"Love takes off masks that we fear we cannot live without and know we cannot live within."
-James Baldwin
💸💸💸This Is Why
Nolan's PovHINDI NATULOY ang engagement namin ni Guine dahil hindi talaga siya ang babaeng isinisigaw nitong puso ko. Ayokong muling makasakit nang damdamin ng iba dahil lang kailangan kong ipangtapal sa damdamin kong minsan ng dinurog.
Ngayon ang araw ng alis ko papuntang ibang bansa. Magsisimula akong muli upang tuparin ang mga pangarap na minsan ng pinagkait sa akin.
Simula ngayon, ako na ang magpapasiya sa buhay ko at hindi na naka-depende sa kagustuhan lang ng mga magulang ko o ng ibang taong nakapaligid sa akin.
Marahil hindi pa ito ang tamang panahon para ako'y muling umibig. Hindi pa ako handang panagutan ang totoong isinisigaw ng damdamin ko. Kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang sarili ko bago ko lubusang i-alay ang puso ko sa iba.
Pero ito lang ang sigurado ako.
Sympathy, Affection, and Love. Ito ang pakiramdam na hindi ko malilimutan ng makilala ko siya.
I risked everything and ask for nothing because...
"I Love Her."
Hindi ko alam kung bakit ganito ako magmahal.
Kaya kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal, pero hindi ko ginawa dahil alam kong paulit-ulit ko lang siyang masasaktan. Mas mabuti na ang ganito, na hindi niya alam ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya.
Masakit man sa loob ko pero kailangan kong maging masaya para sa kanila ni Seven. Alam kong siya ang lalaking karapat-dapat para kay Lota at hindi ako. Panatag na ang loob ko dahil nakita ko na siyang masaya. Or should I say, nakita ko na silang masaya.
"Nolan!" Lumapit sa akin si Shin at niyakap ako bigla.
"I will miss you suplado kong kaibigan, take care." Naiiyak niyang wika sa akin.
"Don't worry, I'll call you when I get there. See you soon." Bahagya akong napangiti sa kaniya bago ako tuluyang naglakad papunta sa aking private plane.
Muli pa akong napatingin sa lugar na aking lilisanin bago pumasok sa loob.
"Zàijiàn."
Lolita's Pov
Pagpasok ko sa loob ng disco bar nakita kong bahagyang tinaas ni Ms.Shin ang kaniyang kamay at ngumiti sa akin. Agad naman akong lumapit sa kaniya.
"Hi Lolita, naging successful ang charity mo. Maraming salamat sa tulong na ginawa mo para sa mga homeless children. Napaka-genuine talaga ng puso mo, kaya hindi ako magtataka kung paano mo nakuha ang puso niya." Ngumiti ito ng napakatamis sa akin.
Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi pero hindi ko na lamang pinakita na nasasaktan pa rin ako. "Salamat Ms.Shin, kung hindi dahil sa tulong mo hindi magiging successful ang charity ko. Maraming salamat talaga Ms.Shin." saad ko.
"It's okay, ano ka ba! Business partner na tayo ngayon at nangako ako na gagabayan kita para sa kaniya. So, I got your back. Don't worry." Natawa na lamang ako sa sinabi ni Ms.Shin.
Nang makalabas ako ng disco bar nakita ko si Even na nakatayo sa gilid at napangiti siya ng makita ako. Agad siyang lumapit sa akin at ikinawit niya ang kaniyang braso sa aking leeg.
"Let's eat?" Ngumiti siya ng napakatamis sa akin.
"Pinapataba mo naman ako e." Napanguso ako ng bahagya sa kaniyang sinabi pero agad din akong ngumiti.
"Syempre, guwapong manliligaw mo ako kaya lahat ng gusto mo ibibigay ko." Sabay kindat sa akin at napa-irap naman ako saka tinanggal ang braso niya sa aking leeg.
"Manliligaw pero may paakbay na." natatawang sabi ko at nauna na akong naglakad sa kaniya.
Agad naman siyang sumunod at ginulo ang buhok ko. "Gano'n talaga kapag guwapo, mabilis." Ngumiti siya ng nakakaloko. Kahit kailan talaga ang lalaking ito napakahangin. Pero wala akong masasabi sa kaniyang kabaitan.
At nagtungo na kami sa isang restaurant at hindi namin inakala na makikita namin doon si Ms.Kara.
"Ms.Kara!" Napayakap naman ako bigla sa kaniya.
Nagulat siya pero agad din niya akong hinagkan. "Lota! I miss you girl! Uy, si pogi kasama mo pala. Hi pogi!" sabay kaway niya kay Even.
"Hi Ms.Kara!" Bahagya namang napangiti rin si Even. At niyaya na rin naming kumain si Ms.Kara, hindi naman siya tumanggi sumama na rin siya sa amin.
Dumaan pa ang ilang buwan at madalas na kaming nagsasama-sama nina Ms.Kara, Ms.Shin, Ako at si Even. Nabuo na sa amin ang pagkakaibigan.
YOU ARE READING
One's Heart Melts
RomansaGaano nga ba kahalaga ang pera para ika'y sumugal? Handa ka bang talikuran ang damdamin mo para lang sa pera? Meet Lolita Lee, ang babaeng money is everything. Oo, mukha siyang pera at para sa kaniya'y pera na lang ang mahalaga sa buhay. Until sh...