A/N: Annyeonghaseyo! I would like to dedicate this to you Tae__Yannah Thank you! ❤
---"Sometimes you win some, you lose some, or you lose everything."
💸💸💸The Woman He Loved
Lolita's PovGULONG-GULO ang aking isipan sa mga oras na 'to. Tama ba itong ginagawa ko? Dapat ko pa bang alamin ang lahat ng ito? Bakit ko nga ba ginagawa 'to? Amang Panginoon, tulungan niyo po akong makapagdesisyon ng tama at nararapat.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan.
"Come in." Nakaramdam ako bigla ng pag-aalala.
Dahan-dahan ko itong binuksan. Nanlaki ang mga mata ko at bahagya akong napanganga sa taong nasa harapan ko ngayon.
Hindi ito maaaring mangyari. Imposible. Nananaginip ba ako? Hindi ako makapaniwala.
"It's nice to see you again, Lolita." Ngumiti siya sa akin at lalong bumalot sa akin ang matinding pagkanerbiyos.
Yumuko na lamang ako dahil hindi ko magawang ngumiti sa kaniyang harapan.
"I send you here because of the spreading fake article about Mr.Nolan and her personal assistant."
Tulala akong nakatingin sa kaniyang desk name plate.
"Eilidh Moon." bulong ko sa aking sarili.
Ikaw pala ang babaeng dumurog sa puso ng isang Nolan Nam. Hindi na rin nakapagtataka dahil isa kang edukadang babae at talagang nakakamangha ang iyong angking kagandahan.
"Is that true? Are you two dating?" Parang bumaluktot ang dila ko at hindi ako makapagsalita.
"I can't imagine you will do that. Nawawala na ba ang pagiging mukhang pera mo? Anyways, sino nga ba ang hindi mahuhumaling sa isang Nolan Nam. Almost perfect. The man that every woman wants," saad niya pa. Sa totoo lang nasasaktan ako na iyon ang tingin niya sa akin. Mukha ba talaga akong pera?
Gusto ko siyang sagutin at tanungin pero wala akong lakas ng loob.
"Baka masyado ka nang nag-eenjoy at nakakalimot kana sa misyon mo? Don't force yourself to fit in where you don't belong. I'm reminding you na hindi tayo pwedeng maging equity rito."
"You have to choose Lolita. Life is all about choices. Sometimes you win some, you lose some, or you lose everything. The choice is yours."
Gusto na talagang tumulo ng mga luha ko dahil sa mga sinabi niya. Parang tinapakan niya ang buong pagkatao ko. Alam kong wala akong lugar sa tulad nilang mayayaman at makapangyarihan pero sobrang sama ng loob ko sa mga binitawan niyang salita.
"I hope that everything is clear to you."
"Thank you Ms.Snow- Ms.Eilidh." Yumuko ako at tuluyan nang lumabas ng pinto. Pagsarado ko ay huminga ako ng malalim bago maglakad ulit.
Lumabas ako ng building na mabigat pa din ang pakiramdam. Tumulo na ang mga luha sa aking mga mata.
"Okay ka lang?" Biglang may sumalubong sa akin at hinawakan ako sa aking balikat.
"Seven."
Namumugto ang mga mata ko ng makita ko siyang nakatitig sa akin at dahan-dahan niyang isinandal ang ulo ko sa kaniyang balikat at banayad niyang hinaplos ang aking ulo tsaka ako niyakap ng napakahigpit.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang damit halos malukot iyon ng aking mga palad.
"Shh...It's okay baby, it's okay." bulong niya sa aking tainga.
Hinatid na ako ni Seven sa bahay at nagpaalam din siya agad sa akin. Nahiga ako at nag-isip-isip. Ano nga ba ang dapat kong gawin?
Napatingin ako sa litrato namin ni Nanay. "Nay, tulungan mo po ako. Naguguluhan na po ako."
Ang babaeng nagbigay sa akin ng trabaho ay ang babaeng minahal ni Nolan magpasa-hanggang ngayon.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...