The Feelings
Seven's Pov"TANG-INA!"
Bakit ko ba dapat makita 'yon?
Bakit ganito 'yung nararamdaman ko?
Gulong-gulo 'yung isip ko habang nasa loob ng kotse. Nag-iisip kung bakit ko ba sinunod 'yung babaeng 'yon. Kung ako lang din naman ang masusunod mas gugustuhin ko pang malunod ng tuluyan ang lalaking 'yon, pero hindi 'yun ang nasaksihan ko.
"Kung ganun, Iparamdam mo ngayon sa 'kin."
"Dadamayan kita ngayon Nolan, dito lang ako sa tabi mo."
Napahampas ako bigla sa manibela. "Bullshit! May gusto ba siya sa lalaking 'yon? Dakilang tarantado 'yun! Masasaktan lang siya sa lalaking 'yon. Kailangan kong mawarningan si Lota," saad ko sa aking sarili.
Tama ba 'yung desisyon ko na iwan silang dalawa do'n? Pa'no kapag sinaktan siya ng lalaking 'yon? Wala talaga akong tiwala sa Nolan na 'yun.
Lumabas ako ng kotse, pupuntahan ko si Lota. Hindi niya kailangang samahan ang lalaking 'yon.
Papasok na sana ako sa condo ng makasalubong ko si Lota. Halatang nagulat siya ng makita ako.
"Oh, Seven. Bakit nandito ka pa?" Pagtatakang sabi niya. Napansin ko naman ang suot niyang damit, malamang kay Nolan 'yon.
Napakamot ako bigla sa 'king ulo, "Ah, kasi, w-walang sinabi si Nolan na umuwi na." Pagkabalisa kong sabi.
Napangiti naman siya, "Tulog na siya, kaya umuwi ka na."
"Hatid na kita."
Bigla naman siyang napatingin sa akin, "Bakit, hindi mo ba iiwan ang kotse sa parking lot?"
"Hindi, pinapauwi niya kasi sa akin itong kotse." tugon ko. Hindi naman niya ako tinanggihan at sumabay na siya sa akin.
Tahimik akong nagmamaneho at siya naman ay nakatingin lamang sa bintana. Naghahanap ako ng tiyempo para makapagsalita.
"Lota?"
Napatingin naman siya agad sa akin, "Bakit?" Sabay tingin ulit niya sa bintana.
Napalunok ako sa aking lalamunan, "Kilalang-kilala mo na ba 'yung taong pinagsisilbihan mo?" Seryoso kong tanong."Bakit, Importante ba 'yon? Mas importante sa akin ang pera, bahala na kung sino siya basta ang mahalaga binabayaran niya ako ng tama." tungon niya. Nakatingin lang siya sa bintana at hindi manlang ako tinignan.
Hininto ko saglit ang kotse sa may tabi ng kalsada, "Pera lang ba talaga mahalaga sayo? O baka mahalaga na din siya sayo?" Prangka kong tanong at medyo nagtaas ang aking boses.
Sa wakas, humarap na siya sa akin at tinitigan ako ng napakatalim.
"Gusto ko lang malaman mo na hindi basta-basta si Nolan. Hindi siya ang lalaking mala-anghel sa paningin mo, hindi mo magugustuhan kung sino--" Naputol ang aking pagsasalita sa pagsingit ni Lota.
"Tama na. Boss pa din natin siya kailangan pa din natin siyang respetuhin." pagkontra niya. Bakit ba ayaw niya akong pakinggan.
"Concern lang naman ako sayo. Wag ka sanang magtiwala agad-agad, lalo na sa taong hindi mo pa lubos nakilala," Pagpapaalala ko sa kanya sabay pinaandar na ang engine ng kotse.
"Oo naman, lalo na sayo." bigla niyang sabi at iniwas niya na ang kanyang tingin sa akin.
"Naintindihan ko." tugon ko. Tama siya, wala dapat siyang pagkatiwalaan sa amin ni Nolan.
Nang maihatid ko na siya sa kanyang bahay, binuksan niya na ang pinto ng kotse ng biglang hawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siya.
"Lota maniwala ka sa akin, may masamang reputasyon si Nolan. Kung trabaho lang talaga ang mahalaga sayo mas mapapanatag na ang loob ko." Sabay bitaw sa kanyang kamay.
Napatingin siya sa akin ng bahagya, "Salamat Seven." sabay labas at sarado ng pinto.
Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob bago ako umalis. Sana naman seryosohin niya ang mga paalala ko sa kanya.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomanceGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...