💷24

102 57 10
                                    

"Hug me back."
💸💸💸

The Inevitable
Lolita's Pov

HANGGANG NGAYON nasa-isip ko pa din ang mga sinabi ni Ms.Eilidh sa akin. Saan nga ba dapat lulugar ang isang tulad ko?

Pupunta kami ngayon nina Nolan at Seven sa Disco Bar ni Nolan dahil may kliyente daw na naghihintay sa kaniya doon.

Pagkarating namin ay naiwan si Seven sa labas at pumasok na kami sa loob. Sinalubong naman kami agad ni Ms.Kara.

"Good evening Mr.Nolan, your client is waiting at the rooftop bar." sabay turo niya ng way sa amin at nagngitian naman kaming dalawa.

Pag-akyat namin sa rooftop bar. Napahinto bigla sa paglalakad si Nolan kamuntikan na akong mauntog sa kaniya. Napasilip naman ako kaagad kung sino ang nag-iisang naka-upo doon.

"May Go—" tinakpan ko kaagad ang aking bibig.

Humarap sa akin si Nolan at gulat na gulat ako nang niyakap niya ako ng mahigpit at ibinaon niya ang aking mukha sa kaniyang balikat. Lumakas ang kabog sa aking dibdib.

"Nolan anong ginagawa mo?" Bulong ko sa kaniya.

"Hug me back."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"Lota, listen to me. I'm the Boss here," saad niya pa. Alam kong kapag sinunod ko siya mas magiging malala ang sitwasyon. Mapapahamak ako.

Pumikit ako at inangat ang mga kamay ko para tugunan ang mga yakap niya sa akin.

Ngayon pa lang alam kona na nasa alanganin ang buhay ko. Hindi ko na makontrol ang aking sarili, nagkukusa na siyang kumilos ng hindi sumusunod sa aking sinasabi.

Ano bang nangyayari sayo lolita. Paano na ang mga pinaghirapan mo? Nawawala ka na sa wisyo.

"Nolan! What are you doing?" Galit na boses ang aking narinig kaya minulat ko kaagad ang mga mata ko.

Agad akong kumawala sa pagkakayakap ko kay Nolan at binitawan niya na rin ako.

"Oh, Eilidh. I didn't know na kanina ka pa pala nand'yan. By the way, it's good to see you again, it's been a long time." Ngumisi si Nolan at tinitigan niya si Ms.Eilidh.

Nanlisik ang tingin ni Ms.Eilidh kay Nolan. "Are you really crazy? Very desperate ka ba na gawin talaga 'to?" Nagtaas lalo ang boses ni Ms.Eilidh.

Parang ang awkward kung nandito ako habang nag-uusap sila. Mabuti pang umalis muna ako. Tumalikod na ako nang biglang hawakan ng mahigpit ni Nolan ang kamay ko.

"Nolan ano bang ginagawa mo?" Bulong ko sa aking isip. Bahagya namang napatingin si Ms.Eilidh sa ginawa ni Nolan.

Napangisi bigla si Nolan. "What are you talking about? Did I do something wrong? Do you care about me now?"

Mas sumeryoso ang mga mukha nila. "Stop being childish Nolan! Don't use someone to make me jealous. I'm already engaged and you know that," tugon ni Ms.Eilidh.

"Nandito ako dahil kay Chairman, alam niyang sa akin ka lang makikinig. So please, tigilan mo na 'tong kalokohan mo. 'Wag mo ng palalain pa ang sitwasyon," dagdag pa ni Ms.Eilidh.

Nakita ko ang mga kamay ni Nolan na nanginginig at dahan-dahan niyang tiniklop ang kaniyang kamao. Marahil naapektuhan siya sa mga sinabi ni Ms.Eilidh.

"Excuse me, I have to go." Sumulyap sa akin si Ms.Eilidh kaya agad akong napayuko.

Ilang segundong nakatayo lang si Nolan at hindi umiimik.

"Eilidh!" Agad niyang hinabol si Ms.Eilidh at naiwan akong nag-iisa sa rooftop bar ni Nolan.

Mahal niya pa talaga si Ms.Eilidh. At ako naman, ito, kahit wala akong kaalam-alam tinulungan ko pa rin si Nolan sa plano niya.

Kailangan kong mag-isip ng tama. Kailangan kong pigilan ang sarili ko na hindi tuluyang mahulog sa kaniya.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now