💵6

214 118 146
                                    

The Wink
Lolita's Pov

"Nolan?"

NAABUTAN kong nakahiga sa sofa si Mafia boss at mukhang nakatulog yata, hindi kasi sumagot ng tawagin ko.

Dahan-dahan kong nilapag sa mesa ang mga pinamili ko sa market tsaka ako lumapit sa kanya.

Tinignan ko siya habang natutulog at naka-shades pa talaga ito. Inilapit ko pa ng konti ang mukha ko sa mukha niya habang walang malay siyang nakahiga.

Need ko kasi magsurvey sa mukha niya para sa aking task hihi.

Ang sarap niyang pagmasdan, 'yung nose, hair, lips, juskopo! sino ba ang aayaw sa Nolan Nam? Imposibleng hindi siya magustuhan ng mga babae. Mukha kasi siyang inosente pati nga ako kamuntikan ng magoyo, kaso hindi nila alam masademonyo pala ugali nito.

"Wag mo 'ko masyadong titigan Lota, baka makahalata ako," biglang sabi niya.

"Ay kabayo ka!" natumba 'ko sa'king kinatatayuan.

Shit! Nagising.

Bumangon siya at napa-upo tsaka dumekwarto.

"Gutom na 'ko, where's my food?" walang ganang wika nito.

Kumaripas ako ng lakad papunta sa kusina at mabilis ding bumalik dala-dala ang niluto ko para sa kanya.

Nilapag ko ang dala kong tray sa table at mabilis naman niyang dinampot ang kutsara at tinidor.

Habang nakain siya nag-iisip na ako pa'no ko sasabihin ang plano ko, natrauma na'ko sa nangyari last time.

Tulala akong nakatayo, hindi ko alam na nakatingin na pala siya sa akin at kanina pa ako tinatawag.

"Hoy babae! Bingi ka ba? Itali mo nga 'yang utak mo sayo para hindi lumilipad." Nakabusangot niyang mukha ang nagpagising sa kaluluwa kong humiwalay saglit sa katawang lupa ko.

"H-huh?" tugon ko. Napabuntong hininga na lamang siya at hindi na nagsalita.

"Nolan, pwede ba kita gawan ng page?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tapang para magtanong bigla.

"Para saan?" sabay humigop siya ng kape sa tasa.

"Para hindi na natin kailangan pa puntahan 'yung lugar nila, I-memessage ka na lang sa page at makakapili ka pa kung sino lang gusto mong maka-blind date," pang-iingganyo ko. Sana kumagat siya sa plano ko. Napabuntong hininga siya bigla.

"Okay, fine. Bahala kana." Pagsang-ayon niya habang busy sa kaniyang phone.

AYOS!

Hiniram ko ang laptop niya at inilagay ko sa page ang impormasyon niya at ang litrato niya na nakasave sa phone ko.

"Nolan, kailangan natin ng iba mo pang pictures para maingganyo silang tignan yung page mo," saad ko.

"Wala akong ibang pictures," tugon niya. Busy pa din kakascroll sa phone.

"Kailangan kitang kuhanan ng litrato," seryosong sabi ko. Dahil pangpaakit 'yun sa mga parokyano.

Napatingin bigla sa akin si Nolan.

"Baka naman page 'yan ng mga nagbebenta ng katawan Lota? 'Wag mo akong pinaglololoko," tugon nito. Bakit ko naman gagawin iyon.

"Uy, hindi ha! Sige na Nolan, gusto mo bang tumandang binata?" saad ko. Baka sakaling matakot.

"Ako, tatandang binata? Asa ka! Ipapaputol ko isang daliri ko sa paa kapag nangyari 'yon. Baka nga ikaw pa itong tumandang dalaga d'yan." sabay tumawa ng nakaloloko.

Tsk. Yabang!

Inirapan ko na lang siya. Ano naman ngayon kung tatanda akong dalaga? At least, tatanda akong may Million Dollar Cash.

"Piktsuran na kita! Pero pahiram ng cellphone mo kasi bulok 'yung akin eh, hehe." sabay ngumiti ng malapad. Bigla naman siyang napabusangot tsaka inabot ang phone niya.

Napansin ko ka agad ang lockscreen niya, isang kamay na may suot-suot na singsing. Kabigha-bighani ang ganda ng singsing, may nakapalibot dito na maliliit na puting bato at talagang nakaagaw sa aking pansin.

Magkano kaya ito? Napakaganda.

Gusto ko pa sanang pagmasdan kaso baka makahalata na si Nolan kaya sinet ko na sa camera.

Pumwesto na agad si Nolan. Nakasuot lang ito ng simpleng hooded jacket at faded pants with his shades of course, kahit ano namang suotin niya ay gwapo pa din siyang tignan.

"Okay, ready! One, two, three, smile!" sabay pagclick ko ng camera. Ngumiti naman siya ng napaka lapad. Mukhang bata si Nolan. Nakatutuwa siyang pagmasdan.

"One more, wacky shot naman!" wika ko. Habang hinahanap ang magandang anggulo ni Nolan.

"Anong wacky?" Inosenteng tugon nito.

"Wacky, crazy faces alam mo 'yon?" paliwanag ko. Sabay nagpouty lips ako at nagwink.

"Wacky ba 'yun? Hindi effective, nakasusuka ka lang tignan," nandidiring saad nito.

Tsk!

Napasimangot na lang ako. Pangit ba talaga?

"Tama na nga 'yan. Kakausapin ko na talaga si Kara, kung ano-anong pinag-uutos sayo." sabay tumayo at nagtungo sa banyo. Wala siyang kaalam-alam na hindi si Ms.Kara ang nag-uutos sa akin.

Nilipat ko na lamang ang picture niya sa laptop. Grabe itong lalaking 'to, wala man lang nakasave na pictures sa gallery niya.

Nolan's Pov

I take off my shades and look closely at the mirror. I'm going to try what Lota did.

"Fuck! I can't wink."

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now