A/N: Annyeonghaseyo! I would like to dedicate this to you kaid3ng Thank you! So much appreciated ❤
---"Ang taong pihikan,
Madalas nauubusan. Sige ka, ikaw rin."
💸💸💸The Confession
Seven's PovMAAGA akong bumyahe para sunduin si Lota sa bahay niya kaso wala na pala siya doon. Ang aga naman yata niya pumasok at sa kasamaang palad, hanggang ngayon may hang-over pa din ako dahil sa sobrang dami nang nainom naming alak ni Papa.
Shit! Fucking headache!
Pagpark ko ng kotse nakita ko si Nolan papasok ng condo. May dalang bottled water at bimpo, mukhang galing jogging. Himala at maaga yata siyang nagising.
Paglabas ko ng kotse agad nabaling ang atensyon ko sa entrance ng condo at nakita ko naman si Lota na lumabas ng condo. Kaya pala wala na siya sa bahay niya, ang aga pala niyang pumasok.
"Lota!" tumakbo ako palapit sa kaniya.
"Saan ka pupunta? Ang aga mo naman yatang pumasok? Dumaan ako sa bahay mo nandito kana pala." Bakit parang may ibang pumapasok sa isip ko.
Tumingin siya sa akin ng nakangiti. "Sa condo ako ni Nolan nakatulog, kaya pinauwi muna niya ako para makapagpalit." Nagulat ako sa sinabi niya. Magkasama pala sila buong gabi sa condo ni Nolan.
Napangisi ako bigla, "Tara na, ihahatid muna kita." pagyaya ko sa kaniya sabay marahan ko siyang hinatak papunta sa kotse.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at sumakay na din ako. Habang nasa byahe hindi mawala sa isip ko na magkasama sila kagabi ni Nolan.
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako, nagseselos ba 'ko?
"Lota." pagtawag ko ng atensyon niya.
Napatingin naman siya sa akin. "Bakit Even?" tanong niya.
"Gusto mo na ba si Nolan?" diretsahang tanong ko. Nanlaki bigla ang mga mata niya tsaka tumawa ng pagkalakas-lakas.
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita ulit. "Ano bang pinagsasabi mo, imposibleng mangyari 'yon at kung mangyari man iyon, sa tingin mo ba magugustuhan ako ng katulad niya? Imposible," saad niya. Napansin ko ang pag-iiba nang tono ng kaniyang pananalita.
"Tsaka, I'm not here to find love. That's just a fleeting thing," dagdag niya ulit. Napasulyap naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
Medyo naging palaisipan sa akin ang huling sinabi niya.
"So, pwede pala akong mag-apply?" biro ko sabay tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"A-ano?" halata ang pagkagulat niya sa aking sinabi. Namula bigla ang pisngi niya.
"Alam mo, ang taong pihikan, madalas nauubusan. Sige ka, ikaw rin." Napangisi ako habang nagmamaneho.
"Pag-isipan mo mabuti 'yong offer ko. Once in a life time offering lang 'yon. May tatlong standards ako pagdating sa mga babae. Unang-una, ayaw ko sa mga magaganda kaya pasado ka do'n. Pangalawa, gusto ko sa ten years old ang height, pasok na pasok ka rin do'n. Pangatlo, gusto ko talaga 'yung tipo mo. Masayahin pero hindi pansinin. Ayoko kasi ng may kaagaw eh. Seloso ako." seryosong sabi ko.
Hininto ko ang kotse sa tapat ng bahay ni Lota. "Gusto mo bang hintayin kita?" tanong ko.
Kapansin-pansin na hindi siya makatingin sa akin ng diretso. "Gusto mo bang magkape muna sa loob?" bigla niyang sagot at lubos ko namang kinatuwa.
Nabuhayan ako bigla na baka may pag-asa ako. Akala ko rejected na 'ko dahil sa 'di niya pagkibo sa mga sinabi ko. Seryoso talaga ako sa sinabi ko sa kaniya.
Bumaba kami ng kotse at pumasok sa bahay niya. Napakaayos ng future girlfriend ko sa bahay niya kahit maliit lang ito. Pwede na siyang mag-asawa.
"Upo ka muna at magtitimpla lang ako ng kape." sabay nagtungo na siya sa kusina.
Napansin ko ang nakasabit na frame sa wall niya. Nilapitan ko ito para makita ng mabuti. Isang babae at batang babae. Bigla na lamang akong napangiti ng hindi ko namamalayan. Siya ang batang 'yon. Ang cute-cute niya pala noong bata siya, ano kayang nangyari sa kaniya ngayon? Biro lang. Mas cute ang future girlfriend ko ngayon. Kamukhang-kamukha niya ang babaeng katabi niya. Pero, bakit sila lang ng—
"Si Nanay 'yan at ako." paglingon ko kay Lota napangiti ako sa kaniya at napatitig sa mga ngiti niya. Inilapag niya ang kape sa mesa. Lumapit ako at upo.
"Diyan ka lang ah, wag kang maglilikot. Kung gusto mo may mga cupcakes ako diyan kumuha ka lang." sabay pumasok siya sa banyo. Napangiti naman ako ulit sabay humigop ng kape.
Nakita ko ang mga cupcakes sa mesa. Iba't-ibang kulay at mukhang nakakatakam talaga. Marahil ay gawa niya ito, may pagkakatulad pala sila ni Mama dahil mahilig din siyang magbake. Kumuha ako ng isa at tinikman ko ito.
Mukhang si Lota na rin ang gusto kong maging future wife.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...