"I like you.
I'm really been falling for you everyday."
💸💸💸The Choice
Lolita's Pov"ITO NA 'YUN." Kausap ang sarili habang nakatingin sa malaki at magandang bahay.
Pagpasok ko sa loob nakita ko ang malaking bakuran. Madaming mga bulaklak at halaman dito. May malaking fountain na lalong nagpabuhay sa bahay.
Sinalubong ako ng isang babae. "This way Ma'am." Sinundan ko siya papasok sa loob ng bahay. Lalo akong namangha sa aking nakita. Malalaking paintings, chandeliers at ceramic vases na talagang kay gaganda. Pangarap ko rin ito kapag nagkaroon ako ng sariling bahay.
Pumasok kami sa isang malaking k'warto at nakita ko ang matandang lalaki na naka-upo sa malaking couch. Bago ako tuluyang makalapit ay sunod-sunod ang aking pagbuntong-hininga. Nanlamig ang buong katawan ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko.
Kaya mo 'to Lolita.
Paglapit ko. Tinitigan niya ako agad. Ama nga ni Nolan ang kaharap ko, halos lahat ay namana niya sa lalaking ito. Nakakatakot siya.
"Lolita Lee."
Nagulantang ako ng banggitin niya ang buong pangalan ko. P-papaano niya ako nakilala?
"Masaya ako at hindi mo tinanggihan ang aking paanyaya."
"Ikaw pala ang dahilan sa paghihiwalay nina Nolan at Eilidh. Do you have any idea who she is? She is the Daughter of the President of South Korea. Malakas ang loob mo to compete with her. Nakamamangha ang katapangan mo Iha." Naramdaman ko ang biglang panglulumo. Hindi ako makapaniwala na si Ms.Snow White ay anak pala ng Presidente nang bansang ito.
"Anong tinapos mo Iha?" Sabay nag-dekwatro siya at kinuha ang glass of wine sa kaniyang harapan.
"High School Graduate po."
Napatingin siya bigla sa akin, "Anong dati mong trabaho?" Tanong niya ulit.
"Factory Worker po ng mga Chicharon," tugon ko. Nangangatog na ang mga binti ko sa nerbyos.
"Alam mo Iha, humahanga ako sa mga katulad mong kumakayod ng mag-isa para lang mabuhay. Kaya naman naisip kong tulungan ka, pero, alam mo naman na ang lahat ng tulong ay dapat talagang suklian. Siguro naman naiintindihan mo kung ano ang gusto kong iparating sayo Iha," wika niya. Alam niya ring mag-isa na lang ako sa buhay.
"Hindi ito para tapakan ang iyong dignidad. At hindi para sa ikabubuti lang ng anak kong si Nolan, kun'di para sa reputasyon ng buong pamilya namin."
Lumapit ang isang babae, may inabot sa kaniyang makapal na papel. Pinilas niya agad ang isang piraso nito.
"Siguro malaki na ang 1.5 million para mamuhay sa ibang lugar. What do you think?" Inabot sa akin ang pinilas niyang papel. Jusko po! Napakalaking halaga no'n. Tatanggapin ko ba 'to?
"Take it."
Napatitig ako sa papel na hawak-hawak niya. Kukunin ko na sana ang papel nang biglang...
May kumuha ng papel at nilukot ito sa palad niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak palabas ng k'wartong iyon.
"Nolan!"
Iyon na lamang ang huli kong narinig sa Ama ni Nolan.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Napatingin ako sa kaniyang seryosong mukha habang hawak-hawak ang aking kamay.
Malakas ang ulan at may kasamang pagkidlat paglabas namin sa malaking bahay.
"Nolan! Gusto mo bang magkasakit tayo!" Parang wala siyang naririnig at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Basang-basa na kami sa ulan. Habang hatak niya ang aking kamay napansin ko ang kaniyang likuran, kitang-kita ko ang hubog ng katawan ni Nolan sa suot-suot niyang manipis na white t-shirt at bakat na bakat ang mga bisceps niya na lalong nagpahumaling sa akin. Bakit ko ba naiisip ito sa ganitong sitwasyon.
Nangangatog na ang buong katawan ko sa sobrang lamig at nanginginig na ang labi ko pero patuloy pa rin kami sa paglalakad, hindi ko alam kung saan balak pumunta ni Nolan. Hindi rin siya kumikibo.
Bumaba kami sa mahabang hagdan at doon ko na naramdaman ang matinding pagod samantalang siya ay parang wala lang. Nanakit na ang aking mga binti kaya pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa aking kamay at bigla naman akong napadapa sa kawalan ng balanse.
Hindi ko na nagawa pang tumayo sa sobrang pagod. Agad naman akong nilingunan ni Nolan at papalapit para ako'y tulungan.
"Okay ka lang ba? Nagdurugo 'yung tuhod mo." Nag-aalalang wika niya.
"Hindi tama 'to Nolan." Bigla siyang napahinto sa harapan ko dahil sa aking sinabi.
"I know it's not right, I already know." tugon niya.
"Ibigay mo na sa akin 'yung cheque," saad ko.
Tinitigan ako ni Nolan ng napakaseryoso bago siya muling magsalita. "Iyon ba talaga ang gusto mo? Pera lang ba talaga mahalaga sayo?"
"Titigan mo 'ko! At sabihin mo sa akin na 'yun lang talaga ang importante sayo!" Nagtaas bigla ang tono ng kaniyang pananalita.
Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata. "Ayoko maging makasarili Nolan, isipin din natin ang mga tao sa paligid natin!"
"So, are you saying na makasarili ako? Alam mo kung paano ako naging sunod-sunuran sa mga magulang ko. I built my own business because they wanted to, hindi ko pinangarap 'yon! At ako lang ang nagtaguyod nu'n mag-isa without their help. Baka oras na para sundin ko naman 'yung gusto ko. 'Yung totoong magpapasaya sa 'kin."
Inilahad ko ang kamay ko sa harap ni Nolan. Tinitigan niya muna ako bago niya buksan ang isang kamay niya at unti-unting naglaglagan ang pira-pirasong papel sa palad niya, sumabay ito sa pag-agos ng tubig.
Tulala akong nakatitig sa pira-pirasong papel na unti-unti nang tinatangay ng alon. Sinayang mo Nolan! Makakalayo na sana ako sayo! Okay na sana ang lahat kung hindi ka dumating! Para akong maluluha sa aking nakikita. Lubos ang aking panghihinayang.
Hindi naalis ang mga tingin ni Nolan sa akin. "I like you." Nagulat ako sa sinabi niya pero pinilit kong wag na lang kumibo.
"I'm really been falling for you everyday. As much as I want to show, like... How much I need you,"
"I can't because something is holding me back. But it's Inevitable. I couldn't have stopped it! it's just happened."
Napatungo na lamang ako sa mga narinig ko mula sa kaniya.
"Wala ng importante sa buhay ko maliban sa pera. Iyon lang ang mahalaga sa akin, bawat centimo na winawaldas niyo ay pinapahalagahan ko," saad ko.
"I know kung paano mo pahalagahan ang pera Lota! But how about me? 'Yung pagtugon mo sa mga halik ko? Anong tawag mo du'n?" tanong niya.
Hindi ako makapagsalita. Gulong-gulo ang isip ko. Nalilito na 'ko. Napapunas ako sa mga mata kong nanlalabo na dahil sa lakas nang pagpatak ng ulan.
Inangat ko ng konti ang mukha ko ng hindi ko na marinig ang boses niya. Tinaas niya ang mga kamay niya at napahilamos sa kaniyang mukha tsaka napatingala sa langit at sinambunutan ang kaniyang buhok.
"Thank you for everything... For letting me feel like I was in a fairytale." Pagpukaw ko sa ilang minutong katahimikan.
"I don't want to stop. But I can't see this going any further," saad niya. Hindi na siya tumingin pa sa akin.
Lumakad si Nolan palayo sa akin. Naiwan akong mag-isa sa gitna ng malakas na ulan.
I'm sorry Nolan. Kailangan kong gawin 'to sayo para maging maayos na ang lahat.
Kahit,
Napakasakit.
Sobrang sakit...
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...