💷30

100 42 14
                                    

The Moment
Lolita's Pov

"COME IN."

Pagpasok ko agad kaming nagkatinginan ni Ms.Eilidh, nakaupo siya ngayon sa may couch at agad naman akong humakbang papalapit sa kaniya.

"Sit down." saad niya. Umupo naman ako kaagad at humarap sa kaniya.

"Job well done. Next week na agad ang engagement nina Nolan at Guine, at dito na rin nagtatapos ang iyong kontrata." Kinuha niya ang papel sa table at inabot sa akin.

Napatitig ako sa papel na kaniyang inabot.

"Take it Lolita, you deserve it." saad niya.

Huminga ako ng malalim at saka ko kinuha ang cheque sa kaniyang kamay.

'Million dollar'.

Ito na ang aking pinapangarap nasa mga kamay ko na ngayon. Pero bakit hindi nagagalak ang aking puso, bakit may kirot sa damdamin ko.

"Thank you Ms.Eilidh, napakabuti niyo talaga sa akin." Maluha-luha kong sabi.

"Thank you rin Lolita, goodluck sa panibago mong buhay." Masayang ngumiti sa akin si Ms.Eilidh bago ako tumayo at lisanin ang kaniyang opisina.

At dumating na nga ang araw ng engagement ni Nolan. Siguro ito na talaga ang nakatadhana sa aming dalawa. Hindi talaga siguro kami para sa isa't-isa.

Sabi nga nila, may mga taong pinagtagpo pero hindi tinadhana, makikilala ngunit hindi p'wedeng magsama. Gano'n talaga e, nagmahal ako sa hindi tamang oras at panahon.

Bakit nga ba gano'n? Kung sino pa ang taong gusto natin sila pa ang taong hindi p'wedeng maging atin.

Ang pag-ibig ko para sa kaniya ay parang isang ibon na kailangan ko ng palayain at pakawalan.

Dahil sa kabilang banda, alam kong may taong nakalaan para talaga sa akin.

"Lota!" Nakangiting tawag sa akin si Even.

"Tara, kain na tayo!" Pag-anyaya niya habang nakaupo sa bench ng park.

Nakangiti akong lumapit sa kinaroroonan ni Even. Inabot niya sa akin ang mga paborito kong pagkain. Ay, lahat naman pala paborito ko hihi.

"Masarap ba? Gawa ko 'yan, tinuruan ako ni Mama." saad ni Even at nakatingin sa akin habang wala akong tigil sa paglamon.

"Dahan-dahan lang, katakawan mo talaga." At sabay inabot sa akin ang basong may juice. Kinuha ko naman ito at ininom.

Bigla namang hinawakan ni Even ang mga labi ko sabay marahang pinunasan ito gamit ng kaniyang daliri.

Namula bigla ang mga pisngi ko sa kaniyang ginawa. "Ang sarap ng luto mo Even! P'wede ka ng maging Chef!" Ngumiti ako ng napakalapad upang hindi niya mahalata ang pagkailang ko.

"Lota, sana bigyan mo ako ng pagkakataon patunayan na seryoso talaga ako sa nararamdaman ko para sayo. Alam ko una pa lang wala na akong laban sa kaniya d'yan sa puso mo, pero sana naman hayaan mo akong iparamdam sayo 'yong pagmamahal ko." Marahan niyang kinuha ang isang kamay ko at may konting diin na hinawakan ito.

Nakita ko sa mga mata niya ang katapatan sa kaniyang mga sinasabi.

"Pahintulutan mo sana akong mahalin ka habang wala pa siya sa tabi mo, dahil handa naman akong magparaya kapag dumating na ang araw na p'wede na sa inyo ang lahat," saad niya pa. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Parang may kirot sa puso ko na biglang namuo, ayaw ko siyang saktan. Napakabuti sa akin ni Even. Hindi siya nababagay sa isang tulad ko.

"Alam mo ba ang salitang pagmamahal? Hindi ko 'yan pinag-aralan pero sayo ko 'yan natutunan." Tumitig siya sa akin pero hindi ko kayang tugunan ang mga tinging iyon.

"Lota, mahal na mahal kita." Maluha-luha niyang sinabi ang mga salitang 'yon sa aking mga mata.

"Even, hindi ako deserving para sayo, baka masak-"

Naputol ang aking sasabihin nang bigla niya akong niyakap ng napakahigpit.

"Lota sigurado na akong mahal kita, kasi kahit nasasaktan ako sa tuwing masaya ka at nasasaktan ka sa piling niya ikaw pa rin ang paulit-ulit pinipili ng puso ko."

Tulala lang akong nakatingin sa kawalan habang nararamdaman ko ang mahinang pag-iyak ni Even. Napayakap na lamang ako sa kaniya.

"Even." Mahinang sambit ko.

One's Heart MeltsWhere stories live. Discover now