The Crème Brûlée
Lolita's PovKAGAGALING ko lang sa market bumili ng mga ingredients para sa aking Homemade Creme Brulee de Lolita hihi.
Alam ko paborito ito ni Mafia boss kaya paglulutuan ko siya, nakita ko kasi pa'no niya singhutin ang plato niya no'ng nasa ano bang lugar 'yon? Ah! basta 'yun na 'yon. Wala si Mafia boss pagbalik ko sa room niya.
"Saan naman kaya nagpunta 'yon?"
Pagtataka kong sabi sabay isa-isa kong nilabas sa plastic ang mga pinamili ko at nagprepare ng aking lulutuin.Masaya kong inihahanda ang mga ingredients. Excited na akong matapos ito at matikman niya.
Ilang oras na din ang lumipas at natapos ko na sa wakas lutuin ang special Dessert at Main course.
Naglagay ako ng madulas na tela na kulay grey sa table niya tsaka pinatong ng maayos ang mga pagkain, pero tinago ko muna ang special Dessert para surprise.
Biglang tumunog ang lock at bumukas ang pinto. Naku! Siya na 'yon. Tinanggal ko ka agad ang suot-suot kong apron at hinagis ko sa kung saan.
Pumwesto ako agad sa gilid ng couch at sinalubong siya ng malapad kong ngiti. Nagulat yata siya kaya dahan-dahan niyang binaba ang phone niya. Paglapit sa akin ay napatingin siya agad sa table.
"Anong meron? Birthday mo?" pagtataka niyang tanong sabay umupo at buksan ang mga nakatakip na lalagyan.
"Ay, hindi po. Sinipag lang talaga ako magluto," paliwanag ko. Halos hindi na maalis ang pagngiti sa aking labi.
"Okay." Napatingin pa siya sa bawat putahe na nasa kanyang harapan tsaka niya tinikman isa-isa. Habang tinitignan ko siyang kumakain biglang humilab ang aking tiyan.
Mamaya kana!
Patapos na siya kaya dali-dali na akong pumunta sa kusina para kuhanin sa refrigerator ang special Dessert. Marahan ko itong inilagay sa table niya.
"Sana magustuhan mo!" masayang wika ko. Nagulat siya ng bahagya.
"Oh!"
"Yup, Homemade Creme Brulee de Lolita," pagmamalaki ko sa kanya.
Agad niyang kinuha ang tinidor at kumuha ng bite size, tsaka niya isinubo ito. Ewan ko kung bakit tinidor ang ginamit niya, texture po kasi niya ay katulad sa Leche flan. Weirdo talaga ni Boss.
Kinakabahan naman ako kung anong sasabihin niya. Nagustuhan niya kaya?
"Hmm," matipid niyang sabi. Para bang kinikilatis niya pa talaga ang lasa nito.
"Masarap, mahusay." matipid niyang pagpuri. Sa ilang araw ko dito ngayon niya lang ako napuri.
Ang saya-saya pala sa pakiramdam kapag may taong nakakaappreciate ng mga pinaghirapan mo. Kahit simpleng papuri lang 'yon pero pumapalakpak ang puso ko sa ligaya. Ngayon ko lang naramdaman 'to sa buong buhay ko.
Liligpitin ko na sana ang mga plato ng biglang kumirot ang tiyan ko sa sakit. Naramdaman ko na lang ang biglang panghihina na naging dahilan para ako'y bumagsak sa sahig.
Hawak-hawak ang aking tiyan na halos mamilipit na ako. Pinagpapawisan na ako ng malamig at hindi ko na magawang bumangon pa.
Nakita ko na lamang si Nolan na lumapit sa akin at dali-dali akong buhatin, pagkatapos no'n ay hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...