The Guy with His Cap
Seven's PovUMAGANG-UMAGA ang ganda ng music ko. Ang tindi talaga ng boses ni Mader at Pader may tenor at alto. Ang ganda ng blending! Sarap sa tenga!
Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa akin sila Mader at Pader. Aso't pusa na namang pinagtatalunan ang ulam na lulutuin.
Ganyan lang sila lagi pero masaya ang pamilya namin, Maniwala kayo. Nag-iisa lang akong anak kaya binibaby nila 'ko. Swerte ko no?
Masyado kasing gwapo ang anak nila at madaming nagkakandarapa, mahirap na baka magkababy ang anak nila at puro panganay pa.
Seven Hyun nga pala at your service Girls! Ang lalaking umaapaw ang kagwapuhan.
"Morning Ma, Pa!" Masayang bati ko sa kanila. Agad naman silang natigilan sa pagtatalo.
Mabilis nila akong inasikaso, hinanda nila agad ang pagkain ko.
"Even anak, may ibinalita kanina sa news 'yung boss ng kompanya mo naaksidente lasing na lasing daw nagmamaneho ng kotse niya." pagbabalita sa akin ni Ma sabay lapag ng pagkain sa harapan ko.
Sumubo muna ako bago magsalita, "Oh? Hanggang ngayon 'di pa din siya nakakarecover sa babae niya." Sumubo ako ulit at saka uminom ng tubig.
"Hay naku, kumain na nga lang kayo. Wag niyo na pag-usapan ang buhay ng iba." wika ni Pa.
Tumingin naman ng masama si Ma kay Pa, sabay umupo na din sila at kumain.
Pagpasok ko sa office sinalubong ako agad ng isang katrabaho ko.
"Pareng Even, pumunta ka daw sa office ni Mam pagkatime-In mo." Pag-iinform niya sa akin sabay alis.
Nagtime-In muna ako at nilapag ang bag sa desk ko sabay nagtungo na sa office ni Mam. Ano na naman kaya ang ipapasideline sa akin nito.
Pagkatok ko, "Come in." wika ng nasa loob.
"Morning Mam! What can I do for you?" Masayang bungad ko sa kanya.
Napaharap siya sa akin habang nakapwesto sa kanyang trono. Inabot sa akin ang isang sobre. Ano na naman 'to?
Napatingin ako sa kanya ng seryoso bago ko ito kunin.
"Starting today hindi ka na papasok sa office. Pero, may mahalaga akong ipapatrabaho sayo," paliwanag niya at parang nakutuban ko na kung ano iyon.
Binuksan ko ka agad ang sobre.
ID, License, at susi ang laman nito.
"Sabi na nga ba sa akin mo ipapagawa 'to, napakagaling ko talaga sa paningin mo Mam," pagmamalaki ko sabay ngisi.
Seryoso pa din siyang nakatingin sa akin. Hindi naman kasi siya talaga ngumingiti, sayang at napakaganda pa naman niya pero hindi siya ang tipo kong babae.
Mataas ang standards ko.
"Alam ko at alam mo na kayang-kaya mo gampanan ang trabahong ibibigay ko sayo, kaya wag ka na magtaka kung ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sa trabahong ito," saad niya.
Napabuntong hininga na lamang ako, "Okay, I get it. Pero alam mong may sarili akong batas na sinusunod. Gagawin ko ng maayos ang trabaho ko pero dapat kaya mo ang presyong ibibigay ko." Paghahamon ko sa kanya.
"Name your price." Seryosong tugon nito.
Ngumisi ako ng nakaloloko.Pinuntahan ko ka agad ang ospital na kanyang sinasabi, sakay ng kotse ng magiging bago kong boss at agad ko namang pinark ito sa harapan mismo ng ospital.
Naghintay ako doon ng ilang minuto at sa wakas lumabas na din ang boss ko. Lumabas din ako ng kotse para salubungin siya.
"Hi boss! I'm your new driver. Seven, at your service po." wika ko. Sabay tanggal ng cap at nagbow. Mukhang suplado talaga sa personal ang lalaking ito hindi man lang ako pinansin at agad na pumasok sa kotse niya.
Gwapo ka lang pero mas malakas ang karisma ko.
Dali-dali akong pumasok sa kotse at inistart ang engine, "Boss, Magaling ka na ba? Nabalitaan ka ng nanay ko sa news. Delikado talaga nagmamaneho ng lasing Boss," saad ko. Habang nakatutok ang mukha ko sa manibela.
"Himala Boss at naghire ka ng personal driver? Hindi ho ba ayaw niyo ng ibang may nagmamaneho ng kotse niyo?" Napatingin ako sa rearview mirror para tignan siya. Nakadungaw lang siya sa labas.
"Share ko lang Boss, first time ko maging personal driver pero expert ako sa pagdadrive kasi sumasali ho ako sa car racing sa lugar namin no'ng college days. Kaya wag kang mabahala, safe na safe sa akin ang kotse mo pati ikaw Boss." Ngumisi-ngisi ako sa kanya kahit wala siyang kibo.
Kailangan ko talagang pakisamahan ang lalaking ito kahit ayaw ko sa kanya.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...