💶10

209 105 81
                                    

The Pastel Laptop
Lolita's Pov

"Lota na saan kana!"

GALIT na boses ang aking narinig na halos marindi ako sa sobrang lakas ng pagkakasigaw. Nanlaki ang aking mga mata ng bumangon sa kama at nagdali-daling maghanap ng masusuot. Hindi ko na naisip na maligo pa sa sobrang pagkataranta. Papalabas na sana ako ng pinto na may biglang kumatok.

"Delivery Mam!" Bumungad sa akin ang lalaki na may hawak-hawak na kahon. Nilahad ko ang mga kamay ko sa kanya.

"Ako na Mam, Medyo may kabigatan Mam eh. Saan ko ho ba ilalagay Mam?" Pagpipresinta niyang sabi.

Napalingon ako sa loob ng bahay ko, akala mo ang laki, eh kwarto lang naman ito na may laiit na banyo.

"Dito na lang po sa may lapag." Pagturo ko malapit sa pinto. Dahan-dahan naman niya itong inilapag sa sahig.

"Papirma na lang po rito Mam." sabay kumuha ng papel at ballpen tsaka inabot sa akin. Pinirmahan ko naman agad at umalis na din siya.

Pagkasarado ko ng pinto ay naalala ko na wala pala akong pasok ng isang linggo. Kumuha na lang ako ng gunting para buksan na ang kahon.

Natuwa naman ako sa laman ng kahong ito, para ba akong pinaglalaruan. Dahil bumungad sa akin ang isang malapad na may kanipisan pa na kahon. Baka puro kahon lang ang laman nito?

Dahan-dahan ko itong kinuha at binuksan. Gulat man ako pero lubos ko talaga itong kinatuwa.

"Wow! Laptop, at pastel skin pa talaga! I love it!" Niyakap ko ang laptop sa sobrang kasiyahan. Cute size lang ang laptop 'di siya kalakihan.

Ibinaba ko muna ang laptop sa gilid at sumilip pa ako sa laman ng kahon.

"Wow! May foods, drinks and vitamins!" Para akong batang binigyan ng laruan sa sobrang saya. Maluha-kuha kong inilabas isa-isa ang laman ng kahon.

Ang dami naman nito para na akong naggrocery for one month, 'di ko mauubos ito ako lang mag-isa dito eh. May nakita akong sobre sa loob ng kahon. Dali-dali ko itong kinuha at may nakasulat na, "Payment."

Mabilis ko itong binuksan. Ten thousand ang bumungad sa akin malulutong pa ang papel. Naluha na lamang ako bigla dahil akala ko Million Dollar na. Pero masayang masaya talaga ako at may pangbudget na ako sa araw-araw, malaking bagay na ito para sa akin.

Kailangan kong alagaan ang sarili ko gaya nga ng sabi ni Nolan, ayokong ma-jobless ulit. Okay na ako dito sa trabaho ko mabilis na lang ito kung mahahanapan ko agad si Nolan ng iibigin niya.

Hindi kagaya ng trabaho ko sa factory noon, halos magkanda kuba-kuba na ako kakarepack ng mga chicharon. Wala pa ding pagbabago sa buhay ko nagkautang-utang pa ako. Napayakap na lamang ako sa ten thousand pesos at napatingin sa kawalan.

"Hayaan mo Lolita, Malapit mo ng makamtan ang buhay Amerikanang Milyonarya." Tulala pa din ako sa kawalan habang nangangarap.

Habang kumakain, kinuha ko ang baby laptop ko. Hindi ako makapaniwala na meron na akong sariling laptop. Dream come true ito. Kinikilig ako!

Binuksan ko at Iniwallpaper ko ang mukha ni boss na nakangiti. Lalo akong nakaramdam ng kilig no'ng makita ko ang kanyang mga ngiti na sobrang lapad. Natatawa ako na may kilig sa 'king labi.

"Open ko nga page ni Mafia boss," dali-dali akong nagtype. Daming messages at comments.

"Talaga 'to si Nolan tamad mag-open ng page niya." Pinag-oopen ko naman mga messages sa kaniya ng mga babae.

"Akin ka na lang Mr.Nolan Nam, Ang sarap-sarap mo talaga." -Cynthia

"Hi Dreamboy, Please date me! I can make you happy eveyday." -Leslie

"Hi handsome! Come to Mama! Pm is the key." -Dorothy

"Baby, Date me. I'm perfect for you." -Tuesday

Nagulat ako sa mga babaeng 'to kay gaganda kay lalandi din. Iba talaga kapag mayaman at maganda. Hindi ko man aminin pero naiinsecure ako sa kanila, ayaw ko magpakaplastic sa sarili ko.

Biglang may nagpop up sa screen ng laptop ko habang busy akong nakatingin sa litrato ng mga babae.

Pinindot ko naman ito. Nanlaki bigla ang mga mata ko sa nagchat.

Nolan: How r u?

Lota:
Okay na 'ko. Salamat pala sa laptop, pagkain, vitamins, at pera. Dapat hindi mo na Inadvance kasi work from home naman ako, pero salamat talaga.

Nolan: Wt? Idk na ganyan pinadala ni Kara.

Lota:
Huh? Ganun ba? Salamat pa din Nolan.

Nolan: P.A kita kaya natural lang 'yan.

Lota:
Thank you! Hart! Hart!

Hay, para akong teenager na kinikilig kausap siya. Bakit gano'n?

Biglang may nagpop up ulit. OMG! Nagchat ulit siya!

Nolan: One more thing Lota, I-set mo ang date namin ni Guine bukas.

Lota:
Ah. Okay Nolan masusunod.

Bigla akong napasimangot at napabuntong hininga na lamang.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now