💵26-Sexiness

127 51 20
                                    

A/N: Annyeonghaseyo! I love to dedicate this for you ms_flyhighttendant Hope hindi ka ma-shock! Thank you so much! ❤
---

"Kiss me."
💸💸💸

The Waves Inside Me
Lolita's Pov

ALA-UNA NA, hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Habang si Ms.Kara mahimbing nang natutulog.

"Hindi pa ba obvious? Gusto kita. Ayokong nakikitang malapit siya sayo. Nagseselos ako."

Buong akala ko ay nagbibiro lang siya pero napakaseryoso niya ng sabihin sa akin 'yun. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Lumabas ako ng k'warto at napakadilim na sa hallway. Bakit nga ba madilim dito? Nagtitipid ba sila sa kuryente? Naglakad ako kahit madilim, humawak ako sa pader para kahit papaano ay may guide ako sa paglalakad. Nagulat ako sa biglang paghatak nang kamay ko papasok sa loob ng k'warto. Madilim din dito pero dahil sa liwanag ng buwan na nakatapat sa bintana naaaninag ko ang pamilyar na katawan ng lalaking nakatayo sa aking harapan.

"Kiss me."

Hindi ako kumibo...

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Lumapit ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako nang maramdaman kong dumampi na ang mga labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ako.

Umatras ako para lumayo pero agad niya akong niyakap sa baywang. Mas dumiin ang mga paghalik niya at sa unang pagkakataon, hindi ko na naitago ang totoo kong nararamdaman. Hinalikan ko siya pabalik. Itinaas niya ang mga kamay ko at ipinatong sa kaniyang mga balikat. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin at hawakan sa magkabilang hita. Naka-short lang ako at ramdam ko ang init ng mga palad niya. Isinandal niya ako sa pinto. Sinuklay ng mga kamay ko ang buhok niya ng dahan-dahan. At pinagpatuloy niya ang paghalik sa akin. Ipinulupot ko ang mga binti ko sa kaniyang baywang para hindi siya mangalay sa paghawak sa mga hita ko.

Naramdaman ko na lang ang biglang pag-init ng katawan ko. Pinagpapawisan na 'ko. Ilang minuto din kami sa ganoong sitwasyon nang bigla siyang napahinto. At marahan niya akong binaba. Anong nangyari? Bakit siya huminto?

Binuksan niya ang pinto, "Good night." Lumabas ako sa pintuan at marahan niya itong sinarado. Napasandal ako sa pinto at huminga ng malalim, napahawak ang kaliwang kamay ko sa aking labi. Mukhang lalo akong hindi makakatulog nito.

Dahil hindi ako makatulog, nagluto na lamang ako ng almusal nila kahit alam kong may sariling restaurant ang resort na 'to. Inayos ko na rin ang cottage na kakainan namin. Perfect!

Maya-maya ay isa-isa na rin silang nagsi-puntahan sa cottage.

"Wow! Ikaw lang nag-prepare nitong lahat?" saad ni Ms.Kara. Sabay pumwesto na siya sa pag-upo at nilibot ang mga mata niya sa pagkain.

Napangiti naman si Seven sa akin. "Mukhang maaga kang nagising para lang d'yan." Hindi niya alam na wala pa akong tulog.

Dumating na rin si Nolan. Napatingin ako bigla sa kaniya at nagulat ako ng bigla siyang tumingin din sa akin. Naiilang ako sa mga pagtitig niya kaya binaling ko na lang sa pagkain ang tingin ko.

"Kain na tayo guys!" Pagyaya ni Seven sa amin. Tumabi na ako kaagad kay Ms.Kara at nagsimula na kaming kumain.

Hindi ako makakain ng maayos dahil nakikita kong nakatingin si Nolan sa akin. Jus mio Nolan bakit ka ganyan!

Napatayo ako, "Cr lang ako." Matutunaw na ako kung hindi pa ako aalis sa kinauupuan ko.

Habang naglalakad ako bigla akong hinatak sa gilid ng puno. Niyakap ako sa aking likuran.

"Good Morning," saad niya.

Kilala ko ang boses na 'yon. Sa kaniya rin ang boses kagabi.

"Nolan." Bulong ko.

Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya at pag-amoy niya sa aking ulo.

"Lota." Bulong niya.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now