💴25

103 54 14
                                    

A/N: Annyeonghaseyo! I would like to dedicate this to you stephenlie26 Thank you! So much appreciated! ❤
---

"Just want to clarify, that I'm not using you. I'm serious about it. I really do. Okay."
💸💸💸

The Waves Inside You
Lolita's Pov

HINDI KO ALAM kung anong pumasok sa utak ni Nolan at naisipan niyang pumuntang beach. Sabagay, nakakarelax sa beach at alam ko na stress talaga si Nolan ngayon. Makakabuti na rin ito para sa kaniya.

Pagdating namin sa beach ay nagulat kami ni Seven nang salubungin kami ni Ms.Kara. Nandito rin pala siya.

"Mr.Nolan, all settled na po lahat," saad niya. Sabay abot ng card kay Nolan. Napakaseryoso ng mukha niya parang hindi siya 'yung naka-usap ko noon.

Agad naman nagtungo si Nolan sa mga rooms.

"Hi Lota! Oh, who's this hot guy?" Nabaling ang tingin niya kay Seven. Biglang nawala iyong pagiging seryoso niya kanina.

"I'm Seven Hyun. The Charismatic driver of Nolan Nam." Ngumiti siya ng nakaloloko. Sabay tingin sa akin at kumindat. Nagpapa-cute ba siya sa akin?

Napangiti naman si Ms.Kara. "I'm Kara Young, sexylicoustary ni Mr.Nolan Nam. Nice to meet you Seven, cute name parang ikaw." Sabay tumawa silang dalawa tsaka nagkamayan.

"Hanapin ko lang 'yung room natin, d'yan muna kayo guys!" Tumawa ako at naglakad na palayo sa kanila.

Habang hinahanap ko ang room namin, nakita ko si Nolan naka-upo sa mga buhangin at nakatanaw sa mapayapang dagat. Bakit ba sa tuwing nakikita ko si Nolan ay lagi na lamang siyang malungkot. Kung kaya ko lang sana siyang pasayahin ginawa ko na. Ang kaso si Ms.Eilidh lang ang makakagawa no'n at hindi ako.

"Lota!"

Bigla akong napatingin sa boses na tumawag sa aking pangalan.

"Nandito 'yung room natin!" saad ni Ms.Kara. Sumulyap muna ako kay Nolan bago sumunod kay Ms.Kara.

Habang nasa k'warto kami ni Ms.Kara, nagulat ako sa ganda ng loob parang bahay na. Kompleto ang mga gamit, tv, refrigerator, sofa, kitchen, shower, closet, nakakamangha talaga. Mas mukha pa itong bahay kaysa sa bahay ko eh.

Nakita ko rin na may balcony. Lumabas ako at tanaw nga ang ganda ng buong beach.

"WOW! AMAZING!" Nanlaki talaga ang mga mata ko sa tuwa. Pumalakpak pa ako kung mag-eecho ang tunog sa paligid. Nag-echo nga!

Napalingon ako sa katabing balcony. Shit! Nakita kong nakatingin sa akin si Nolan. Hindi ko alam na katabi lang pala namin ang room niya.

"Ignorante." Bulong niya pero narinig ko pa rin iyon. Sabay pumasok na siya sa loob.

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Ang yabang talaga ni Mafia boss!

Pumasok ako sa loob at nakita ko si Ms.Kara na naka-two piece lang. Napaka-sexy ni Ms.Kara! Nakaka-insecure ang kagandahan niya. Peach ang color ng two-piece niya. Ang cute-cute niya talagang tignan.

"Oh, Lota. Magpalit ka na din ng swimsuit mo." Sabay nag-lotion siya sa kaniyang legs. Agad akong kumuha sa bag ko ng damit at dumiretso sa banyo.

Paglabas ko ay tinignan ako kaagad ni Ms.Kara at nanlaki ang mga mata niya. "Ano 'yang suot mo girl? Matutulog ka na ba?"

"Ito 'yung ipangliligo ko," saad ko. Naka-short ako ng above the knees naman, tsaka naka-t-shirt.

"Palitan mo 'yan girl! Bruha ka! Hindi mo sinabi na wala kang dalang swimsuit, buti lang may extra akong dala rito." Naghalungkat siya sa kaniyang bag tsaka inabot sa akin ang swimsuit na kulay pula.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now