The Baby Reverence
Lolita's PovPAGHINTO ng kotse sa condo ni Nolan, "Bigay pala ni Mama, salamat daw at nagustuhan mo 'yung sushi nagawa nila Papa." sabay abot niya ng box sa akin.
Masaya naman akong tinanggap ito, "Nag-abala pa talaga si Auntie. Salamat ulit," saad ko. Sabay silip sa laman ng box, tempura at teriyaki salmon.
"Wow, favourite ko 'to! Salamat talaga kay Auntie—" naputol 'yung sasabihin ko dahil sumubo ako ka agad ng isang tempura.
"Wala ka namang pinipiling pagkain e, mamaya kana kumain. Umakyat ka na sa taas baka hinahanap ka na ni Nolan." ani ni Seven. Kamuntikan ko na ding makalimutan sa sobrang tuwa.
Lumabas na ako ng kotse dala-dala ang box tsaka kumaway kay Seven na naiwan lang sa loob ng kotse.
Pagpasok ko sa building agad akong nagtungo sa elevator, napatakbo ako bigla ng makita kong pasara na ito.
"W-wait po!" agad naman akong nakapasok. Sabay napangiti ako sa matandang lalaki sa likod ko. Apat lang pala kami sa loob kasama 'yung dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid at parehas pa sila ng suot-suot.
Paglabas ko ng elevator, binuksan ko ulit ang box at tumikim ng teriyaki salmon. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi ito matikman. Ang sarap talaga!
Nilagay ko na ulit ang box sa bag ko at dali-dali ng naglakad papunta sa room ni Nolan. Pagbukas ko ng room ni Nolan sumalubong sa akin ang dalawang lalaki. Wait, sila iyong sa elevator. Bigla naman nila akong hinarangan.
Nakita ko naman sa sala sina Nolan at iyong matandang lalaki, siya din iyong sa elevator kanina. Nagulat ako ng bigla niyang sinampal si Nolan, at may tumulong dugo sa mukha nito dahil sa mga sing-sing sa kamay ng matandang lalaki.
"Explain this to me!" Nanggagalaiting wika ng matanda. Sabay hinagis ang isang papel sa mukha ni Nolan.
"Anong kalokohan 'yan! Nakikipagdate ka? At talagang hinayaan mong ma-engaged si Eilidh! Kung hindi ko pa talaga mababasa wala kang balak sabihin na hiwalay na pala kayo!" sumbat nito. Nakakatakot ang matandang ito, tatay ba siya ni Nolan?
Muling humarap si Nolan sa matanda sabay pinunasan ng kamay niya ang tumulong dugo sa kaniyang mukha. "Maiwan ko muna kayo Chairman." sabay yumuko. At naglakad na papalapit sa amin si Nolan.
"Saan ka pupunta Nolan! Nolan! Kinakausap pa kita!" pagtawag nito kay Nolan.
Paglapit sa akin ni Nolan, napatingin ako sa kaniyang sugat sa mukha, hahawakan ko pa sana ito nang bigla niyang hilahin ang aking kamay at mabilis naglakad palabas ng room.
"S-saglit Nolan, tatay mo ba ang Chairman na 'yon? Tsaka, saan ba tayo pupunta? Iyong sugat mo gagamutin ko muna!" ani ko. Habang hawak-hawak niya ng mahigpit ang aking kamay at para bang walang naririnig.
Hindi pa din si Nolan nagsalita hanggang sa makalabas kami sa likod ng building. May ilang kanto kaming dinaanan bago huminto si Nolan sa paglalakad. Umakyat siya bigla sa may bakod. Hindi ko akalain na ang isang Nolan Nam aakyat ng bakod. Kakaiba din talaga ang lalaking ito.
Lumingon siya sa akin at inalok niya ang kanyang kamay. Takang-taka man ako pero inabot ko na lang ang aking kamay, inalalayan niya akong umakyat sa bakod. Pagkababa ko sa bakod nakita ko ang mga nagpipilahang bangka, ilog na pala banda dito.
"Sakay kayo?" tanong ng matandang lalaki sa amin habang naka-upo siya sa kaniyang bangka.
"Oho." tipid na tugon ni Nolan. Totoo ba iyong narinig ko? Sasakay kami sa bangka? Ano bang nasa-isip ni Nolan at napadpad kami dito. At iyon na nga, sumakay na kami sa bangka.
Tahimik lang kaming nakatanaw sa ganda ng paligid habang nagsasagwan ang matandang lalaki. Ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito. Napakaganda at napakapayapa.
At sa hindi inaasahang pangyayari biglang bumuhos ang malakas na ulan, nananadya yata ang kalangitan.
"Manong dito na lang." saad ni Nolan. Bumaba siya ka agad kahit hindi pa nakakalapit ang bangka sa lupa at nauna ng maglakad.
Dali-dali naman akong bumaba ng bangka para sumunod sa kaniya.
"Dito lang ako maghihintay!" sigaw ni Manong sa amin.
Napatingin naman ako sa kanya at kumaway, "Salamat Manong!" tugon ko. Tumakbo na ako para mahabol si Nolan.
Nakita ko siyang tumayo sa ilalim ng malaking puno. Napakaganda at madaming hinog na bunga ng mangga. Dali-dali din akong sumilong sa ilalim nito.
Kumuha ng dalawang mangga si Nolan sa sanga nito tsaka inabot sa akin ang isa, "Tikman mo ang gawa ni Reverence." saad niya.
Kinuha ko naman ito at tinignan ang mangga, "Reverence?" pagtataka kong sabi.
"Itong puno ay si Reverence." bigla naman siyang napangisi sa kanyang sinabi.
Bigla akong napatingin sa malaking puno at medyo napanganga ako pero agad ko din itong itinikom.
"Ako nagtanim kay Reverence. 'Yung huli kong kita sa kanya magkasing taas lang kami, pero ngayon mas mataas na siya sa akin," saad niya. Sabay kain ng mangga.
"Pinangalanan ko siyang Reverence dahil deep respect ang kahulugan nito. Parang tao din ang mga puno, kailangan din natin silang pagtuunan ng pansin, alagaan at igalang."
"Dito ako lumaki sa lugar na 'to, nandito ang bahay namin noon pero lumipat din kami. Kaya, naisip ko na maninirahan ako malapit kay Reverence para kahit papaano ay madalaw ko siya," dagdag pa niya.
"Kaya Reverence alagaan mo ang sarili mo, wala si Daddy lagi sa tabi mo para alagaan ka." hinawakan niya ang katawan ni Reverence tsaka tumingala sa mga halaman nito.
Anak niya pala si Reverence? Nakatutuwa namang isipin na ganito siya mag-isip. Bigla na lang tuloy pumasok sa aking isipan na ang punong ito ay katulad ni Nolan. At masasabi kong napaka buti ng kanyang puso, pinahahalagahan niya ang mga bagay na 'di magawa ng karamihan.
Napangiti ako ng malapad, "Wow, Napakatamis ng gawa ni baby Reverence. Salamat baby!" bahagya din akong napatingin sa ulo ni Reverence.
Napatingin naman ng napakatalim si Nolan sa akin, "Wag mo siyang tawaging baby, hindi mo siya anak!" masungit na wika nito.
Sinimangutan ko lang siya, "Naisip ko kasi bata pa siya dahil Daddy ka niya, pangit naman kung tatawagin ko siyang bata kaya baby na lang." sabay kain ng mangga. Sinungitan lang ako ni Nolan sabay pinagpatuloy ang pagkain ng mangga.
Bigla ko namang naalala ang binigay na pagkain ni Seven sa akin. Kinuha ko agad ito sa bag at inalok kay Nolan. Hindi na siya tumanggi at sinabayan na lang akong kumain. Hinintay naming tumila ang ulan at inabutan kami ng hapon kasama ni baby Reverence.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomantizmGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...