💴9

205 114 72
                                    

The Illness
Lolita's Pov

PAGMULAT ng aking mga mata bumungad sa aking paningin ang kulay puting kisame.

Inilakbay ko ang aking paningin sa bawat sulok ng paligid.

Nanghihina at pakiramdam ko ay walang laman ang aking sikmura. Napasulyap ako sa bintana na may konting kalayuan mula sa aking kinahihigaan.

Amang Panginoon?

Patay na po ba ako? Langit na po ba ito? Makakasama ko na po ba ang aking Ina?
Madami pang katanungan sa aking isipan ang pilit gumagambala sa akin ngayon. Gusto ko na po makasama ang aking Ina, miss na miss ko na po siya. Handa na po akong mamatay. At least, hindi ko na kailangan pang maghirap sa mundo ng mag-isa. Biglang may bumukas ng pinto.

"Lota?"

Napatingin ako sa taong pumasok. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tumingin sa aking mukha.

"Okay kana ba?" Marahan niyang tanong.

"Ano bang nangyari sa akin?" Nagtataka kong sabi.

"Hay, Jusko Lota! Bakit 'di mo sinabi na may anemia ka? Tandaan mo, ang trabaho mo walang nakakabit na life insurance." Nagtaas ang boses niya habang nakatayo sa aking harapan.

"Wag kang magpalipas ng gutom. Kumain ka sa condo kapag nagugutom ka, hindi naman ako madamot na Boss. Pa ano kapag may nangyari sa'yong mas malala pa dito at nasa condo kita? Ako malalagot sa buhay mo. Ayoko magkaroon ng responsibility, kaya wag mong pababayaan ang sarili mo, Klaro ba?" wika niya. Halata sa kanyang tinig ang matinding pangamba.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pag-aalala ng isang tao. Noong nawala si Nanay wala na ding nagbigay importansiya sa akin.

"Sorry." Dahan-dahang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata.

"Wag ka ng umiyak, hindi naman ako nagagalit pero sundin mo mga sinabi ko sayo. Tandaan mo ako ang Boss mo," saad niya. Sabay inirapan ako at tumingin sa ibang sulok ng kwarto.

"Boss? Wala po akong boss," inosenteng sabi ko.

Binaling niya ang tingin sa akin, "Anemia 'yung sakit mo, hindi Amnesia, wag mo 'kong pinaglololoko d'yan!" sabay dinuro ng daliri niya ang noo ko. Napahawak naman ako bigla sa aking noo sabay ngumiti.

"Salamat Mafia boss! Este, Nolan." masayang sabi ko.

"Anong Mafia? Aish! Pasalamat ka may sakit ka ngayon. Oo nga pala, tatawagan ko si Ms.Kara para I-advance na ang sahod mo." saad niya. Dinukot niya ang phone sa kanyang bulsa. Nanlaki bigla ang mga mata ko.

"Wag na Nolan! May pera pa naman ako," pagkabalisa kong sagot. 'Di niya ako pinansin sa halip tinalikuran niya 'ko.

Lumingon ako sa drawer na katabi ko at pilit kong inaaabot ang hawakan nito. Pagbukas ko ay kumapa ako at nakuha ko naman agad ang phone ko at binuksan ko ka agad ito. Kasabay no'n ang pagtunog ng phone ni Nolan.

Shit!

Kailangan maunahan ko siya. Dali-dali akong nagtype kahit nanginginig pa ang aking mga kamay, sinend ko ito ka agad kay Ms.Snow White. Nakahinga ako ng maluwag ng maisend ko na ang aking message.

"Kara, paki-advance ang sagod ni Lota, Ipadala mo agad." seryosong wika nito sabay binaba na ang phone. Muling tumingin sa akin si Nolan.

"Magleave ka muna ng isang linggo, kailangan mo daw magpahinga sabi ng Doctor. Magpagaling ka! Kung ayaw mong tanggalin kita," wika niya. Bigla naman akong nalungkot.

"Pero Nolan, mababagot lang ako sa bahay, kailangan ko kumita araw-araw," pagrereklamo ko.

Napabuntong-hininga siya, "Sige, work from home ka na lang, padadalhan kita ng laptop bukas," wika niya.

"Salamat Nolan." Malungkot pa din ang aking tinig.

"Isang linggo mo lang akong hindi makakasama wag kang O.A dyan," sumbat niya. Feelingero talaga 'to kahit kailan eh. Napasimangot na lang ako sabay irap sa kanya.

"Osige na, magpahinga ka na muna diyan." sabay naglakad na siya palabas ng kwarto. Humiga na lang ako ulit at pinikit ang mga mata.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now