
Nolan, Good morning!
Bumangon kana diyan at kumain! Naset-up ko na ang date niyo ni
Ms.Guine.

Lota:
Dapat gwapong-gwapo ka mamaya para matulala sayo si Ms.Guine hehe.

Ilang oras din ang lumipas pero wala pa ding reply si Nolan, halos nakakain at nakaligo na ako, nakapaglaba na nga din ako e.

New Message

Dali-dali ko tsinek ang message.

Nolan: K.

Anong K? K lang? Napakashortcut na nga magchat tapos napakatipid pa, tamad talaga itong lalaking 'to.

Lota:
Kumain ka na ba? Magready ka na.

Nolan: Shower muna 'ko.

Lota:
Huh? Ngayon ka pa lang maliligo? Malelate ka.

Nolan: Y? Ako ba dapat maghintay? Let her wait.

Lota:
Okay. Ikaw bahala.

Ilang oras akong paikot-ikot sa bawat kanto sa loob ng bahay ko.

Nag-iisip kung anong nangyare sa date ni Nolan. Magtatatlong oras na kasi mula ng maka-usap ko siya kanina.

Dali-dali akong nagbihis at pupuntahan ko sila sa lugar na aking nireserba. Kailangan makasiguro akong magiging maayos ang date nila.

Nang makarating na ako sa restaurant, saktong pagbaba ko ng bus nakita ko si Nolan na palabas ng gusali, tatawagin ko na sana ng biglang lumabas din kasunod si Ms.Guine.

Nagpanic ako kung saan magtatago, timing naman at walang mataguan.

Lintik!

Bigla namang dumaan sa silid ko ang isang lalaking naka sumbrero.

Kaya, naglakas loob akong kunin ang sumbrerong suot-suot nito. Mabilis pa sa alas kwatro ko itong sinuot. Humarap ako sa lalake na para bang kami ay mga paslit na nagpapatentero sa kalsada.

"Hoy, Miss! Pakibalik nga 'yang sumbrero ko kung ayaw mong sumigaw ako ng snatcher dito." Kunot noo niyang sumbat sa akin at pilit hinuhuli ang kanyang sumbrero.

Hindi ko ito hinubad. Sa halip, mahigpit ko itong hinawakan using may two precious hands.

Bigla kong naalala kung bakit ako nandito, "Si Nolan!"

Hinanap agad ng mga mata ko kung nasaan na si Nolan at si Ms.Guine, pero nawala na sila ng parang bula.

"Freak! Nawala na sila! Ikaw kasi may kasalanan nito," mala-pusang galit ang itsura ko at handang mangalmot.

Nanlisik naman ang mga mata ng lalaki sa akin, "Hoy! Hoy! Hoy! Para sabihin ko sayo ikaw itong may kasalanan sa akin. Kung hindi mo inagaw 'yung sumbrero ko, e baka tahimik ang araw ko ngayon. Kaya ibalik mo na sa akin ang cap ko kung ayaw mong mag-init ang ulo ko sayo." Nagcrossed arms pa siya at mas nanlisik ang mga mata na halos nagmukha na siyang Intsik.

"Oh Intsik!" Sabay hagis ko ng sumbrero niya sa kanya, nasalo naman niya ito agad. Naglakad na akong palayo sa kanya.

"Thank you ha!" sigaw ng lalaki. Pero hindi ko na siya nilingunan. Nag-iisip kasi ako kung nasaan sila Nolan.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now